Chapter 45
Hindi man lang ba napagod si Scorps sa pag-aalaga sa kaniya? Pakiramdam niya tuloy ay para siyang isang maharlika na pinagsisilbihan.
Binubuhat siya ng lalaki patungo sa banyo, at tinutulungan din siya nitong bumihis. Ang lalaki na rin ang siyang gumagawa ng paglilinis sa apartment at paghahanda para sa kanilang makakain sa tuwing darating ang oras ng pagkain.
Pinag-aralan niya ang kilos ng lalaki, at ang masasabi niya ay bukal sa puso nito ang ginagawa.
Sinabihan niya ang lalaki sa ika-apat na araw ng lalaki sa apartment na umuwi na ito sa mansyon pero ayaw nito. Pati ang mga trabaho nito ay ginagawa na lamang nito rito at sinesend na lang ang mga files sa sekretarya nito.
Napaka-workaholic ng lalaking ito. Hindi tuloy niya maiwasan na ikumpara ang ex-boyfriend niya sa boyfriend niya ngayon. This one is better than the other. Si Lukas kasi ay inuuna ang paglalaro sa cellphone bago ang mga trabaho nito.
Pagod na siya kaka-scroll sa screen ng cellphone niya kaya ay minabuti na lamang niya ang tumagilid at pagmasdan si Scorps na abala sa pagtatrabaho kahit na maghahating-gabi na.
The man yawned. Napangiti na lamang siya dahil hindi man lang nasira ang mukha ng lalaki nang humikab ito. Nanatili ang kaguwapuhan ni Scorps kahit na saang anggulo man ito tingnan.
Madali niyang pinikit ang mga mata niya at nagkunwari na siya ay natutulog na.
Tiim-bagang niyang tiniis ang ginagawa ni Scorps sa kaniyang mga pilik-mata. Nilalaro kasi ito ng lalaki.
"Are you really asleep, honey?"
Sa tuwing tinatawag siyang "honey" ng lalaki ay bigla na lang naiipon ang dugo niya sa kaniyang mukha. Ito na yata ang pinakanakakakilig na salita na narinig niya sa buong-buhay niya.
Iniisip pa lamang niya na si Scorpio Jacoby Melendres ang kaniyang nobyo ay halos hindi na siya makahinga nang maayos, sapagkat pangarap ito ng ibang babae. Walang kahirap-hirap para sa kaniya na makuha ang lalaki, e.
Nakita niya na ang kaniyang silbi sa mundong ito. Ito ay ang suklian ang pagmamahal ng lalaki sa paraan na alam niya.
Madalas ay hiya ang nararamdaman niya simula noong sinagot niya ang lalaki, kahit noong napagtanto niya na unti-unting nagbabago ang tingin niya sa lalaki, dahil kinain niya ang lahat ng mga salitang sinabi niya.
Ang panindigan niya noon ay si Lukas lang ang mamahalin niya, at hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang ibang lalaki na pumasok sa puso niya. But suddenly, Scorps made her realize that everything might change when love moves mysteriously.
Isang "game changer" kung kaniyang iturin ang lalaki. Hindi niya kasi inakala na lilipat dito ang kaniyang nararamdaman na noo'y para lamang kay Lukas.
"Honey, answer me or I'll be kissing you?"
Hindi pa rin siya sumagot. Pinigil niya ang talukap niya na gumalaw. She needed to stand for what she was trying to act—ang magkunwari na tulog.
Isang saglit na halik ang inalay ng lalaki sa kaniyang mga labi. That single kiss was so strong to make he open her eyes voluntarily.
Tinabihan siya ng lalaki at yumakap naman siya rito.
"I am too handsome to handle, honey. Isang halik ko lang, titiklop ka na."
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...