Chapter 57
Isang buwan ang lumipas mula noong umuwi sila galing sa kanilang masaya at magandang bakasyon.
Pansin na pansin niya ang pagbabago ng kaniyang panlasa. Napatakip na lamang siya ng palad sa kaniyang bibig nang siya ay masuka. Tulog pa ang lalaki kaya ay marahan siyang bumaba sa kama bago siya tumungo sa banyo.
Binuksan niya ang bowl at lumuhod ito. She was holding tight to both sides of the bowl while his mouth was producing strings of saliva.
Napaluha na siya sa pagkakataon na ito. Magkahalong laway at hangin na kasi ang kaniyang sinusuka.
"Nagdilang-anghel na ang lalaking iyon," aniya habang marahang tinatapik ang dibdib.
Inalis niya ang luha niya at agad na ini-flash ang laman ng toilet. Tumungo siya sa lababo at naghilamos. Automatic ang gripo sa lababo ng banyo nila, kapag pinailalim mo ang iyong mga palad ay kusang aagos ang tubig mula sa gripo.
Humila siya ng tissue upang gamitin pamumas sa kaniyang pisngi. She was out of strength as she walked out of the restroom.
"Honey, ang early mong gumising. Sunday ngayon," sabi ng lalaki.
"Huwag mo nga akong kinakausap, Scorps! Ang sakit ng boses mo sa tainga ko! Para kang sirang cymbals!"
Naiinis siya sa lalaking kagigising lamang. Ayaw niyang maramdaman ito pero hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Her hate for the man was coming out of nowhere.
"Honey, may nagawa ba akong mali?"
"Wala! Tumahimik ka, please!"
"Lyv, wala naman pala akong nagawang mali. Then why are you acting like this?"
"Exactly, my point! Wala kang ginagawa pero nakakainis ka!"
Nagsasalita ang lalaki pero hindi niya ito narinig pa. Naduduwal na naman siya.
Dalawang kamay ang kaniyang tinakip sa kaniyang bibig at bigla na naman siyang nasuka ng hangin sa harapan ng lalaki.
Siya ay inis na inis. Iritable siya bigla sa tuwing nakikita niya ang lalaki. It's really hard for her to not give anger at the man. Sa kabila nito ay hindi kinimkim ng lalaki ang trato niya rito. The man held her hands for a while, and let them go, and jump like he won the lottery price.
"Oh! Damn! Hallelujah! Buntis ka na!" masayang sigaw ng lalaki sa loob ng kanilang silid.
"Tumahimik ka nga! I hate your voice! Nakakairita talaga, Scorps!"
Niyakap siya ng lalaki.
"We need to visit an OB!" the man said excitedly.
"Scorps, hindi pa naman confirmed na buntis ako. PT na lang ang bilhin mo. Oo, iyon na lang muna."
"Alright. I will buy now," sabi ni Scorps sa kaniya.
Hinila niya ang kamay ng lalaki sapagkat tigas na tigas ang alaga at tanging manipis na boxer lamang ang suot nito.
"Aalis ka nang ganiyan?"
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...