Chapter 70

187 5 0
                                    

Chapter 70

Lumipas na ang ilang taon subalit ang puso niya ay naiwan pa rin kung kailan nawala ang kahulugan ng buhay niya. Nawalan siya ng direksyon para mag-patuloy. His business was slowly decreasing in performing well. Kinailangan pang saluin ni Taurus ang organisasyon para lang manatili itong matatag.

The night when he made the most regrettable decision became his nightmare.

Ilang buwan silang hindi nagka-ayos ni Taurus. Sinisisi niya kasi ang kaibigan niya dahil ito ang naging ugat kung bakit umentrada na naman sa buhay niya si Sheryl. Parang bata siyang sinuyo ni Taurus noon upang makuha muli ang kaniyang tiwala. Taurus reflected also on what he did. Ang sabi ng kaibigan niyang ito sa kaniya ay may kasalanan talaga siya.

Kinuwento ni Taurus sa kaniya ang lahat kaya ay naunawaan niya ang kaibigan niya kung bakit ito pumayag na gawin ang bagay na iyon—ang hikayatin siyang tumungo sa mansyon nito para makipag-usap kay Sheryl.

He shook his head. Remembering that night made him feel stuck at the same place where he was three years passed. Well, hanggang ngayon pala ay wala na siya sa passing. He became as lonely as a lake with no fish. Pakiramdam nga niya'y isa siyang ibong ligaw na hindi na alam kung saan uuwi o tutungo.

He lost his position on his own company. Inalisan siya ng daddy niya ng posisyon sapagkat alam nito na hindi na kaya ni Scorps na i-manage ang kompanya sa kaniyang lagay.

Losing Lyv in his life means losing himself and everything he earned through his hardworks. Nang mawala sa kaniya ang babae ay para bang winasak hindi lamang ang kaniyang puso, kun'di ang kaniyang buong pagkatao.

"Man, sigurado ka ba?"

"Yes, man. Wala naman sigurong masama kung pupuntahan ko ang lugar na iyon. Perhaps, the woman who's managing that Soul of Ines has the same name as my woman. Sayang din ang promo!"

Kasalukuyang inaayos niya ang mga gamit niya sa loob ng kaniyang maleta. Puno na ang isang maleta, ang ikalawang maleta na lamang ang hindi pa.

Mahabang panahon na ang isang buwan na pananatili sa Soul of Ines. Kaya ay kailangan niya nang maraming gamit. Even though the food is free, he also decided to bring some. Kung kulang pa ay bibili na lang siya roon. He heard about that province, and he discovered that it's pretty full of resources. Paano ba ay hindi lamang magsasaka ang mga tao roon kun'di mangingisda rin.

He has this endless curiousity who's family was living there and leads the way to a bountiful life of the villagers in that place. Wala man lang kasing nakalapag sa internet tungkol sa pamilya na iyon. But he's hopeful that what he was believing was true.

"Kapareho lang ng pangalan, your woman na agad? There are many woman who named after the Olive Tree, man."

"Certainly. But they were always named as Olivia, not Alyvia! Malakas ang kutob ko na ang Lyv ko ang babaeng iyon."

"If it's her. What are you going to do then?"

"H-Hindi ko alam, man."

"Sana kapag nakita ka niya ay hindi siya lilisan ulit. Alam mo, iniwan ka na nga, patuloy ka pa rin na umaasa na bibigyan ka ng pagkakataon ni Lyv na pumasok ulit sa buhay niya."

Inangat niya ang sulyap at binato ito sa kaniyang kaibigan.

"Man, what's with those eyes like knives?!" tanong nito sa kaniya.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon