Chapter 66

197 3 1
                                    

Chapter 66

Tumigil siya sa paghakbang nang masilayang muli ang Soul Of Ines. Hindi siya makapaniwala na nabawi na ng kaniyang papa ang resort na ito. Binenta ito ng kapatid ni Don Julibio sa isang negosyante. Ang impormasyong batid ni Lyv ay nakuha sa pamilya nila ang resort dahil sa pagkakautang ng tiyuhin niya sa negosyanteng iyon. Ito ang naging pambayad ng tiyo niya, at nagdagdag lang ng kaunting halaga ng pera ang negosyante.

This place reminded her of the place she went with the father of her child. Kahit saan na lang talaga ay maaalala niya ang lalaking iyon. Maihahalintulad ito sa resort na pinuntahan nila ni Scorps noong nasa Jeju Island sila.

Pumaibaba ang titig niya. Nakita niya ang kaniyang paa na nakaapak sa puting buhangin.

She remembered why she was in this place. Lumakad siya nang matulin kaya ay naabot niya ang buntod. Mala maliit na bundok ito sa gitna ng malapad na dalampasigan. Dito nakahilera ang mga upuan na yari sa bakal na pinagigitnaan ng mga lamesa.

She shook her head to take out the memories she played in her head. Hindi ito Jeju-do! Pero parang nasa tabi niya ang lalaki at hawak nito ang kamay niya.

Malapit nang lumubog ang araw. Naalala niya ang pasya niya sa lugar na ito. Gusto ng kapatid niya na samahan niya itong masdan ang pag-lubog ng araw.

Tinahak niya ang buntod. Hinanap niya sa madla ang kapatid niya subalit hindi niya ito makita.

Nagpatuloy siya sa paglalakad. Inisip niya kasi na baka nasa dulo ng buntod ang kapatid niya.

Ang saya ng mga tao na nasa lugar na ito. The beauty of the beach could heal a wounded heart, but her heart is an exemption. Hindi kayang madaliin ng panahon at ng kahit na gaano kagandang tanawin ang pag-hilom ng ng sugat sa puso niya. Maybe, she was in need of a thousand years to recover from all of the pain she had right now.

Sa kaniyang paglalakad ay hindi niya namalayan na halos maabot na niya ang dulo. Kung hindi pa niya nasipa ang isang maliit na naagnas na kahoy ay hindi niya iniangat ang kaniyang sulyap.

Her heart suddenly beat abnormally. Nakita niya kasi ang kapatid niya na nakatayo paharap sa ibabaw ng karagatan.

Lumapit pa siya sa kaniyang kapatid na nanatiling nakatingin lamang sa ibabaw ng dagat. Malalim ang iniisip nito. Her color changed. Namumutla ito at nangayayat din. But she was still living as the most beautiful woman she ever saw in her whole life.

Watching from not so far away, she could feel the sadness that lingers into the spine of her sister. May pagsisisi sa mga mata ni Erika. Ganoon din siya. If she could turn back the time, she would choose to love her sister and treat her like a jade. But, damn it! Ang malas niya dahil nagawang ilihim ng kapatid niya ang sakit nito sa kaniya.

"A-Ate?" tawag niya kay Erika. Sinubukan niyang hindi mabasag ang kaniyang tinig subalit nabigo siya. Naunahan siya ng hindi mapigilang lungkot at pananabik.

"Nandito ka na pala, Lyv. Halika rito!" nakangiting sabi ng kaniyang ate.

Umupo sila sa upuang kaharap ang dagat. Saglit na katahimikan ang siyang namalagi sa paligid.

Huminga siya nang malalim. Pumalit sa pandinig niya ang umuugong na hihip ng hangin. Maging ang bawat pag-hampas ng alon sa dalampasigan ay narinig din niya.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon