Chapter 40
Halos madapa na siya sa katatakbo palabas ng tarangkahan ng kaniyang apartment. She suddenly closed her eyes as the scent of the man arrowed in her nose trills. Matapang ang amoy ng lalaki, subalit hindi nakakasawang amuy-amuyin.
Bigla siyang nakaramdam ng kaba nang lumapit si Scorps. Para siyang nanonood ng live photoshoot ng isang sikat na brand dahil sa lalaking lumakad patungo kung saan siya nakatayo.
Napahawak na lamang siya sa kaniyang leeg dahil pakiramdam niya'y mauubusan siya ng hangin. Nanigas siya nang isang hakbang na lamang ang layo ni Scorps sa kaniya.
She ended up asking herself. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Hindi niya kasintahan ang lalaki, at tiyak siyang hindi niya ito kayang mahalin pabalik noong unang mga tagpo nilang dalawa. Pero ngayon ay para bang sinampal siya ng katotohanan na marapat ay si Scorps na lamang ang nasa posisyon ni Lukas noon sa puso niya.
"The night is cold, beautiful. But looking at your face makes my body warmer," sabi ng lalaki na siyang kinayuko niya.
Namumula siya dahil narinig niyang muli sa personal ang boses ni Scorps. She wondered why everything suddenly turned out the opposite way she previously felt towards the man. From hatred to want-to-give-him-a-chance mode.
"Ka-simple lang sabihin ng mga salitang "magandang gabi" pero ginawa mo namang komplikado," sabi niya sa lalaki. "Tara na nga lang at pumasok na tayo sa loob, at tunay na kay lamig ng gabi, Scorps."
"Tanggapin mo muna ang bulaklak na ito, Lyv."
Nilapit niya ang kaniyang ilong sa bulaklak at agad itong inamoy. Tumingin siya sa mukha ng lalaki. Nakakaakit ang mga labi nito. Ang mga mata nitong nangungusap ay tila ba hindi niya kayang tanggihan.
Humakbang siya patungo sa lalaki at ginapos niya ang mga braso sa katawan nito. Alam niyang nagulat ang lalaki, subalit ay hindi siya nagpapigil. Kanina pa niya nais gawin ito. Kanina pa siya nasasabik na maramdaman ang temperatura ng katawan ng lalaki kahit na may mga saplot na nakapagitna sa kanila.
"Can I hug you back, Lyv?"
Tumango siya bilang pagbigay ng pahintulot sa lalaki na yakapin siya nito.
Nawala ang lahat ng pagod na naramdaman niya. Habang nagyakapan sila ng lalaki ay naramdaman niya ang paggaan ng kaniyang pakiramdam. Ang mabigat na dinadala niya sa kaniyang puso ay bigla na lamang nawala na halintulad isang malawak na kalat na winalisan. Naging maayos ang magulo niyang isipan.
"Scorps..." bulong niya.
"As many as the stars above us, countless. That's how I miss you, Lyv," bulong ng lalaki bago hinalikan nito ang kaniyang buhok.
Sa wari niya ay isang anditote ang winika ng lalaki na naging dahilan upang tuluyan siyang makaramdam ng ligaya ngayon. Nais niya na manatili na lamang sa mga yakap ng lalaki sapagkat ramdam niya na siya ay ligtas at malayo sa kapahamakan kapag nakabakod siya sa loob ng matitibay na braso ng lalaki.
She tightened her hug to the man.
Ilang minuto ang lumipas ay agad na niyang pinatuloy ang lalaki sa loob ng apartment niya.
"Ang ganda ng apartment mo, ahh."
"Aling Myrna helped me with all of this, Scorps." Binaling niya sa lalaki ang kaniyang tingin na kaniyang inililigaw sa bawat sulok ng kaniyang apartment. "Speaking about Aling Myrna, why you commanded her to come here everyday?" tanong niya kahit na alam niya kung ano ang isasagot ng lalaki.
Umupo si Scorps at agad nitong inalis ang mga suot na sapatos. "Do I have to answer that?" nahihiyang tanong ng lalaki sa kaniya.
"Hmm. Oo, kasi nandito ka sa aking pamamahay. My house, my rules. Kapag tinatanong kita ay sasagot ka."
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomansScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...