Chapter 54

167 3 0
                                    

Chapter 54

Nakita niyang tinaas ng babae ang mga kamay nito at agad na humikab. Nakaupo sa sahig ang babae habang ang mga reviewers ay nasa ibabaw ng kanilang kama. Maging ang mga highlighters nito ay nakakalat din sa kama.

Watching the woman with a brave heart to face the battlefield she once left made him pray for her in silence. Napahiling siya sa langit na sana sa susunod na paglabas ng resulta ng exam ay pasado na ang babae. He might never have been with the woman when she failed the exam the first time she took it, but he was aware that it's all the same with the pain of someone who experienced failure. Masakit ang makaranas nito at pakiramdam mo ay ang liit ng tingin ng mga taong nasa paligid mo sa iyo. Failures made you feel a dust in this wide world.

He then walked slowly off to the woman. Ang mga nakakalat na hibla ng buhok nito ay kaniyang hinawi at sinukbit sa tainga nito. Tumingala sa kaniya ang babae at ngumiti ito.

"I answered it all, Scorps," sabi ng babae na naningkit ang mga mata at namumula ang buong mukha.

Nilapat niya ang likod ng tatlong daliri niya sa leeg ng babae at kaniyang naramdaman na sobrang init ng temperatura nito.

"Honey, you got a fever! Hindi ka man lang ba nagpahinga? I told you to never be so hard on yourself!"

"G-Gusto ko lang naman na matiyak na papasa na ako sa susunod na exam, Scorps. Huwag kang mag-alala dahil okay lang ako. It's just two thousand items, Scorps."

Pinikit niya ang kaniyang mga mata at halos itulak na ito ng kaniyang hinlalaki at hintuturo. Bumuga siya ng mahabang hininga.

"Honey, halika nga at tumayo ka," sabi niya at marahan itong hinila.

Pinilit ng babae na ngumiti kahit na may dinaramdam ito.

"Okay nga lang sabi ako," pagpupumilit nito.

Pinaharap niya ang babae sa kaniya.

"Do not pressure yourself too much, honey. Alam ko na kaya mo. Hindi ba ang sabi ko sa iyo ay kung hindi ka papasa ulit, may susunod pa? Stop being tough on yourself."

Nakita niya kung paano namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ng babae. Pinagmasdan niya ang dalawang bintana na nagpapahiwatig ng lubos na pagka-pressure na naramdaman ng babae. Naiintindihan niya na malapit na ang board exam kaya ay ganito ang tension nito. Dahil doon ay nakaramdam siya ng simpatiya para sa babae.

"Scorps, malapit na ang board exam. It's fast approaching. Ang pakiramdam ko ay sinasakal ako. I have to work hard for this! A-Ayaw kong mahiya ulit sa susunod na lalabas ang resulta ng eksaminasyon. Higit sa lahat ay ayaw kong mabigo ka. Hindi puwede na masayang ang lahat ng bagay na pinaghirapan mo. Hindi kita puwedeng biguin, Scorps... hindi."

"You are not alone in this battle, Lyv. You have me, and above all, there's God, and I know he will never put you on shame and will never put you down. He will surely lift you up because he knows that your heart has pure intensions."

Panay ang pag-hawi niya sa mga hibla ng buhok ng babae na nakaharang sa mamula-mula nitong pisngi.

"B-Bakit kasi kung kailan malapit na ang board exam ay ngayon ko pa naramdaman ito? I was not holding back the moment you pushed me to take the exam again, but now, Scorps, I feel like I am in the midst of nowhere, chained by pressures and jailed with fear!"

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon