Chapter 59

177 4 0
                                    

Chapter 59

Gumalaw ang kamay ni Lyv kaya ay nagising siya. Tiningnan niya ang mukha ng kaniyang girlfriend. He sighed and smiled with tears in his eyes.

"God! Mabuti na lang at gising ka na, honey. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa iyo at kay Judo," sabi niya, at hinalik-halikan niya ang kamay ng babaeng maputla pa rin hanggang ngayon.

"S-Si Judo?"

Malamig ang kamay ng babae. Pilit nitong inabot ang kaniyang pisngi.

"S-Scorps, ang anak ko? Kumusta siya? O-Okay lang ba si Judo?!"

"Honey, huwag kang umiyak. Hintayin natin ang nurse mo kasi wala si Tita Wilma ngayon. She's in a vacation with Tito Phil. Ibang mga doctors lang ang nandito. Pero don't worry because the nurse will come here later and confirm what happened."

Suminghap na lamang ang girlfriend niya. Bakas pa rin sa mga mata nito ang pag-aalala sa kanilang musmos na nasa sinapupunan nito. Judo was just a month old inside Lyv's tummy. Maging siya ay nag-aalala rin nang lubusan. Sapagkat noong unang pag-bisita nila sa clinic ng kaniyang Tita Wilma ay mabuti ang lagay ng kaniyang mag-ina. Pero ngayon ay mahina si Lyv, at halos mapahamak na ang anak nila.

The door opened and a nurse came in.

"Nurse, kumusta ang anak k—ate?"

Nanlaki ang mga mata ni Lyv at pinilit nito na maka-ahon. Inalalayan niya ang girlfriend niya upang makaupo nang maayos.

Tumingin siya sa mukha ni Lyv bago niya binato sa nurse ang titig. Erika D. ang nasa name tag na nasa dibdib nito.

He's figuring things out until he got the conclusion. Kapatid ni Lyv ang nurse na ito. And he was aware about the state of their relationship as sisters. Hindi sila magkasundo sapagkat palaging gusto nitong si Erika na siya ang lamang.

Her lips trembled when her eyes met with her sister's. Matagal na panahon na rin ang lumipas bago sila magkitang muli.

"Ate?"

"Alyvia Delarama, right? Ligtas na kayo ng anak mo. Sa susunod ay ugaliing mag-isip at hindi iyong gagawin mo lang kung ano ang tulak ng damdamin mo," sabi nito sa kaniya na para bang hindi siya kilala nito.

Kumirot ang puso niya sapagkat hindi niya inaasahan na magkikita sila ng kapatid niya sa ospital na ito.

"Dito ka pala nagtatrabaho? K-Kumusta ang mga magulang natin?"

"You are more than a month pregnant. Kung may plano ka sanang magpakamatay ay huwag mong idamay ang bata. Sana kung papabayaan mo lang din ang sarili mo ay hindi ka na lang lumandi," sabi nito.

"Ate!"

"Tama ang mga magulang natin, Lyv. Wala kang patutunguhan dahil isa kang walang alam sa mundong ito! You are nothing but reckless woman and has no brain at all!"

"Nurse!" Tumaas ang tono ng boses ng nobyo niya kaya ay tumingin siya rito. Nanginginig ang mga labi ni Scorps kaya ay kinabahan siya. Alam niya na hindi nakakapagpigil ang lalaki kapag galit ito.

Minsan lang magalit si Scorps subalit higit itong nakasisindak.

"Hindi kita kinakausap." Tumingin muli ang kapatid niya sa kaniya. "Ito pala ang nangyari sa iyo? You got pregnant with someone who is trying to ruin your life. Hindi ito ang long term boyfriend mo, right? Malandi ka talaga! Alam mo, hindi talaga mali ang pagkakakilala ko sa iyo, Lyv. Bobo ka na nga, malandi ka pa!"

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon