Chapter 77

179 4 1
                                    

Chapter 77

Hindi matinag ang namumuong lungkot sa mga mata ni Scorps. Limang araw na ang lumipas nang makabalik siya sa Manila. It's quite frustrating leaving Lyv and their son when it's just a day and a night being reunited with them. Saglit lang silang nagkasama, pero pinapangako niya na babalikan niya ang lugar na iyon pagkatapos ng lahat ng problema sa Manila.

"Daddy," wika ni Judo.

Napangiti na lamang siya nang naalala ang halik na inalay ng anak sa kaniyang pisngi.

"I love you, son," bulong niya at hinalikan ang noo ng bata.

Matamis na halik sa labi ang inalay ni Lyv. Hindi niya malilimutan ang sandaling iyon. Naramdaman niya na totoo ang lahat at hindi pantasya lamang kasi ay maraming tao ang nakasaksi sa halik na iyon.

"Scorps, bumalik ka agad," paalala ulit ni Lyv sa kaniya.

"I love you, honey."

"Mahal din kita nang sobra."

Nagising ng kaniyang ama ang kaniyang isipan na tulog sa reyalidad. Kung hindi pa naubo ang kaniyang daddy ay hindi siya tumigil sa pag-gunita ng sandaling hinatid siya ng mag-ina niya sa paliparan.

"Son," tawag sa kaniya ng daddy niya.

Lumapit siya sa ama at ngumiti siya nang malapad.

"Dad, mabuti na lang at gising ka na. Pinag-alala mo ako at si mommy."

"Pagod lang ito, anak."

He sighed. Alam niya na hindi naaalagaan ng kaniyang daddy ang sarili sapagkat mas inuuna nito ang kapakanan ng kompanya nila.

"Dad, bumalik na ako. Ako na ulit ito—ang anak mo. Hindi ko hahayaan na mawala ulit ang pinagpaguran mo. I will handle the company and I will make sure to put it on top again."

Sumilip sa mga mata ng ama ang pagiging proud nito sa kaniya. He could tell that there's happiness in his father's eyes that he haven't seen for more than a couple of years.

"Anak, hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan. Gusto ko rin humingi ng tawad sa iyo sapagkat ikaw ay aking naabala sa bakasyon na isang buwan sana ang itatagal."

"Dad, it's alright. Nagkita na kami ni Lyv, at ni Judo, my son, your grandchild," masayang balita niya sa kaniyang daddy.

"Oh, Scorps. How's Lyv? And how's Judo?"

"They are fine, dad. Isasama ko sana sila pero abala na si Lyv sa pagmamanage ng business nila. Ang apo niyo, he's so smart and handsome. Kamukhang-kamukha ko siya, dad. The exact photo that was displayed on our living room when I was young, he clearly look like that. Para akong bumalik sa nakaraan, dad, nang makita ko siya."

Inabot ng daddy niya ang kaniyang pisngi. Hindi niya namalayan na habang kinukuwento ang mag-ina niya ay lumuluha na siya.

"Anak, I'm so proud of you."

"Dad, salamat."

Naalala niya na may litrato silang tatlo nina Lyv at Judo. He took his phone out of his pocket. Pinakita niya sa daddy niya ang litrato.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon