Chapter 58

167 1 0
                                    

Chapter 58

Nilapag niya sa tabi ng mga paa niya ang bote ng beer nang wala na itong laman. Tumungo siya sa bar dahil nais niyang magpalamig muna. Masyadong mainit ang trato ng nobya niya sa kaniya kaya ay ito ang tingin niyang mas mabuting gawin.

Kasama niya ngayon si Taurus. Sa gilid naman nila ay nakatayo si Lily na parang nanay na sinesermunan ang mga anak.

"Bago pa lang kayo ni Lyv, Scorps. Hindi mo pa lubos na nakikilala. Mabuti na lang kasi natuto ka na. Unlike before, you choose to argue rather than to find a place and make yourself calm."

"Yeah. Ayaw ko kasi na mawala si Lyv sa akin. Alam niyo, ngayon ko lang naisip na baka nakakasawa ang ugali ko noon kaya ako iniwan ni Sheryl."

Kahit ayaw niyang ilitaw sa usapan ang babae ay kusa itong binuka ng kaniyang bibig. Well, wala naman sigurong masama kung ikukumpara niya ang ugali niya noon at ngayon. It's himself after all.

"Man, baka pinaglilihian ka lang ng nobya mo. Bukas o pagkatapos ng unang trimester ng pagbubuntis niya ay mawawala iyan."

"No, man. Nararamdaman ko na iba itong trato niya sa akin diyan sa paglilihi na iyan. Kahit na  hindi pa taon ang lumipas na magkasama kami ay natatantiya ko kung ano ang nararamdaman niya. Alam ko kapag galit siya, o hindi naman kaya ay nalulungkot." Binuksan niya ang isang beer at uminom siya. "Hindi paglilihi ang rason kung bakit hindi niya ako kinakausap."

"Ano sa tingin mo ang posibleng rason niya?"

"Sa wari ko ay nagtatampo siya. Noong napansin ko na umiba ang trato niya sa akin, alam ko na paglilihi iyon. Pero, ngayon, iba na, man. Hindi na talaga ito simpleng paglilihi. It started last week. Galing kami sa clinic ni Tita Wilma, tapos nang makauwi na kami ay bugla siyang dumiretso sa banyo. She cried, I can tell. When she went out, I approached her and asked her how she was feeling. Tinanong ko rin sa kaniya kung umiyak ba siya. She said no. She was denying it. From that day hindi na niya ako kinakausap. Madalas nga na una siyang nagigising at sa garden na lang siya tumatambay."

"Hindi ganiyan ang magiging kilos ng babae kung wala kang nagawa, Scorps." Humila na ng upuan si Lily at umupo ito sa gitna nila. "Don't mind if I ask about the topic you had during your past conversation with Tita Wilma. Ano ang sa tingin mo na maging dahilan kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo ng buntis sa iyo?"

He leaned backward. Tumingala siya at pinilit niyang alalahanin ang pag-uusap nila ng Tita Wilma niya.

Tita Wilma brought up about introducing Lyv to his parents. Tahimik na lang si Lyv noon matapos sabihin na hindi pa nito nami-meet ang mga magulang niya.

"Sheryl met your parents, right?"

"Oo, tita. Naalala ko pa na sa Bali Indonesia pa ang dinner date namin kasama ang mga magulang ko. They liked her so much."

"Paano ba, e, established woman si Sheryl. She's a model. Balita ko nga ay babalik iyon sa Pinas dahil magsu-shoot sila ng isang commercial dito. She's a nice girl after all. Actually, nagulat ako nang sinabi ni Pi sa akin na wala na raw kayo."

"T-Tita, Scorps, mauuna na ako sa labas," paalam ng babae sa kanila.

Gusto niyang sundan si Lyv noon pero nag-uusap pa sila ng Tita Wilma niya.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon