Chapter 11

288 6 0
                                    

Chapter 11

 
Untiunti siyang nagkamalay. Naramdaman niya na may tumatapik sa kaniyang pisngi. Ano ba ang nangyari sa kaniya? Naalala niya na bigla siyang hinimatay nang makita niya ang mga lalaking ubod ng guwapo, macho, at nakakatanggal ng panty ang pustura. Manaka-naka ay tuluyan niyang dinilat ang kaniyang mga mata. It's foolish of her to faint when she sees her bosses. 
 
"God! Buti gising na siya."
 
"Oo nga, Tau! Anemic siguro itong babaeng nakuha niyo kaya bigla na lang hinimatay." 
 
"Hey! She's gorgeous!" 
 
"Kaya siguro niligtas ni Scorps!"
 
"Akala ko ba ay si Sheryl lang ang mamahalin ng mokong na iyan?" 
 
"Well, he said that!" 
 
"Baka naman panakip-butas lang niya itong waitress girl." 
 
"Men!" awat ni Sir Taurus niya sa ibang mga amo niya na para bang mga torong baka na nag-uusap-usap. "We summoned her here not to judge her. Hindi ba gusto natin siyang maka-usap dahil sa importanteng bagay na nais natin iparating sa kaniya?" 
 
Tumango ang mga ito. Diyos niya. Talaga bang mga tao ang mga ito? Para silang mga fictional characters na hinugot mula sa mga libro. She can't believe that these men were real. 
 
"Lyv? Okay ka na ba? Ano ang nangyari bakit ka biglang hinimatay?" usisa ng manager niya sa kaniya. 
 
Umiling siya at bumuga ng hangin. Hindi dapat mapaghahalataan ng mga ito na sila ang totoong dahilan bakit siya nawalan ng malay bigla. 
 
"N-Napagod lang ako, Miss Lily. But I am fine now." Umahon siya mula sa pagkakahiga sa sofa. 
 
She gathered her strength. Nang tuluyan na siyang nakabawi ng lakas ay umupo siya nang maayos. 
 
She composed herself and acted like a prestigious woman despite the fact that she was ruined inside. 
 
"Men, this is her, the woman Scorps saved from a pervert person that happened to be Signor Eldefonso's grandson." 
 
May mga clue na siyang naipon sa kaniyang isipan sa mga oras na nito. 
 
"She's Lyv. Alyvia Delarama," tuluyang pagpapakilala ni Miss Lily sa kaniya. 
 
"Pisces."
 
"Libra."
 
"Sagittarius."
 
"I'm Gemini."
 
Kakaibang mga pangalan. Isang tiyak na katotohanan ang napagtanto ni Lyv. Kaya Zodiac Imperio ang pangalan ng organisasyon ng mga lalaking ito dahil hango ito sa mga pangalan nila na kinuha sa mga zodiac sign. 
 
"Aquarius."
 
"Cancer." Halos matawa siya sa isang ito pero pinigilan niya lang. 
 
"Leo."
 
"Capricorn is the name. Handsome and talented."
 
"Aries."
 
"It's Virgo. Handsome and dangerous." 
 
"You are all dangerous," komento ni Miss Lily sa kanila. 
 
Nalula siya sa mga mukha ng mga amo niya. Paanong kinakaya ni Miss Lily na palaging makita ang mga lalaking ito? 
 
"I'm Lyv," ngumiti siya.
 
Umupo sila nang maayos. Halos magkasing-katawan silang lahat at magkasingtangkad. Magkasing-awra rin sila na para bang mga matatalim na kutsilyo na nakakapunit ng laman, subalit nakakakiliti naman. 
 
But one thing is for sure for Lyv. Si Sir Scorps niya ang nakaka-angat sa lahat. She can tell that because she spent time with the man. Inaamin niya sa sarili niya na dahil sa kalagayan ng lalaki ay palagi na naman niyang inaalala ang kaniyang ex-boyfriend. 
 
Sa panandalian na palagi niyang nakakausap ang kaniyang amo na ngayon ay walang-malay ay nakaramdam siya ng kapayapaan. 
 
Batid niya na iniwan ng Sheryl na iyon ang amo niya nang walang matinong rason kun'di ang nagsawa lang ito. Para sa kaniya ay mas masakit ang naranasan ng lalaki kumpara sa kaniya na harap-harapang niloko ng ex-boyfriend niya at kaibigan niyang si Stephany. Sa wari niya'y araw-araw at gabi-gabi na iniisip ng lalaki kung saan ito nagkulang at kung ano ang mali rito. Siya kasi ay alam niyang ang hindi niya pagpapagalaw kay Lukas ang dahilan bakit natukso ang ex-boyfriend niyang ito na makipagtalik sa ibang babae.
 
"Lyv, hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa. We want to talk to you because of an important matter."
 
"Bakit po, sir? Ano po ang rason?"
 
"Stop calling us, sir. Dapat ay kami ang mag-ma'am sa iyo. Hindi hamak na ikaw ang mas karapat-dapat na tawagin na "ma'am," dahil ikaw naman talaga ang nakapagtapos ng kursong edukasyon," sabi ni Libra sa kaniya. 
 
Binawi niya ang tingin niya at nahihiyang yumuko. Kapagkuwana'y kaniyang hinawakan ang mga pisngi niya. Namumula siya. Ang puso niya rin ay bumibilis ang tibok nito. 
 
"I'm sorry, Lyv, but we did a background check on you just now. Lahat ng details ng buhay mo ay alam na namin," anang Pisces.
 
"Including your previous breakup with your long-term boyfriend," dadag ni Virgo. 
 
Lumunok siya. Tiyak ay alam din ng mga ito na hindi siya pumasa sa board exam, kaya kung ano na lang ang trabahong pinapasukan niya. 
 
"Lyv, your life is in danger," sabi ni Aquarius na siyang naka-agaw ng atensyon niya.
 
Nagsalpukan ang mga kilay niyang tumitig nang salitan sa mga amo niya. "P-Po?" nagtatakang tanong niya. 
 
"Ang tauhan ng mga Eldefonso ay hinahanap ka. You might get kidnapped and used as bait against Scorps."
 
"Ha? Wala naman kaming relasyon ni Sir—ni Scorps. Hindi puwedeng—"
 
"Last night, there are men spying around your place. Alam namin na ang mga taong ito ay tauhan ni Signor Eldefonso. They are difficult to deal with, Lyv," paliwanag ni Leo sa kaniya. 
 
Tanging pagpakawala na lamang ng mabigat na hininga ang ginawa niya. Kung bangungot ito ay sana magising siya sapagkat ayaw niya ng buhay na ganito. 
 
"You can't live in your apartment anymore since the enemies are spying around, Lyv."
 
"Naku po! Hindi iyon puwede. Wala po akong ibang mapuntahan sa ngayon. Galit sa akin ang mga magulang ko sapagkat lumayo ako sa kanila dahil sa gagong ex-boyfriend ko." 
 
Ilang taon siyang nawalay sa mga magulang niya. Alam niya na hindi siya agad mapapatawad ng mga magulang niya. Kung kaniyang ipagpipilitan ang sarili niya ay patutuluyin siya ng mga ito sa kanilang tahanan, subalit palaging ipapaalala ng mga ito sa kaniya ang pagkakamali na nagawa niya. Baka iyon pa ang maging dahilan ng pagdapo ng depresyon sa kaniya. 
 
"Lyv, hindi ka naman namin pababayaan. You are going to live in Scorpio's mansion while we are settling things. Kapag okay na ang lahat ay aalis ka rin sa mansion," wika ni Taurus sa kaniya. 
 
Bumagsak ang mga balikat niya sapagkat ay nahihirapan siya nang lubusan. Mas nagiging komplikado na ang lahat. 
 
Kung kailan lang ay sarili niya ang sinisisi niya dahil sa mga nangyari sa kaniya, ngayon ay para bang ang lalaking nakahiga sa kama sa loob ng silid na ito ang tunay na nagdala ng malas sa kaniya. 
 
Kung hindi sana sila nagsalo ng init ng katawan noon ay hindi na umabot pa sa ganito ang lahat. 
 
"Paano po ang trabaho ko?" 
 
"You are not working while everything is under the process of settlement, Lyv."
 
Tumingin siya kay Miss Lily. 
 
"Miss Lily, paano po ako mabubuhay? Saan ako kukuha ng pangsustento ko sa aking araw-araw? I can't just sit and do nothing." 
 
Saglit na natahimik ang lahat.
 
"Wala tayong ibang choice kun'di ang mga sinabi namin, Lyv. Hindi ka rin namin puwedeng hayaan na lang o hindi kaya ay paalisin dahil tiyak na may planong masama ang Michael na iyon sa iyo," sabi ni Sagittarius.
 
"Agree with that, Sagi. Baka rin kapag nagising si Scorps at nalaman niyang inabandona ka namin ay kami na naman ang malilintikan. Maaaring sabihin mo sa amin na wala kayong relasyon ng lalaking ito, pero base kasi sa kinikilos ng kaibigan namin ay espesyal ka sa kaniya," anang Capricorn. 
 
Tuluyan na siyang natahimik. Kahit siguro ay takasan niya ang mga ito ay gagawa sila ng paraan para makita siyang muli. 
 
Iniisip niya pa lang na makakasama niya sa mansion ang amo niyang si Scorpio ay nahihirapan na siya. 
 
They once shared the night in that mansion, and it would not be that easy to forget, even though she would be forced to vanish that they shared fire from her mind. 

 
Hanggang ngayon na sinamahan siya ni Taurus upang magligpit ng mga gamit ay iniisip niya ang magiging buhay niya sa mansion. Para siyang bilanggo na hindi makalabas dahil may pagbabanta sa buhay niya. 
 
Nakita niya na may kinapa ang lalaki sa tabi ng driver's seat. Isa itong baril. Halatang customized ang baril dahil sa hitsura nito. 
 
Napapikit siya nang bahagyang kinasa ni Taurus ang baril. 
 
"Ngayon ka lang ba nakakita ng baril?"
 
"Sa personal po, oo."
 
"Masanay ka na dahil konektado ka na sa amin, Lyv."
 
Mangiyak-ngiyak na lamang siyang tumango. Hindi siguro ito bangungot. 
 
Nang makalabas siya sa kotse ni Taurus ay lumabas din ang lalaki. 
 
"Magbabantay ako sa labas, Lyv. Be hurry baka makaingkwentro natin ang mga tauhan ni Signor Eldefonso. Mahirap na madamay pa ang mga inosente sa paligid."
 
Walang-sigla siyang tumango. 
 
Humarap siya sa gate ng apartment niya. Lilisanin na niya ang nagsilbing silong niya kasama si Lukas. 
 
She would probably miss this place. Kahit papaano ay minahal niya rin ang apartment niya. 
 
"Babalikan kita kapag okay na ang lahat," sabi niya sa kaniyang apartment, animo'y tao ang kausap.
 
Naluha siya nang pumasok siya sa loob. 
 

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon