Chapter 33
Desidido na siyang pumunta kay Lyv sa araw na iyon. Tumayo siya matapos marinig ang mga detalye na nais niyang malaman tungkol kay Lyv. Brandon is really of use when it's about eyeing on someone.
Brando told him that the woman was barely visited by Lukas. Alam naman niyang mangyayari iyon. After the woman sacrificed everything for that idiot, he will only give her pain.
He couldn't understand why the man could stand hurting such a faithful woman. Walang ibang ginawa ang babae maliban na lang na ibigay sa lalaking iyon ang katapatan at pagmamahal nito. That hurts Scorps the most. Iyong alam niyang nasasaktan si Lyv dahil sa parehong lalaki lang.
Hahakbang na sana siya palabas ng kaniyang opisina pero hinarang ni Brando ang binti nito sa pintuan kaya'y napatigil siya. Nakakunot ang kaniyang noo patitig kay Brando.
"Brando, ano ang ginagawa mo? Don't tell me, you are going to stop me from seeing her? Nagtiis ako nang may kahabaang panahon para lang sa muli naming pagkikita, Brando." He sighed. "Now, I am commanding you to take your feet off the door's frame. Faster!"
His eyeballs almost came out when he saw his eleven friends walking inside his office. Nagmukha tuloy'ng isang masikip na espasyo ang malapad niyang opisina dahil sa mga kaibigan niya.
"Paki-full ng aircon! Baka maluto kayo sa hotness ko," usal ni Pisces.
"Oh, Earth! I'm sorry for being the hottest man alive!" sabi ni Sagittarius na pinaypay pa ang mga palad sa tapat ng leeg nito.
Napalunok na lamang siya. He was tongue-tied looking at his friends.
"A-Anong ginagawa niyo r-rito?" nauutal niyang tanong sa mga kaibigan niya.
Sa kaguwapuhan ng mga kaibigan niya ay nagmukha siyang alalay ng mga ito dahil sa kaniyang mukha ngayon. Halata na masyado niyang pinabayaan ang kaniyang sarili. Nagmukha tuloy siyang pinakamatanda sa kanila kahit na ang totoo ay pare-pareho sila ng edad. Pinanganak sila sa iisang taon lamang, at sa buwan lamang nagkakaiba.
"Brando! Lim!" kalmado niyang sabi subalit batid nilang lahat na siya ay galit na sa sitwasyong ito.
He was fooled by his secretary and his driver again. Hindi na siya magbibintang pa ng iba. Ang dalawa lang naman ang palagi niyang kasama. Minsan na rin siyang niloko ng mga ito kaya ay hindi na mahirap na gawin ulit ng dalawa sa kaniya ang bagay na iyon.
"S-Sir," sabay na usal ng dalawa.
"You don't need to explain, Brando, Lim. Iwan niyo na sa amin itong lalaking ito at kami na ang maghuhugas ng utak niyang kinalawang na," sabi ni Taurus na kinagulat niya. He never received a hate speech from his friend, but it all ends here. Sinabihan na siya ni Taurus na kinalawang ang utak niya. That quite hurt his ego. Pero totoo naman ang sinabi ng kaibigan niya kaya ay hinayaan na lamang niya ito at hindi na kumontra pa.
Hindi na nagsalita pa sina Lim at Brando. Tahimik silang lumabas. Humanda talaga ang dalawang iyon kapag nakalabas siya sa gapos ng mga ito sa kaniya.
"Ang busy kong tao pero dahil sa makulit na torong ito ay napunta ako rito!" reklamo ni Leo.
"So true! Ang dami kong aasikasuhin pero iniwan ko na lang! Actually, I didn't sleep during the whole duration of my flight coming here. Nagtrabaho ako offline para e-send na lang sa client ang proposal," suporta ni Capricorn sa winika ni Leo.
Umiling siya. Tumungo siya sa kaniyang upuan. Ang kaniyang mga titig ay nakapukol sa ibabaw ng folder na kinapalooban ng isang puting papel kung saan nakalagay ang lahat ng detalye tungkol kay Lyv.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...