Chapter 47

194 4 0
                                    

Chapter 47

Nag-aalala siya sapagkat ilang araw na siyang hindi pumapasok sa trabaho. Parang sanggol kasi na hindi maihiwalay sa ina si Scorps. Panay rin ang siyang pagpapasama ng lalaki sa kaniya na hindi niya rin matanggihan.

Ngayon ay nasa parlor sila. Nagpatrim ng buhok, balbas, at bigote ang lalaki, habang siya ay nagpaayos ng buhok.

Kapag nakikita niya na hinahawakan ng dalawang bakla ang lalaki ay nag-iinit siya sa inis. Panay na lang ang chansing ng mga ito sa kaniyang boyfriend.

Kinalma niya ang sarili. Marapat na masanay siya sapagkat ang nobyo ay isang tanyag na personalidad sa larangan ng business. Mas maraming mga tao ang nakakasalamuha ni Scorps sa labas ng parlor na ito.

Nanibago siya sa pakiramdam niya kaya ay kaunti siyang nawalan ng gana na manatili pa sa parlor.

Noong hindi niya kasintahan ang lalaki ay wala naman siyang pakialam dito. Kahit sino pa ang kausap nito ay hindi maninibugho ang damdamin niya. Subalit nagbago ang lahat nang binigay nito sa lalaki ang ang puso niya.

She couldn't stand it anymore. Tinampal niya ang kamay ng isang bakla kaya naman ay nagulat ang mga nakasaksi.

"Ma'am, may problema ba?" mahinhin na tanong ng bakla sa kaniya.

"There is. Alisin mo ang kamay mo na panay hawak sa braso ng nobyo ko, puwede ba?"

Kanina pa nilalamas ng bakla ang braso ni Scorps kaya ganoon na lamang ang inis na naramdaman niya.

"S-Sorry, ma'am."

"Umayos ka, ha?!" She sighed to release her tension. "At ikaw naman, Scorps, matuto kang makiramdam! Imposible na hindi mo ramdam na hinihimas na ang braso mo. Don't tell me that you are liking it," sabi niya sa lalaki.

"Honey?"

"Honey my poop!"

Tumitig siya sa salamin. Binoblower na lang ang buhok niya. Matutuyo rin naman ito maya-maya kaya ay inalis niya ang telang nakatakip sa kaniyang katawan at lumabas na sa parlor.

"Honey, wait!"

Nang nasa parking area na sila ay agad siyang hinawakan ng lalaki sa kaniyang braso. Sinubukan siyang pinaharap ng lalaki pero hindi siya sumunod.

"Honey, hindi ko sinasadya na maging insensitibo. Wala rin naman sa akin ang ginagawa nila."

"Sa iyo, wala! Pero sa akin, mayroon! Nakakainis! Nakakabuwesit! Nakakawala ng gana!"

"Ikaw lang naman ang mahal ko, honey. Kaya huwag ka nang ganiyan."

"I know! Pero sana malaman mo rin na may nobya ka na! Seloso ka, right? Sana magreflect ka! Kung gaano ka naiinis kapag may lalaking umaaligid sa akin ay ganoon din ako na naiinis kapag may ibang taong umaaligid sa iyo! The worse thing is you are being touched by that faggot!"

The man hugged her from behind. Hinalikan ng lalaki ang gilid ng leeg niya.

"I'm sorry, honey. I will be sensitive from now on."

"Aba! Dapat lang, Scorps! Baka kasi saka ka lang makaramdam kung iyang oten mo na ang lamaslamasin nila!"

"Don't be mad, alright? Ikaw lang naman ang hahayaan kong lalamas nito," malambing na wika ng lalaki.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon