Chapter 20

287 7 0
                                    

Chapter 20

Walang masyadong nangyari sa araw iyon. Nanatili sila sa hardin hanggang sa umabot ng tanghali. Hindi maputol-putol ang kanilang kuwentuhan na palaging nauuwi sa panunudyo ni Scorps sa kaniya.

"Kung sana'y binigyan mo na lang ako ng lugar sa puso mo ay hindi ka na nalulungkot pa nang ganiyan," sabi ng lalaki sa kaniya, nahuli kasi siya nito na nakatitig sa malayo.

Binato niya ang titig sa lalaking nakahalukipkip habang ang isang binti ay nakapatong sa tuhod nito.

"Scorps, sa tingin ko ay dapat ka nang kumain. Halata na gutom ka na kasi." Umikot ang mabibilog na bola ng kaniyang mga mata.

Para kay Lyv, isang panaginip lang ang lahat ng nangyari. Siya'y isang normal na babae lang na biglang napadpad sa mundo ng mayamang lalaki na ito. Madalas ay tinatanong niya ang kalawakan. Ano ang pasya ng buhay bakit siya tinangay sa komplikadong mundo ng lalaking kausap niya?

"Lyv, para saan pa ba at may nangyari sa atin kung hindi natin bigyan ng kabuluhan ang gabing iyon."

Ang kulit ng lalaki. Biyernes ngayon. Tanghali na pero hindi man lang niya nakitaan ng planong tumayo ang lalaki sa kinauupuan nito.

"Sinabi ko na sa iyo na ang nangyari sa atin ay pawang pagkakamali lang, Scorps. Hindi lang naman sa atin nangyari ang ganoong tagpo. Mas marami pa sa atin ang nag-one night stand pero sa huli ay hindi rin nagkatuluyan. Isa pa ay pareho tayong nagmamahal pa sa mga taong bahagi ng ating mga nakaraan. Ako, kay Lukas. Ikaw, kay Sheryl," seryusong sabi niya rito.

Saglit na hindi kumibo ang lalaki.

"Oo nga pala, Scorps, bakit ikaw ay nandito pa? Are you not going to go to your office?"

Tumingin sa gawi niya ang lalaki. "Lyv, ayaw mo ba akong kasama?"

"Hindi ganoon, Scorps. Sa pagkakaalam ko ay abala kang klase ng tao. Dapat nga ay kanina ka pa naghanda, pero nandito ka pa."

Tumayo ang lalaki at umunat ito. Yumuko ito at nilapit ang mukha sa kaniya na bahagyang ikinaatras niya.

"Mas gusto ko na kasama kita ngayon, e."

"Ang sabihin mo ay tamad ka ngayong araw at may hangover ka pa. Iyan kasi, panay inom ka nitong nakaraang mga araw, Scorps."

"Ang totoo ay hindi talaga ako nagtatrabaho kapag araw ng Biyernes, Sabado at Linggo, Lyv."

"Kung ganoon ay asikasuhin mo na lang ngayon ang problema mo sa mga Eldefonso, Scorps."

"Bakit, Lyv? Ayaw mo na ba rito?" malambing na tanong ng lalaki sa kaniya.

Tumuwid sa pagkakatayo ang lalaki at tumalikod ito sa kaniya. Para bang iniiwasan nito ang tanong niya kanina.

"Hindi, kasi—"

"Lyv, I forgot to mention that I will be out of the country within three days. Maiiwan ka rito sa mansyon."

"Ano ang gagawin mo sa ibayo?"

"It's an important matter, Lyv."

Hindi na siya nagtanong pa. Pumaibaba na lang ang kaniyang mga balikat.

Kanina ay panay ang kuwento ng lalaki at panunudyo nito sa kaniya. Ngayon naman ay para bang ayaw na siyang kausap nito.

"Hmm. Sige."

Lumakad na papunta sa mansyon ang amo niya. Siya'y tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo at muling nagliwaliw sa buong hardin.

Pumitas siya ng isang pirasong bulaklak ng puting rosas. Nilapit niya sa kaniyang ilong ang bulaklak at sinamyo ang halimuyak nito. Hindi masakit sa ilong ang halimuyak nito, sa halip, ang amoy nito ay nagpapaalala nang magandang pangyayari sa nakaraan.

Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon