Epilogue
He sighed heavily. Iniisip niya ang kasintahan na iniwan niya sa ibabaw ng kama na mahimbing na ang tulog.
"Honey, I'll be back. Aayusin ko lang ito," bulong niya habang nagmamaneho patungo sa mansyon ng kaniyang kaibigan.
Naisipan niyang tawagan ang kaibigan niya. Mabuti na lamang ay agad na sumagot itong si Taurus.
Nabigla siya sa sinabi nito na gustong makipag-usap ni Sheryl sa kaniya. Certainly, it was so long ago when the woman left him. Kaya nga ay naitanong niya sa sarili niya kung bakit ngayon ay naisipan ng babae na makipag-usap sa kaniya. E, wala na silang dapat pang pag-usapan. Higit sa lahat ay may mahal na siyang iba, at buntis pa si Lyv sa unang magiging anak nila.
"Man, hindi ako puwedeng mag-tagal diyan. I left my pregnant girlfriend because I want Sheryl to get the clarification she needed. Honestly, hindi na nga ako dapat pang pumunta. Kapag nagising si Lyv ay tiyak akong magkakagulo!"
"I know, man. But she's talking shits against my family! She told me that her parents wouldn't be happy kapag nalaman nila na hindi ko siya nagawang tulungan na makausap ka. I am doomed-m-my family-we're fucking doomed."
"Ano ba kasi ang kailangan niya?!"
"It's better if the two of you will talk. Hindi ko rin tinanong sa kaniya kung ano ang dahilan bakit gusto ka niyang makausap."
"Sige, man. Malapit na ako."
Nagpatuloy siyang nagmaneho patungo sa mansyon.
Lumabas siya sa sasakyan na para bang limitado ang oras niya. Hindi kasi puwedeng tumagal siya rito.
Nagmadali siyang tumungo sa loob. Sumalubong sa kaniya si Sheryl at bigla na lamang siyang hinalikan nito.
"Sheryl, sandali lang ito."
Nasa hardin sila ng mansyon ni Taurus. Hindi inalis ng babae ang mga kamay nito na nakahawak sa kaniyang braso.
Lumayo siya sa babae dahil hindi siya kumportable sa ginagawa nito. Pinagagapang kasi ng babae ang mga daliri upang makaramdam siya ng maka-mundong damdamin. In short, his ex-girlfriend was trying to seduce him.
"Sheryl, mag-uusap lang tayo."
Humakbang siya papalayo sa babae. Huminga siya nang malalim.
Maraming sinabi ang babae pero hindi iyon pumasok sa kaniyang isipan. Ang tanging tumatakbo sa kaniyang isip ngayon ay si Lyv na iniwan niyang natutulog sa kaniyang silid.
"I came here to see you again. Para bawiin ka sa kung sino man ang girlfriend mo."
Humarap siya sa babaeng puno ng pagmamakaawa ang mga mata.
"Hibang ka ba? If only you want to see me and say that nonsense, then I guess, this conversation should be cut off!"
Tumalikod siya sa babae at iiwan na sana niya ito. Subalit hinatak siya nito kaya ay napaharap siya rito.
Tears are falling down on Sheryl's face while he was about to burst into laughter. Damn it! How could this woman act like a victim after all?
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...