Chapter 29
Pagod na pagod ang kaniyang katawan buhat ng mga trabaho na tinapos niya sa coffee shop. Tumanggap kasi ng event ang shop nila at meeting iyon ng mga guro mula sa isang tanyag na paaralan sa lugar.
Kanina, habang nakamasid siya sa mga guro na nakasuot ng kani-kanilang mga uniporme ay nakaramdam siya ng insecurity. Pinaghirapan niyang tapusin ang kursong edukasyon subalit ay hindi niya ito pinagpatuloy. Kung maibabalik lang ang panahon ay two years course na lang sana ang kinuha niya. Subalit ay tapos na iyon at nangyari na.
Gusto ng mga magulang niya na sumunod siya sa yapak ng kaniyang Ate Erika. Pag-aaralin sana siya ng nursing. Siya ang umayaw dahil alam niyang hindi niya kayang abutin ang pangarap ng mga magulang niya para sa kaniya. Mahirap ang kursong nursing, lalo na at hindi naman siya gaanong matalino na tulad ni Erika. Kaya ay natugpa siya sa kursong edukasyon.
Nalungkot siya kanina. Halos mawala ang attention niya sa pagaasikaso sa mga guro dahil nga ay iniisip niya ang kaniyang kapalaran.
Katatapos lamang niyang maligo kaya ay umupo siya sa kaniyang kama. Nanatili siyang nakabath robe habang ang buhok niya ay nakalukot sa loob ng tuwalya.
"Tapos na, Lyv," bulong niya sa kaniyang sarili.
Hindi niya alam kung pinatitripan siya ng kaniyang sarili. Sa tuwing panahon na abala ang iba sa pagfile para sa LET ay para siyang pagong na ayaw lumabas sa bao nito. At saka na lamang siya manghihinayang na hindi niya sinubukang mag-file para sa eksaminasyon ay kung huli na ang lahat.
Bumihis siya ng pantulog at humiga na sa kama. Hindi na niya hinintay pa na matuyo ang buhok niya.
Hindi siya mapakali.
Nang sinubukan niyang ipikit ang mga mata niya ay bigla na lamang siyang kinabahan. Sa wari niya ay may bumabagabag sa kaniyang isipan upang mawala ang antok niya.
Napahawak na lamang siya sa kaniyang kaliwang dibdib nang tumunog ang kaniyang cellphone. Diyos niya! Umahon siya subalit ay hindi niya sinagot ang tawag.
Nag-aalangan pa siya sa paghaboot ng cellphone niya. Nang nasilip niya ang screen ng cellphone ay huminga siya nang malalim. Unknown Number ang nag-flash sa screen ng kaniyang cellphone.
Umatras na lamang siya. Binagsak niya ang kaniyang puwet sa malambot na kutson.
Bumuga siya ng hangin. She suspected someone. Sa tingin niya ay ang lalaking manloloko ang tumatawag ngayon.
Ilang beses na tumawag ang numero pero hindi niya pa rin ito sinagot. Ayaw niya nang makausao pa si Scorps. Dahil sa inis niya sa ginawa ng lalaki sa kaniya ay sinabihan niya ang mga kapit-bahay niyang huwag sasabihin sa lalaki kung siya ay naririto pa sa apartment.
"Manigas ka," bulong niya bago tuluyang bigasak ang likod sa kama.
Umunat siya. Inunan niya antmg kaniyang mga bisig habang ang mga titig ay napako sa kisami.
Bakit naalala niya pa ang lalaki? Punyetang tawag kasi ito. Dahil dito ay naisip niya si Scorps at ang oanloloko na ginawa nito sa kaniya. Naging mabuti sa kaniya ang lalaki sa pag-aakalang walang kapalit na hinihingi ang lalaki.
Pinaramdam ni Scorps sa kaniya na siya ang concern nito dahil ayaw ng lalaki na madamay siya sa alitan ng mga Eldefonso.
Mabuti na lang at kinompronta niya ang lalaki. Kung hindi ay tiyak na hanggang ngayon ay napapasailalim pa rin siya ng panloloko ni Scorps.
"Shit, Lyv. He's not worthy to think about," awat niya sa sarili.
Marahas siyang umiling upang lisanin ng pagmumukha ng lalaking iyon ang kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Zodiac Imperio 1: Scorpio Jacoby Melendres ✓
RomanceScorpio Jacoby Melendres is the leader of the Zodiac Imperio, an association of men who want to help the country and be an example to men who have been deceived by women who do not know how to reciprocate the love they could give. He was the epitom...