Chapter 15 The Truth

98 1 0
                                    

Ara's POV

Ilang buwan ang matuling lumipas na masaya naman kami ni yabang. Mas lalo namin nakilala ang isa't isa. Hindi ko akalain na mauuwi kami sa ganito knowing where we started off. Pero siyempre, hindi pa din mawawala ung mga bangayan namin. Pati ung panaka nakang pagseselos pa din niya kay Jared. Possessive masyado ang bwisit. Kaibigan ko lang naman ung tao pero kung ituring ay parang kaagaw niya ito sa akin. Gandang ganda ata talaga sa akin ang loko. Partida hindi ko pa siya ginayuma sa lagay na yan. I'm not complaining naman kasi nakakakilig din isipin na ayaw niya akong mawala sa kanya kahit pa sabihin na madalas un maging mitsa ng pag-aaway namin. I understand din naman kasi parte na ata talaga yun ng relasyon namin.

I really thought nothing would come between us but little did I know that the truth will ruin everything we have shared. Tama nga ata talaga ang sabi nila na ang bawat kasiyahan ay may kaakibat na kalungkutan. At walang sikreto na hindi nabubunyag.

Kung bakit naman kasi pumayag payag pa ako in the first place sa pakiusap na un. Hindi na sana humantong pa sa ganito ang lahat.

It all happened nang pinatawag ako ni Mr. Santillan that day. Kung inaakala kong nakalimutan na niya ang napag-usapan namin noon, dun ako nagkakamali.

"Goodmorning Ara, it's been a while since last tayo mag-usap. I called you in kasi gusto ko sanang magpasalamat sa'yo dahil sa malaki ang pinagbago ng anak ko simula nung umibig siya sa iyo." bungad niya sa akin pagpasok ko sa kanyang tanggapan.

"Naku, wala po un Mr. Santillan. Masaya po akong ginawa ko un." I'm happy hindi dahil sa nagtagumpay ako sa aking misyon kundi dahil sa nakilala ko ito ng husto at natutunan naming mahalin ang isa't isa. He was not merely a subject to me kasi I did fall for him. Way too hard more than I could ever imagine.

"Huwag kang mag alala Hija dahil hindi ko pa din nakakalimutan ang deal natin. Lahat ng pinangako ko sa'yo ay ibibigay ko pa din kapalit ng pagpapaibig mo sa anak ko." ang pangit pakinggan ng mga sinabi niya lalo na sa mga hindi nakakaalam ng totoo. It would seem that everything that has happened was all just part of a deal. Although, it initially was.

Bigla kaming may narinig na malakas na kalabog ng pinto. I'm praying really hard na 'wag naman sanang si Jake un dahil hindi niya pa nalalaman ng buo ung side ko. Ung mga sinabi lang ng tatay niya ang kanyang narinig kung sakali man. Natatakot ako ng sobra na baka ma-misinterpret niya ang mga narinig at kamuhian niya ako, given that it was indeed him. Kapag nagkataon ay hindi ko kakayanin dahil masyado ko na siyang mahal. I don't think I can face his wrath. I don't even know how to explain because there's part truth in that statement.

Sa puntong ito napapraning na ako ng labis pero pinanatag ko na muna ang loob ko dahil hindi pa kami tapos mag-usap ng tatay niya. I need this to be over and done with bago ako mag-isip ng kung ano ano. Saka hindi naman siya siguro un ksi hindi niya naman alam na andito ako. Mala-palos pa nga ang mga kilos ko kanina huwag niya lang matunugan kung saan ako patungo. Ang isang un naman kasi dinaig pa ang ahas sa pagka-clingy.

"Naku, kahit 'wag na po Sir kasi sa katunayan po niyan ay hindi ko naman po ginawa ung napagkasunduan natin. Actually nakalimutan ko nga po eh kung tutuusin. Nagkataon lang po talaga na we both fell for each other. Kung hindi niyo po mamasamain ay totoong mahal ko po ang anak ninyo at hindi ko po un kayang ipagpalit sa material na bagay na kaya ko naman pong paghirapang makamit." paliwanag ko ng buong puso kasi hindi ko na masisikmura na tanggapin pa ang mga iyon dahil para ko na din ipinagbili ang pag-ibig ko.

"Pinasaya mo ako ng lubos Hija. Hindi nga talaga ako nagkamali sa pagpili sa'yo. Una pa lang ay gusto na kita para sa anak ko kasi alam kong makakabuti ka para sa kanya. Please continue to love my son Hija at sa ayaw at gusto mo ay ibibigay ko pa din ang mga ipinangako ko not as part of our deal na nga lang but as my help to the girl that is the source of my Son's happiness right now." ang tigas din talaga na ulo ng tatay ni yabang. Parehas silang makulit ang lahi. Well come to think of it, iisa lang naman pala sila ng lahi kaya hindi na nakapagtataka.

Sa wakas ay natapos din ang pag-uusap namin. Maaga akong tatanda sa isang un. Saka hindi pa man din kami nagkakatuluyan ni Jake ay malabo na akong magkaanak dahil natuyuan na ako ng matres sa kanilang mag-ama.

Nang tuluyan na akong makalabas ng opisina kahit na medyo naistress ako sa pagpupumilit ni Mr. Santillan sa kagustuan niya ay gumaan naman ang loob ko kahit papano dahil nasabi ko dito ang totoong saloobin ko. Naparating ko sa kanya na hindi pera o kahit na ano mang material na bagay ang habol ko sa anak niya. Mahirap na, madami pa naman ang nanghuhusga sa akin dito na isa akong gold digger. Naman talaga, sa panahon ngayon, hindi lang sa sakit namamatay ang tao, pati na din sa inggit.

Pero hindi pa din talaga nawawala ang takot sa sistema ko na baka nga si Jake ung kanina na nakarinig sa usapan namin. Gaya ng sabi ko, mawala lang ako ng saglit sa paningin niya ay napapraning na ito. Baka ginamit niya na naman ang pagiging Sherlock Holmes niya para lang matunton ako.

On the other side, I was keeping my hopes up but to my dismay, nang mahagilap siya ng paningin ko ay alam ko na ang sagot sa kanina pa bumabagabag sa aking isip...






























It was him indeed and by the way he is looking at me right now, ay alam ko at ramdan ko na...














































Ito na ang katapusan ng lahat....




























Parang namatay ang buong pagkatao ko sa isiping un.

Parang namatay ang buong pagkatao ko sa isiping un

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon