Ara's POV
Ambigat ng katawan ko kanina ng magising. Parang ayoko pang bumangon at pumunta ng trabaho as today will be the day when my torture begins. I will be working with him alone since Myra already left yesterday. Hindi ko alam kung paano makikipag deal sa kanya. It has been years since we have been together at ung huli pa naming mga encounter ay hindi maganda so malamang nakalimutan ko na kung paano makisama sa kanya ng maayos.
"Hun, paano kaya kung hindi na lang ako pumasok?" Biglang tanong ko kay Jared.
"Really, Hun? Kung kelan nasa kotse na tayo at lahat saka mo itatanong 'yan?" Amused na sagot nito.
"Hun naman eh. Puro ka biro. You know naman siguro ang reason why I am having second thoughts diba? For sure pahihirapan lang ako nun."
"Hun, ikaw na nga mismo nagsabi na you have to fulfill the promise you have made to his Dad, right? And you know what, I may not trust the guy, pero I believe din na hindi naman siguro ito unprofessional when it comes to work. Kaya do your best na lang at sabi nga niya eh until his secretary is away lang naman, not like it will be a permanent set up, hindi ba?" Pangungumbinsi sa akin ni Jared na ikinaluwag naman ng pakiramdam ko. Kaya ko siya mas lalong minamahal eh. He really knows how to make me feel better every time I feel awful.
----------------------------
Kasalukuyan akong abala sa pag-aayos ng mga gamit ko nang hindi ko namalayan na dumating na pala ang magaling kong amo. Narealize ko na lang when he I saw him standing in front of me and sarcastically said, "Good Morning to you too Miss Marasigan. What a way to greet your boss." Na siya naman ikinapanting ng tenga ko. Nananadya ba talaga ang ungas na ito? Siguro naman ay nakita niya na abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko ano so how on earth will I be able to see him?
"Good Morning Sir. I'm sorry I did not notice you as I was occupied FIXING MY THINGS." Na diniinan ko pa talaga ang mga huling kataga for emphasis ika nga.
Jake's POV
The look on her face is so priceless. Hanggang ngayon ay pikon pa din siya at ang cute ng reakson sa tuwing naasar. I think this is a good start. This is where we started off anyway, so I don't think it will be hard for me to get her back. Isang tao lang naman ang humahadlang at habang nasa landas ko siya ay hindi ko maisasakatuparan ang mga binabalak ko. Kaya dapat may gawin na akong move as soon as possible.
Ara's POV
Magkasabay kami ngayon ni Jared sa lunch at laking ginhawa ko talaga sapagkat buong araw akong inimbyerna ng unggoy na un. May kung ano ano na pinapahanap kaya panay balik ko naman sa opisina niya para iaabot ang mga ito. At ung pinagngingitngit ko talaga ay ang nagawa pa niya akong utusan na ipagtimpla siya ng kape ha? Kung hindi lang talaga masama ang pumatay ay malamang hinaluan ko na ito ng lason. Sabi ko na nga ba at walang ibang mabuting gagawin ang isang un.
Panay rant ko kay Jared pero tila ba ay spaced out ito at may malalim na iniisip kaya naman, ginising ko siya sa 'tila ba mahimbing na pagkakatulog nito.
"Huy, Hun kanina pa ako panay kuda dito. Hindi ka naman pala nakikinig eh. Ano ba yang iniisip mo at mukhang napakalalim?" Tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang lungkot at pag-aalinlangan sa mga mata nito ng nagsabing. "Ano kasi Hun, kinausap ako ni Mr. De Leon kanina."
"And?" pabitin pa kasi ang isang 'to. Kinakabahan na tuloy ako.
"He assigned me to one of our biggest accounts eh."
"Wow, Hun. Un naman pala. It's a big opportunity for you to advance in your career. So why the long face? Dapat nga masaya ka pa." Masaya kong sagot sa kanya pero hindi man lang nagbago ang expression ng mukha nito. Malungkot pa din kaya naguguluhan talaga ako.
"I know Hun and it's an honor for me really. For them to trust me kahit na kakaumpisa ko pa lang, really means a lot."
"Ganun naman pala eh. Teka nga, can you be completely honest with me? You said you feel honored but why do I feel that despite the fact, there is something else that is bothering you?" may pag-aalalang tanong ko dito.
"Ayun na nga so as I was saying, nakaka flatter ang trust na iginawad nila sa akin pero Hun, sa Cebu ako maa-assign. At hindi ko alam ang duration kasi depende daw kung kelan maco-close ang deal at matatapos ang project." he said with full of sadness in his eyes.
Natahimik ako bigla. Matagal siyang mawawala. Hindi pa naman ako sanay na hindi kami magkasama lagi. What will happen to me now? I suddenly realized that I became dependent on him for such a long time that I do not know what to do without him by my side.
"Oh diba, natahimik ka din. I know Hun kaya nga I am having second thoughts eh kung tatanggapin ko ba o hindi."
Sa sinabi niyang un ay bigla akong natauhan. Hindi ako maaring maging selfish. It's high time na isipin niya naman ung makakabuti sa kanya. Hindi ung puro na lang ako ang lagi niyang nilalagay sa pedestal. Ilang taon niya ding dinedicate ang buhay niya para sa akin kaya dapat lang na may gawin din siya para umunlad ang sarili niya. This is his chance para may mapatunayan at para maihanda niya ang kanyang sarili sa kinabukasang naghihintay sa kanya.
"Yan ang huwag na huwag mong gagawin Hun. It will be hard for us, I know, but this is a once in a lifetime opportunity for you. Kaya I want you to grab it." I said to him with full of encouragement audible in my voice.
Biglang umilaw naman ang mga mata niya sa tinuran kong un. I suddenly realized na he really wanted it but was just again thinking about my feelings at kung paano ang magiging lagay ko kapag nasa malayo siya. Sa katotohanang un, I feel guilty even more.
"Talaga Hun? Thank you. I love you sobra. Huwag kang mag-alala kakayanin natin tong LDR na set up. Saglit lang naman eh."
"Oo naman Hun. Kaya natin 'to. I love you too!" I then kissed him as an assurance.
With that being said, bigla kong nabulong sa sarili ko na sana kayanin ko din ang pangto-torture ng mokong na un ng mag-isa lang. Hayyyy.......
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomansaJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...