Jake's POV
Mainit pa din ang ulo ko nang makauwi sa bahay. Hindi pa din ata ako nakaka move on sa ganap kanina. Kundangan pa kasi may umekstra na naman sa eksena. Ako na sana ang bida eh kaso may kontrabida na naman. If not my Dad, who else could it be? Walang iba kundi ang bwisit na lalaking un. Kulang na lang magbasag na naman ako ng gamit pero natutunan ko nang kontrolin ang sarili ko. Something I learned from years of therapy. I am not going down that road again. Pero s*t lang. Ano ba talaga ang nangyayaring ito sa akin?
"What the hell is wrong with me? Bakit ba ako galit na galit? Pakialam ko ba naman doon sa babaeng un. Kahit sino pa ang landiin niya ay wala na dapat akong pakialam doon. Pero sa tuwing maalala ko ang way na pag ngiti nito kay Jared at ung yakap na pinagsaluhan nila, makes my blood really boil. Hindi ko alam pero parang gusto ko ako ung nasa lugar ni Jared. I want her to look at me the same way he looks at him. I don't want any other guy holding her dahil feeling ko gusto kong pumatay sa tuwing nangyayari un. P*ta, this is so insane! I've clearly gone mad.
Could it be possible na...
No, this can't be. Ayokong kainin mga sinabi ko. Nagi-guilty lang ako. Yeah, that's it!
I can't fall for the Peabrain. No freaking way. All hell would break lose!!!!"
So instead of dealing with those absurd and unwanted thoughts, what I did was to keep myself busy thinking of new ways to piss Ara off. Naputol lang ang brainstorming ko nang biglang may kumatok sa pintuan.
"Can I come in Son?" Ano kaya kelangan nito sa akin? Don't tell me kumalat na agad ung eksenang naganap kanina? Bakit ba kasi madaming makakati ang dila sa mundo? Ito namang tatay ko parang satellite din, ambilis makasagap ng tsismis.
"Uhm, yeah sure Dad." walang gana kong sagot dito. I don't have enough energy for any sermon kaya sana naman hindi ako sabunin nito. Baka tuluyan na akong maubusan ng lakas at hindi ako maka come up ng magandang plano.
"I heard what happened earlier. And you shouldn't have done that. Babae pa din si Ara and you humiliated her in front of your classmates. Anak ang mga babae ay minamahal at nirerespeto iyan. Dahil lahat tayo may nanay at makakapag asawa in the end. That's why we should treat women nicely. Tandaan mo yan." I knew it. Nai bluetooth agad dito ang ganap kanina. Tsk tsk tsk. Mas mabilis pa talagang kumalat ang tsismis kesa sa pag-unlad ng bansa.
"I really don't know how you do it Dad. Paano mo nagagawa at nasasabi ang mga iyan despite of what Mom did to us? I just can't understand. How can you not hate her and all other women?
"Forgiveness is the key Son. You just have to find it in your heart. I still love your Mom kahit matagal na siyang wala at kahit hindi pa niya ako mahal at hindi na niya tayo binalikan. I can never hate her like you expect me to do. Ganyan ang tunay na pag-ibig Anak. Hindi makasarili at marunong magpatawad." Makabuluhang sagot nito sa akin.
And regarding earlier naman pala Dad, I'm aware of how far I went and I really don't know what has gotten into me but seeing her pissed makes me happy and at the same time, seeing her with someone else makes me fuming mad. Does that make me a monster? Or Am I going insane already? What do you think?"
Don't be too hard on yourself Anak. You are not a monster nor you are going insane. Siguro naaaliw ka lang sa reaksyon niya kaya gusto mo siyang naaasar lagi. And maybe you find her cute? At dahil gusto mo ang undivided attention niya kaya that's how you feel everytime na may kasama siyang iba. Pero I'm telling you, dahan dahan lang sa mga ginagawa mo sa kanya ha. Baka sa huli ikaw ang asar talo. Remember to not do something that you would eventually regret deeply in the end. Sige matulog ka na."
"Okay, Dad. I'll keep that in mind. Thanks for stopping by. Good night."
Nang makaalis na ito ay bigla akong napaisip sa mga tinuran nito.
"Maybe you find her cute?"
"Maybe you find her cute?"
"Maybe you find her cute?"
Ugh, paulit ulit na nag echo sa pandinig ko ang sinabing 'yan ni Dad. Wala naman akong recorder dito sa kwarto pero walang tigil sa pag resonate sa utak ko ng mga katagang un. Aish, mas malala pa ata ang tama ni Dad kesa sa akin. Kung ano ano na ang mga pinagsasabi eh.
But then, it kept me really thinking though...
Do I really find her cute?
or
Say if I do, do I find her cute nga lang ba talaga? Or there's more to that?
Hayy, bakit ko ba nililito ang sarili ko? Si Dad naman kasi mukhang tumira pa ng katol bago ako kinausap ngayon kaya mga walang katuturang bagay ang mga sinabi na siyang ikinagulo naman tuloy lalo ng utak ko.
But then again, sabi nga nila, don't overthink things kaya I believe this is just pure guilt that is consuming me. So I think maybe the best thing to do is to maybe apologize? I know, I went overboard with what I've done and remembering how she looked earlier and seeing how tears almost escaped her eyes, makes me even guiltier. Pero ang tanong kaya ko ba? Dammit, ayokong babaan ung pride ko eh.
But do I really want her to hate me if don't? I think I'll be damned if she would. Parang hindi ko kaya ang thought na kamumuhian niya ako habambuhay.
Nagtalo buong magdamag ang puso at isipan ko sa dapat kong gawin but in the end I chose to listen to what Dad and my heart said. So I decided to lower down my pride and apologize. I guess it wouldn't hurt me if I do. Bahala na nga bukas. Kung hindi niya man tanggapin ang apology ko ay bahala na siya. Ang importante ay nagawa ko na ang nararapat gawin. Masyado na siyang nagmamaganda kapag nagkataon ha. Akala mo naman maganda talaga.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
Roman d'amourJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...