Chapter 44 Happy Man

74 1 0
                                    

Jake's POV

Napamulat ako ng may ngiti sa aking mga labi. Naalala ko pa ang nakita kong pag-aalala sa kanyang mga mata at ang mga pag-aalaga nito sa akin kahapon. Not to mention na siya mismo nag-offer na samahan ako and to top it all dito siya natulog sa tabi ko.

Nakakatawa nga lang dahil ang dami niyang nilagay na unan in between us para daw sakali may masama akong balak sa kanya, eh may balakid siya. Parang tanga lang din ni hindi ko nga kayang gumalaw.

Kung pwede lang sana ay ginawa ko na para mapikot ko ito at saka kung sakaling sinabi niya na hindi na siya makapag-antay then I'll be her willing victim naman kasehodang may sakit pa ako haha.

Although, I must say na may kaunting kirot akong naramdaman ng sinabi niyang ginawa niya lang ang lahat ng ito bilang boss niya ako and all. Pero what the heck? I'll take what I can get. Choosy pa ba ako? I think hindi na masamang simula para tuluyang bumalik kami sa dati.

Matagal ko siyang tinitigan, ang ganda ganda niya talaga. I would give up everything that I have in order to have her back in my life at para lang makasama ko siya ng gaya nito. Siguro naramdaman niyang matiim ko siyang tinititigan kaya naman bigla na lang siyang napamulat at napasigaw.

"Huy, lalaki may binabalak kang masama sa akin ano? Sinasabi ko na nga ba at hindi ka talaga mapagkakatiwalaan." Sabi nito with panic in her voice and to my confusion, nakatakip ung kamay niya sa kanyang bibig habang nagsasalita kaya naman patawa akong nagtanong.

"Para kang timang diyan, bakit mo ba natakpan ang bibig mo? And to answer your question, wala po akong binabalak na masama sa'yo, unless hindi ka na makapaghintay diyan ay game din naman ako."

"Bwisit kang manyak ka, masasapok talaga kita!!! Saka ano bang paki mo? Eh sa hindi pa ako nagttoothbrush eh." sagot naman nito na ikinatawa ko ng malakas. Ang cute niya lang.

"Ugh, nakakabanas ka. Kahapon lang ay para kang maamong tupa ngayon naman ay ang lakas mo na namang mang-asar. Sana pinabayaan nalang kita. Hmp." Saka ito tumakbo papuntang banyo. Napalakas pa lalo ang tawa ko sa mga tinuran niya.

Ara's POV

Animal na un. Ke aga aga mambwisit. Asar na asar talaga ako sa hinayupak. Ginawa pa akong clown. Living entertainment niya so to speak. Masaya siya. Pasalamat siya at lalo siyang pumopogi kapag natawa siya.

With that thought, nagalit na naman ako sa sarili ko. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Hindi ko dapat na maramdaman 'to. Patawad Jared. Feeling ko ang sama sama ko na talaga. Habang nagttrabaho ung boyfriend ko ng maayos, ako naman ay nagawa pang lumandi.

"Pero hindi naman ako lumalandi ah. Hindi lang ako ganun ka heartless para pabayaan siya sa ganoong kalagayan kahapon." Aish nababaliw na ata ako dahil kinakausap ko na ang aking sarili. At mas lalo akong nanggalaiti nang sa labas ay narinig ko ang ungas na nagsalita.

"Huy, Peabrain. Sino kausap mo diyan sa loob ng banyo ha? Nababaliw ka na ata eh." Saad ng diyaske na sinabayan pa nang ubod na lakas na tawa.

Lord, bigyan niyo pa po akong ng mas mahabang pasensya. Baka lumabas ako sa condong ito na isang kriminal kapag hindi talaga ako nakapagpigil sa isang ito. Na sa ganun akong panalangin nang may marinig akong katok mula sa labas.

"Ara, Babe. I was just joking. Hindi ka na lumabas diyan. Please open the door."

"Santillan! Namumuro ka na sa akin ha. Wag mo akong ma-Babe Babe diyan dahil hindi ako baboy saka manahimik ka baka sungalngalin kita kapag hindi ka pa tumigil. What do you want?" pagalit kong sagot.

"Eto naman ang init agad ng ulo. May dala akong pamalit mo. Pinabili ko sa tagalinis ko. Saka pinasamahan ko na din pala 'to ng ano ba tawag niyo dun PADS? Mukha kasing meron ka eh. Ahahahaha".

Ramdam ko na pulang pula na ang mukha ko sa galit. Masyado na akong hinihiya ng unggoy na 'to ah kaya naman pabalya kong binuksan ang pintuan saka hinablot ung mga dala niya.

"You're welcome Miss Marasigan. Hahaha."

Talagang wala pa siyang balak tumigil ha, teka nga "Maghintay ka talaga kapag ako nakapag-ayos at babalatan kita ng buhay Jake Grant Santillan!"

Nang nakalabas na ako ng banyo ay agad niya akong kinorner, "You were saying Babe?" 

OMG. Ang lapit lapit niya na sa akin. Nawala bigla ang tapang ko. Bakit naman kasi ang bango pa din ng hininga niya kahit bagong gising? Hindi ba ito ni minsan bumabaho? Ano, perfect lang?

"Ah, I wwass ssaying na...." Nauutal kong sabi dahil sa sobra na akong naasiwa sa liit ng pagitan namin.

"Yes? Bakit tila ata nalunok mo na ang dila mo diyan?" Panunudyo pa nito sa akin.

"Sabi ko, babalatan talaga kita ng buhay kapag hindi ka tumigil!!!!" I used all the energy that I have left para lang masambit ko ang mga katagang un sa kanya.

"Hmmmmm.....Siguro hindi mo pa nalilimutan ung sinabi ko sa'yo dati kaya ka ganyan ano?"

"Huwag kang masyadong assuming Mister. At kinalimutan ko na ang lahat sa nakaraan."

Lumungkot saglit ang aura nito pero napalitan agad un nang panunudyo, "Oh well, I'll gladly remind you then. Like I said before, your violence is my major turn on."

At hindi nga ito nagbibiro sapagkat naramdaman ko ang tila ba nangangalit na bagay sa kanyang ibaba na tumutusok sa mga hita ko.

"Bastos!!!!!!!!!!!!!! Manyak!!!!!!!!!!!!!!! Pervert!!!!!!!!!!!!!" Sabay tulak ko ng malakas sa kanya.

"Ahahaha". Tawa pa nang hunghang padakwa'y sumeryoso din at nagsabi.

"Okay, enough with this. Pulang pula ka na sa asar. Sorry Babe. Masaya lang talaga ako na kasama kita. Anyway, hintayin mo ako dito ha. Maliligo at magbibihis lang ako para makapag breakfast na tayo sa labas." mando nito sa akin but at the back of my mind nasabi kong.

"Masaya ka. Sa oras na pumasok ka sa banyo, siya namang pagtakas ko." Pero sa kasamaang palad ay may lahi ata 'tong manghuhula or he just knows me that much.

"Don't even think about it Ara Celine Marasigan. I know what you are thinking. Sa oras na lumabas ka dito sa condo ko ay ipahaharang kita sa mga guwardiya sa baba at ipapakaladkad kita pabalik dito sa itaas. Did I make myself clear?"

Nalintikan na. As if naman may choice ako kaya sinagot ko na lang ito nang, "Crystal, Tse!"

Jake's POV

I must say I am one very happy man talaga. This is the happiest I've been since umalis ito 5 years ago. I just hope hindi na matapos ang kaligayahan kong ito.

 I just hope hindi na matapos ang kaligayahan kong ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon