Chapter 3 The Revelation

177 4 0
                                    

Ara's POV

Nang tuluyan na akong makapasok, it took a few minutes muna bago ito magsalitang muli. And during that time, natawag ko na ata lahat ng santo kulang na lang lumuhod pa ako sa Baclaran para hilingin lang na mali ang mga kinakatakutan ko. After what I thought was eternity ay nagsimula na siyang magsalita habang ako ay pigil pa din ang bawat paghinga. Magiging theme song ko pa ata ang "Breathless."

"Have a seat. Kaya kita pinatawag Miss Marasigan, it's because I heard you and my son bickering a lot of times. I am also aware na binasag mo ang salamin ng kotse niya." Napalunok ako ng malalim sa mga narinig ko. Hindi ata effective ang pagdarasal ko. Dapat siguro talaga naglakad akong nakaluhod sa may Baclaran o di kaya nagsayaw sa Obando. Ay iba pala un. Pero yes baka sakali pa. Hayy, I'm really starting to get so scared na sa kahahantungan ng usapang ito. Hayup na yabang iyon kasi, kalalaking tao, ubod ng sumbongero.

"Pag pasensyahan mo na ang Anak ko Ara, you see he is a broken soul." simula nito na ikinagulat ko.

Huuwwaattt???!!! Tama ba ang mga naririnig ko? Humihingi ng paumanhin ang tatay niya at ano? Broken soul daw ito? Ngayon ko lang nalaman na komedyante din pala ang iniilagan naming Dean.

"Kung hindi niyo po mamasamain, are we talking about the same person po ba? Kasi as I see it, your son is far from being broken. He has no soul alright, but broken, nah I don't think so." Lihim kong minura ang sarili ko. Kundangan naman kasi hindi ko mapigilan ang bunganga ko sa mga pinagsasabi ko. Sa panahon ngayon, ito na lang ata ang walang filter.

"Haha, you know what, I like you. Hindi ata ako nagkamali sa pagpili sa'yo." 

Kinabahan ako bigla sa mga pinagsasabi ng kaharap ko. Mukhang isang matandang hukluban pa ata ito ah. What a weird family they have! Like seriously.

"Oh, what's with the long face? Don't get me wrong Hija, what I meant was, I like you for my son." 

Hanudaw? Humithit ata ito ng isang toneladang katol eh. Kung ano anong kabalbalan ang pinagsasabi. Ang siste ay gusto niya daw ako para sa anak niya? Pero tinanong niya ba ako kung gusto ko din ba ang anak niya? Nakakaasar na talaga itong matandang ito ha. Kung hindi lang siya ang ang may-ari ng eskwelahang ito ay malamang kanina ko pa siya pinatulan. Hindi kaya pinatokhang. Manang mana siya sa mahangin niyang anak.

"Alam mo kasi Ara, sa tanang buhay ni Jake ay dalawang babae lamang ang labis niyang minahal. Ang Mama niya at si Natalia pero sila pa ang labis na nanakit sa kanya." nakita ko na lang ang biglang paglungkot ng mukha niya. And he's telling me this because? 

"Ganito kasi ang mga nagyari Hija para naman maintindihan mo." huling sabi nito bago nagkwento. 

Flashback

"I've had enough Roberto, sasama na ako kay Ricky. I'm leaving you."

"No, Ericka please don't leave me and your son. Mahal na mahal kita."

"At anong klaseng pagmamahal yan Roberto ha? Ung tipong mahal mo lang ako para may madala ka sa mga social gatherings mo? Hindi ako trophy lang para maiangat ang status symbol mo at para ma impress ang ibang tao sa'yo. Anyway, what would I expect from this marriage right? I mean, we were just forced to marry each other because of our fathers' business ventures."

"Hindi mo man lang ba ako natutunang mahalin Ericka?"

"Siguro saglit oo pero hindi ko kasi naramdaman ang pagmamahal na hinahanap ko mula sa'yo eh and you know from the very start that it is Ricky who I love."

"Paano na ang anak natin?"

"Ihingi mo na lang ako ng tawad sa kanya. Kapag malaki na siya at natutong magmahal, maiintindihan niya naman siguro ako. I know you'll be a great father to him kaya mapapanatag ako na mapapalaki mo siya ng maayos nang wala ko."

"And with that, tumalikod na si Ericka sabay pagtulo ng mga luha ko. That was the last time I saw her. Sa sulok ng mga mata ko nakita ko si Jake and I know he saw and heard everything. Kahit hindi man siya nagsalita sa akin, I know that he was hurting. Everyday, nakikita niya akong umiinom, nagdadala ng iba't ibang babae sa bahay namin, nagbabasag ng gamit. Basically, he saw me ruin my life.

If you're wondering who Natalia is, she was Jake's childhood sweetheart

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

If you're wondering who Natalia is, she was Jake's childhood sweetheart. His first love. Alam kong kay Natalia lang siya humuhugot ng lakas kaya nagulat ako ng isang araw, nanginginig siya sa takot na pumasok sa bahay. I asked him what's wrong and he just said na he almost killed somebody.

Nalaman ko na lang na iniwan din siya ni Natalia at sumama sa ibang lalaki. At ung lalaki na un ay binugbog niya ng sobra hanggang sa mawalan ng malay. The family of the guy did not press any charges gawa na din nang pakiusap ko at ako na din ang sumagot sa lahat ng pangangailangang medical nito. After that, I literally saw him take his own life right in front of me. He slit his wrist buti na lang at naagapan namin siya. Pagkalabas niya ng ospital, alak naman at sigarilyo ang inatupag niya tapos hindi na din siya pumapasok sa eskwelahan. Kahit hindi na kumain basta makainom at yosi ay sapat na sa kanya.

Masakit Ara na makita mo ang anak mo na unti unting namamatay sa harapan mo na wala ka man lang magawa. Kaya napagpasyahan kong dalhin siya sa America para dun ipagamot. Mahirap sa umpisa kasi ayaw niyang magpagamot hanggang sa huli nakumbinsi ko din siyang magpa psychiatrist at magparehab. 

Nagka Dysthymia or Mild, Chronic Depression si Jake Hija na tumagal din ng halos 2 taon. Ang sabi ng doctor ang sinyales daw nito ay kalungkutan at depression araw araw, kawalan ng kasiyahan sa mga bagay na dating nagpapasaya sa kanya, loss of appetite, insomnia, hindi mapakali, loss of energy, feeling hopeless and worthless at suicide attempt.

Lahat ng un Ara ay pinagdaanan ni Jake at halos mamatay din ako nang makita ko siyang ganun. Nang gumaling naman siya, hindi na siya bumalik sa dating sigla. Hindi na siya naging masaya, naging cold, iritable, at pesimista lalong lalo na pagdating sa pag-ibig."

Ara's POV

Grabe, ni hindi man lang ako nito binigyan ng chance na makapagsalita. Andami kasi ng kuda niya. Pero in all fairness, parang bigla akong naawa sa mokong na un sa lahat ng narinig ko. Matindi din pala ang pinagdaanan niya kaya siya siguro naging ganun.

Pusong bato, metal pa nga ata kung hindi ako nagkakamali. Ah basta masama ugali in short. At dahil na rin ata sa mas malalim pa sa balon na pinaghuhugutan nito kaya ganun na lang siya kung umasta.

Pero mas lalo akong naawa sa nakikita ko ngayon sa tatay niya. He looks miserable. However, it really got me thinking, ano naman kaya ang pakialam ko at sinasabi sa akin ang lahat ng kadramahang ito ni Mr. Santillan?








Saka ko naisip..........































Hindi kaya uutusan niya akong magpadala ng liham kay Maam Charo?

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon