Jared's POV
Marami siguro ang nagtataka kung bakit nawala din ako gaya ni Celine. When she told me about her plans, I knew instantly what I had to do. And that is, I have to be with her no matter what it takes. Some may say, it's a very sneaky thing to do but for me it's simply being there for the one person I truly care the most. At this point wala na akong pakialam sa maaaring sabihin ng iba.
I've been a witness to their love story at nirespeto un. Hindi ako nanghimasok but rather I just silently stood by her side.
I've seen her at her happiest and also when she was at her lowest. Nakita ko kung gaano siya nasaktan and I can't stand seeing her cry and be lonely all the time. When she told me na pupunta na siya ng France, I panicked. Paano ang magiging buhay niya doon ng mag-isa? How can she cope up with the pain and move on? Kaya naman lakas loob akong pumunta kay Mr. Santillan.
***Flashback***
"Magandang hapon po Sir. Ako po pala si Jared Sarmiento, kaibigan po ni Celine." Magalang ko na bungad dito.
"Yes, Mr. Sarmiento. I know who you are. How can I help you?" sagot naman nito sa akin. Medyo nagulat pa ako na kilala niya ako. Although hindi na din nakakapagtaka baka nakwento ako sa kanya ng anak niya bukod pa sa pagiging may-ari niya ng eskwelahan.
"Sir, alam ko po ang balak na pag-alis ni Celine papuntang France at alam ko din po na kayo ang tutulong sa kanya."
Biglang natigilan si Mr. Santillan. Hindi niya ata inaasahan ang mga sinabi ko.
"U-hm, oo tama ka Hijo. I felt the need to do it."
"Alam ko po na parang napaka insensitive ko para sabihin to sa inyo considering that you are Jake's father at may nakaraan sila ni Celine, pero balak ko po sanang samahan siya doon." sinsero kong pahayg dito.
"Ganoon ba Jared? Hindi naman ako galit kaya huwag kang mag-alala. Dapatwa'y mas mapapanatag nga ako na may makakasama siya doon. Saka kung 'yan ang pasya mo eh wala naman akong karapatan para pigilan ka."
"Salamat po sa pang-unawa Sir. Pero kung inyo pong mamarapatin ay may hihingin po sana akong malaking pabor."
"Ano iyon Hijo?"
"Maari niyo po ba akong matulungan din sa mga credentials ko at kung puwede po sanang malaman anong flight number niya?"
"Alam mo kasi Hijo, sa credentials walang problema sa akin pero 'yong sa flight number niya..."
"I understand po na nangako kayo sa kanya pero I want you to know po na malinis ang intensiyon ko sa kanya. I respect po whatever they had ni Jake. All I want is to be a friend to her. At kung ano man po ang mangyari in the future, sinisiguro ko pong hinding hindi na masasaktan pa si Ara."
Pagkarinig niya nun kahit nag-aatubili pa ay binigay niya na rin ang impormasyong hinihingi ko.
"Maraming maraming salamat po. Hinding hindi po kayo magsisisi for trusting me." assurance ko sa kanya.
"Just promise me one thing, Mr. Sarmiento."
"Ano po iyon?"
"You will take good care of her. Something my son had extremely failed in doing. She is a lovely person and I want her to be happy." I can see the sadness in his eyes while saying these words and somehow I felt bad.
"Kahit hindi niyo na po hilingin Sir pero yes, hindi ko po kayo bibiguin."
"One last thing Jared, do you love her?" usisa nito sa akin na hindi ko nasagot. Hindi naman niya ako kinulit pa which I am thankful for kasi hindi ko pa kayang sagutin un sa ngayon.
***End of Flashback***
Do you love her?
Do you love her?
Do you love her?
Paulit ulit na nag echo sa akin ang tanong niyang iyon. Something na alam kong dapat kong sagutin sooner or later pero sa ngayon, may mga dapat pa akong unahin. I can sort my feelings later on.
After kong maka-alis sa opisina ni Mr. Santillan ay minabuti kong pumunta sa bahay nila Celine. Grabeng pag-iingat pa ang ginawa ko na hindi niya malaman na naandun ako sa kanila. I plan to surprise her kasi. At dahil respeto na rin sa mga magulang niya, I felt na dapat kausapin ko ang mga ito ng masinsinan. Medyo matagal na usapan ang nangyari kasi nag-aatubili pa sila. Ngayon lang nila ako nakita at nakilala eh pero nang na assure ko naman sa kanila na malinis ang intensiyon at hangarin ko sa anak nila at higit sa lahat ay aalagaan ko ito ng mabuti, napanatag na din ang loob ng mga ito sa akin at sa binabalak kong pagsunod dito. Pinaubaya na nila si Celine sa akin basta daw mangako ako na tutuparin ko ang lahat ng mga ipinangako ko sa kanila.
Matapos nun ay ang mga magulang ko naman ang sumunod na kinausap ko. I explained to them everything and told them about my plans. Pilit kong pinaintindi ang purpose ng pag-alis ko and as they have always been supportive of me, pumayag din naman sila sa huli. As long as mag-ingat lang daw ako doon at hindi ko sisirain ang tiwala na binigay sa akin ng mga magulang ni Celine at Mr. Santillan, wala akong maririnig sa kanila ni katiting na pagtutol.
The next thing I knew is I'm on board the same flight with Celine to France. Maswerte nga ako at may available seat pa akong nakuha kahit last minute booking ang ginawa ko. And to answer Mr. Santillan's hanging question to me:
"Yes, I am in love with her."
Nasabi ko sa sarili ko with a smile on my face. I wouldn't go through all of these things if I don't. Noong una gusto ko lang siya pero kalaunan ay nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya. I just hope na sa bandang huli, kapag naghilom na ang lahat ng sugat ng kahapon ay kaya niya nang buksan ang puso niya para sa akin. Pero if hindi pa naman, ay I am willing to wait pa din until she's ready. I don't even care how long it takes. Ganyan ang pagmamahal ko para sa kanya. It can wait.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...