Jake's POV
"Hi Babe!!!!!!" bati ko kay Ara pagkakita ko dito.
"Tigilan mo nga ako Jake. Ke aga aga mong mambwisit." sagot nito sa akin nang nakabusangot.
"Bakit masama na bang batiin ko sa umaga ang nag-iisang Babe ng buhay ko?" I fired back with matching pagpapa-cute pa dito.
"Tse, magtigil ka. Hindi bagay sa'yo. Saka pwede ba? Huwag mo nga akong tinatawag na Babe."
"Okay which do you prefer, Babe or Peabrain?" tanong ko dito. Psh, pakipot pa kasi eh.
"Ara or Celine whichever. Yan ang itawag mo sa akin." Asar na asar na wika niya. Hindi naman ako affected kasi masaya akong nakita ko ang maganda niyang mukha ngayong umaga. Ganun pala iyon kapag mahal mo ano? Kung dati ay hindi ako nagagandahan sa kanya, ngaun naman ay talagang gandang ganda ako sa kanya at literal na gumaganda ang araw ko kapag nakakasama ko siya.
"Great, just what I thought, Babe it is then."
Pagkatapos I winked at her na nakapagpatulala sa kanya. Cute talaga. Hindi niya ata inaasahan na magsismula na ako sa mga damoves ko. Well, dapat lang masanay na siya dahil I will not stop until I make her MINE. At kahit pa man maging akin na siya ay hindi pa din naman ako titigil sa pagpapadama sa kanya ng pagmamahal ko. Dammit, I'm really smitten.
"And oh, by the way, may basketball game ako mamya, I expect you to be there."
"Spell A-S-A Jake. I'm busy, marami akong gagawin, uuwi ako ng maaga."
"Psh, dami mo pa sinabi, basta be there at 3pm. Ikaw din, matatalo class natin pag hindi ka pumunta. Bye Babe, laters." Saka ko siya iniwang namumula.
Ara's POV
"Wala na talaga sa katinuan ang mahangin na un. Tama ba na konsensiyahin pa ako 'tas ano, Babe? Ano ako baboy? Ginaya pati mga linyahan ni Christian Grey. Akala naman niya ikinaguwapo niya un. Grrr. Nakakaasar lang talaga."
Buong araw akong irita kasi kung dati ay panay kalokohan ang ginagawa niya sa akin, ngayon naman ay puro kalandian. Hindi ko tuloy namalayan na tapos na ang klase. Akmang aalis na ako nang bigla akong inaya ni Jessie na pumunta sa gym.
"Tara Ara, nuod tayo ng game."
"Ayoko Jess natamad ako eh." bwisit pa din kasi ako sa kabalbalan ng lalaking un kaya ayoko siyang makita.
"Eto naman, walang moral support sa jowa."
"Huy, magtigil ka nga diyan. Baka may makarinig sa'yo. Hindi ko jowa ang ungas na un ano." At wala akong balak dahil baka matuyuan lang ako ng matres sa kanya.
"Ahaha defensive, tara na nga." saka ako hinatak ng bruha.
Nang makarating na kami doon ay napansin ko na mukhang matamlay si yabang at medyo tambak na din ang team namin. Ano ba ang problema ng lalaking 'to? Kanina lang ay parang nakainum ng isang bote ng centrum sa dami ng energy ngayon naman ay parang lantang gulay.
"Ara, cheer mo na kasi saka magpakita ka na, akala niya siguro hindi ka talaga pupunta kaya wala siya sa mood." pang-uudyok pa sa akin ng babaitang kasama ko.
"Ako nga ay tigil tigilan mo Jessie, hinatak mo na nga lang ako dito ng labag sa loob ko 'tas required pa ako magpakita at mag cheer sa kanya? Masaya siya. Bahala siya diyan sa buhay niya at manigas siya."
Akala ko ay titigilan na ako nito nang tumahimik ito saglit pero pagkatapos lang ng ilang segundo ay bigla bigla na lamang ito sumigaw nang walang pakundangan. Naghanap lang pala ng buwelo. Ang bruhang ito ay kay sarap kitilan ng buhay. "Huy Jake, magpakitang gilas ka naman, hindi ka na nahiya kay Ara." Nakita kong numingning ang mga mata ng unggoy pagkakita sa akin.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomantikJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...