Chapter 36 Stuck with them

85 1 0
                                    

Ara's POV

Sa hindi ko inaasahan ay narinig pala ako ni Jake. Akalain mo un halos pabulong na nga lang ay hindi pa din pala nakatakas sa pandinig niya. Super sonic ears mga 'te o sadyang mosang lang din talaga ang isang ito.

"So, you really hate me that much na ayaw mo ako makasama dito sa elevator huh?"

Bigla kong nalunok ang laway ko dahil hindi ko naman talaga inaasahan na maririnig niya pa iyon. Hindi naman kaya siya ang kausap ko ano. Sarili ko kaya. Buti na lang kamo at mukhang hindi narinig ni Jared  ang mga pasaring nito dahil sa abala ito kakahanap ng phone niya para magsilbing ilaw sana namin kung hindi ay baka maging sanhi pa ito ng gulo sa pagitan nilang dalawa. At ayaw kong umabot pa dun dahil ayoko mahaggard lalo. Paano, ang dilim dilim at ang init init na nga dito tapos magpapatayan pa sila.

Natetense na ako dahil ang tagal tagal mahanap ni Jared ung phone niya. Parang sinisilaban na ung puwet ko. Kanina pa nga lang sa kotse ay kating kating na akong makalabas, dito pa kaya. All I want right now is to get away from all these mixed emotions kasi konti na lang talaga ay sasabog na ako. Kung bakit naman kasi ung telepono ko ay kanina pa dead battery at ito namang kasama namin walang paki at 'tila ba nag eenjoy pa na manatili kami sa kadiliman. 

Ang tanging consolation ko na lang is ung kasama ko si Jared dito. Just imagine kung kami lang ni Jake. Malamang kanina pa ako nalagutan ng hininga. Medyo napanatag din ako kahit papano dahil hawak ko ang kamay ni Jared. Somehow ay napawi kahit konti ang lahat ng kaba ko at kung ano pang unwanted feelings na merun ako ngayon. Ewan ko ba pero he always has his way of warming things up and making the situation light kahit pa wala itong ginagawa. His mere presence can calm my nerves.

Pero hmmmmmm teka lang maiba nga, ano kaya ang gamit na lotion ng lalaking 'to at 'tila mas lumambot pa ung kamay niya ngayon? Mas malambot pa nga ata sa akin kaya parang nahiya naman ako bigla.

"Found it!" Sambit ni Jared.

"Finally, Hun." Sagot ko naman with a sigh of relief.

Pagkahanap ni Jared ay naging abala ito saglit sa paghalugad ng settings niya at nang sa wakas ay nabuksan niya na ung flashlight, ay nagtaka ako bakit bigla na lang nagtiim ung mga bagang niya habang nakatitig kay Jake. Kinabahan na naman ako at sa isip ko ay palihim kong pinapatay ang mayabang na 'to dahil ano na naman kaya ang ginawa niya na ikinagalit ni Jared. Takaw gulo din eh. Ayaw ko naman siya kausapin dahil una, hindi naman kami close saka baka mas lumala pa ang sitwasyon kapag ginawa ko un.

Akala ko magiging palaisipan na lang ang lahat pero nasagot ang mga katanungan ko sa isip nung makita kong lumipat ung mga mata ni Jared papunta sa kamay ko at ni Jake. Nagtataka man pero pilit ko pa din sinundan ang tingin niya at laking gulat ko na magkahawak pala ung mga kamay namin ni yabang. That explains bakit parang nag-iba kanina ung pakiramdam. I felt guilty kaya bigla kong binitawan mga kamay niya na tila ba ako napaso sa kung ano.

"Hun, I'm sorry. Hindi ko naman alam. Siguro out of fear and panic kaya ko nahawakan kamay niya, assuming that it was yours. Please do not get mad at me?" Sabay pa cute ko sa kanya. Alam ko na kasi ang weakness niya kaya kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan, naglalambing lang ako sa kanya tapos hindi niya na magagawang magalit pa.

Biglang lumambot ung expression ng mukha niya and I was taken aback ng konti when he pulled me towards him. Niyakap niya ako ng mahigpit na 'tila ba pinaparating niya dun sa isa na kanya lang ako. Umandar na naman ang pagiging possessive ng lolo niyo.

With that being said, medyo nag alala naman ako kung ano naman ang magiging reaksion ni Jake sa ginawang ito ni Jared or what the former would feel at this very moment. Hindi naman sa nagfefeeling diyosa ako pero ayaw ko lang talaga ng gulo. If nais nilang magpatayan bahala sila basta huwag lang nila akong idadamay.

My questions were then answered when in the corner of my eyes, I saw how infuriated Jake was. His fists were tightly clenched and he was gritting his teeth. I am so f*cking scared right now dahil baka maghalo ang balat sa tinalupan kaya naman tahimik akong napausal ng dasal na sana ay makisama na ang elevator at maayos na ito agad agad. Seriously, now na sana bago pa dumanak ang dugo ng wala sa oras. Dahil kung hindi ay baka mauna pa akong mabilibib. Antagal ko kayang ni work out ang pagkakaroon ng peace of mind para lang sirain ng dalawang unggoy na 'to.

Buti naman at madaling kausap ang elevator na ito dahil as if on cue ay bigla na lamang itong umandar. Laking tuwa ko talaga dahil hindi ako hihimas ng rehas sapagkat iniluwa din kami nito agad sa floor kung saan kami dapat patungo. Sa labis na kasiyahan ay niyakap ko ng mahigpit si Jared at kulang na lang halikan ko pa ang pinto at alayan ng kung ano ano kapalit ng pakikisama nito.

After that ay nauna nang bumaba si Jake and last thing I heard is ung seryoso niyang tinig na nagsabing, "Enough of that, you two!!! Kanina pa kayo pinagsabihan sa baba. Since ayaw niyo ng subtle ha, sige I will be blunt from now on. How many times do I have to stress out na hindi ito motel para maglampungan kayo? Let's f*cking go!!! We have cost too much delay already."

Natameme ako sa mga narinig ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natameme ako sa mga narinig ko. Although hindi naman na bago kasi may ganyan talaga siyang tendency noon kapag nagagalit pero hanggang ngayon ba naman ay ganun pa din? Hindi man lang niya na-outgrow? Buti na lang talaga at walang nakarinig sa mga pang-iinsulto nito kundi mag-iiwan na kami ng hindi magandang impression sa unang araw pa lamang ng pagkakakilala nila sa amin.

Naawa na din ako kay Jared pati kasi kanina ko pa alam kung gaano lang ito nagtitimpi sa mga inaakto ng magaling naming amo. Siguro, if on a different place and circumstance lang kami ay malamang nanghiram na nang mukha sa aso si Jake.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon