Ara's POV
After naming magkatitigan ay bigla itong umalis papalayo. Hindi agad ako nakasunod dahil parang nakadikit ang mga paa ko sa sahig. Sa sobrang takot at pag-aalala maybe. Nang mahimasmasan naman ako ay lakad takbo ang ginawa ko para mahanap si Jake kasabay nang panalangin na sana ay hayaan niya muna akong magpaliwanag. Kahit malakas ang kutob ko na hindi na mangyayari un ay umaasa pa din ako. Umaasa na sana huwag muna niya akong husgahan base lang sa mga narinig niya. He only heard the first part of it. At un pa ang hindi maganda sa pandinig.
Sa wakas ay natunton ko din siya matapos kong malibot halos ang buong paaralan. Dinaig ko pa ang guwardiya namin na nag-rounds. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayong papalapit na ako sa kinaroroonan niya. At sa oras na ito din ay natawag ko na ang lahat ng mga santo. Kahit ngayon lang ay maging malakas naman sana ako sa itaas. Hindi man ako makadasal ng nakaluhod ay sana makiayon naman ang langit sa akin sa mga oras na ito.
Naabutan ko siya na naka upo sa may bench sa labas ng cafeteria. Buti na lang at walang tao sa palagid dahil nakikinita ko nang magkakaroon ng marubdob na eksena. Eksenang tatatak sa balintataw ng lahat at siyang yuyurak sa pagkatao ko.
Habang papalapit ako sa kanya ay unti unting nadudurog ang puso ko dahil sa nakikita kong pinaghalong galit at lungkot sa kanyang mga mata. Pero ang mas nakakapanlumo ay ung mas matindi ang galit sa ekspresiyon niya ngayon. Wala akong makitang pagmamahal na namumutawi.
"J-ake, puwede ba kitang maka usap?" nauutal ko pa na bungad dito dahil sa labis na kaba.
Matagal bago siya nagsalita. What I saw was just his dark aura. Ung kulang na lang magsuper saiyan siya, ganun. He was gritting his teeth and clenching his fist. Baka mag ala Pacquiao pa ito sa tindi ng galit niya. Nakakapanghina ang mga nasasaksihan ko. This is the first time I ever saw him like this towards me and it's killing me softly inside.
I wanted him to talk to me pero nang ginawa niya naman un ay napahiling ako na sana hindi na lang pala siya umimik pa dahil parang sasabog siya sa galit ng sinagot niya ako...
"Mag-usap? What for?!!!! Para magsinungaling ka na naman ha? Ang galing mo Ara. Best Actress in a Pretending Role ang dapat igawad sa'yo!!! Ung acting mo pang Famas, Gawad Urian, at pang Oscars. P*ta lang at nakaka G*ago dahil sa sobra mong galing ay napaniwala mo ako sa lahat ng drama at pagpapanggap mo. At alam mo ung malala sa lahat? Nakipagsabwatan ka pa talaga sa tatay ko!!!! Para ano? Para saktan at lokohin ako?"
"It's not what you think. Please let me explain." pagmamakaawa ko sa kanya. He has to hear me out. Hindi ung ganito. It doesn't have to end this way kung bibigyan niya lang ako ng pagkakataong magpaliwanag.
"B*llsh*t!!! Ano pa ba ang totoo sa'yo ha? Hindi ka naman retokada pero ang lahat sa'yo ay peke. I heard everything that I need to and nothing you will ever say would ever change the fact na gin*go mo ako Ara. Gin*go niyo ako at pinagmukhang tanga. F*ck!!!"
"I'm sorry, I'm really sorry." tanging nasabi ko na lang dahil naiiyak na ako ng sobra at hindi ko alam how to explain. Explain in a way that he would understand. Kasi at this point masyado ng sarado ang utak niya.
"Yeah, you better be dahil simula ngayon, ay wala ka na para sa akin. It's like you never existed."
"Please Jake, don't do this to me. Just please hear me out first. Maniwala ka naman na mahal na mahal kita at totoong minahal talaga kita." I begged at wala na akong paki kahit magmukha man akong tanga. I can't lose him dahil lang sa maling akala.
"Oh, cut the crap Ara and spare me the bulls*it. Dalang dala na ako kaya hindi mo na ako mabibilog ngayon. Umiyak ka man ng isang drum diyan ay wala na akong paniniwalan pa sa mga sasabihin mo." he said with finality in his voice.
Gumuho ang lahat sa akin matapos niyang sabihin un. Wala na, talagang finish na. Hinding hindi ko na maipapaliwanag pa ang side ko. He will never know the real truth because he refuses to listen. Akala ko pa naman dapat innocent until proven guilty but in this case, guilty na ako agad at kahit siguro sinong magaling na abogado ang magtanggol sa akin ay hindi na mababago pa ang pananaw niya.
Andami ko nang nailabas na luha at mukhang wala atang balak ang mga ito na tumigil at alam kong kahit lumuha pa man ako ng bato ay hindi na nito maibabalik pa ang dating si Jake. Ang tanging lalaking minahal ko sa tanang buhay ko. At siyang bukod tanging nanakit din sa akin ng ganito.
He was about to walk away when he looked back and said.
"One last thing, Miss Marasigan, magkano?" hindi ko ito maintindihan. What is he even pertaining to this time?
"Ow, Hindi mo gets? How could I ever forget that you are a Peabrain? Well, let me rephrase the question then, magkano ang halaga na makukuha mo kapalit ang paibigin ako?" may pag-uuyam sa bawat katagang binitawan niya.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung paano dahil totoong may mga pinangako ang tatay niya sa akin. Ung nga lang tinanggihan ko na kani-kanina lang.
"You know what? Nevermind. Don't even bother. I don't even want to know anyway. A gold digger like you does not deserve the time of day. At ito tatandaan mo at sana itatak mo diyan sa makitid mong kokote, sinasabi ko sa'yo, huwag na huwag ka nang lalapit pa sa akin. Don't you dare dahil sinisiguro kong mapapahiya ka lang."
"Goodbye, Ara Celine Marasigan!"
Un na ang huli kong narinig bago siya lumisan. Kasabay nang pag-alis niya ang paglaho ng lahat sa akin......
Ang dignidad ko, mga pangarap ko at higit sa lahat ang taong pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...