Chapter 43 Caring for Him

91 1 0
                                    

Ara's POV

Kanina pa ako dito sa office at hindi ko man lang nakita ni anino ng magaling kong amo. It's quite unusual dahil dito na ata natira un. Maaga nadating at late na din nauwi. Minsan lang un nalelate o nauunang umuwi at un ay kung may ka-meeting siya sa labas. Pero sinaway ko ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu ano. Why do I even care? Dapat nga eh matuwa pa ako dahil sa walang mag-uutos sa akin ng pagkadami dami at walang mambwiwisit at sisira sa araw ko.

Ayokong ng abalahin ang utak ko sa mga walang kabuluhang bagay kaya buong umaga ay I kept myself busy na lang sa paggawa nang mga dapat kong gawin. Pero dumating na ung tanghali ay wala pa ding Jake na nagpakita sa office. I am starting to get bothered na. This is pretty unusual for a workaholic person like him.

Alam ko hindi dapat pero hindi naman ako ganun kasama para hindi mag-alala kahit na katiting man lang sa isang un. Kaya naman ayoko man ay napilitan akong tawagan siya. Subalit nakailang tawag na ako ay wala pa din nasagot so I decided to call his Dad instead.

"Uhm, Good Morning Mr. Santillan." saad ko.

"Good Morning Hija. How are you? Napatawag ka? Pinapahirapan ka ba ng anak ko?" sagot naman nito.

Kating kati na ang dila ko na magsabi ng oo pero pinili ko na lang na huwag magsumbog para sa ikatatahimik ng lahat. "Ay naku, hindi po. I just called lang po para sana to ask if you know where he is? Kanina pa po kasi siya hindi napasok eh. Hindi naman siya usually ganun."

Biglang natahimik sa kabilang linya at kung hindi ako nagkakamali ay may mahinang tawa akong narinig bago ito muling nagsalita, "Hmmmm....Is that concern I hear from you Hija?"

Natigilan ako sa tanong niyang iyon. Naku pagkatanda tanda na ay intrigero pa din. Kung hindi lang malaki utang na loob ko sa isang 'to eh malamang nabara ko na.

"No, Sir. I just have some papers here that he needs to sign. It is needed po kasi within today." dahilan ko na lang. Buti na lang at meron nga talaga. May nagamit tuloy ako na alibi.

"Hahaha. You don't have to be so defensive Hija. I was just messing with you. And to answer your question, asa Condo niya siya ngayon. Kakalipat lang ulit at ayon nga may sakit. Gusto pa nga sana pumasok pero buti na lang kamo at nakumbinsi ko na huwag na muna at kelangan niyang magpahinga. Since you have mentioned that he needs to sign the papers within today, you can just go to him and have him sign them. Also, if it's not that much to ask Hija, please check on him na din sana. Alam mo naman ang isang un, matigas ang ulo. Baka hindi pa kumakain o hindi kaya umiinom ng gamot niya."

Kakalipat? Saan naman kaya galing ang isang un? Anyway, matapos ang mahabang litanya nito at sa dinami dami ng sinabi niya ay isang pangungusap lang ang paulit ulit na tumatak sa utak ko.

"Please check on him."

"Please check on him."

"Please check on him."

Aba't talaga yatang may balak pa itong matandang 'to na gawin akong yaya ng anak niya? Biglang napukaw ang pagkakatigalgal ko ng bigla itong magsalita ulit.

"Hija natahimik ka na diyan? If it's that big of a deal to you, no worries. You do not have to do it. I was just thinking na since you needed to see him anyway, baka naman...."

Pakonsensiya pa lalo nito. Sarap pektusan sa bangs. "Naku, don't worry Mr. Santillan, it's perfectly fine. I can do that." pagtapos ko na lang sa pagddrama nito. Ngayon alam ko na kung saan namana ng isang un ung acting skills niya.

***A Few Moments Later***

Andito na ako ngayon sa harap ng pintuan ng condo niya siguro mga 15 minutes na din akong parang tanga na nakatunghay lang at nag-iisip kung kakatok ba o hindi. In the end, napagpasyahan ko ung una. Pero kanina pa ako katok ng katok, hindi man lang ako pinagbubuksan nito. Pinapainit talaga ng isang 'to ang ulo ko. "Huy yabang, buksan mo nga 'tong pinto mo kung hindi gigibain ko 'to." I know, unbecoming of a good employee pero wala na akong pakialam kanina pa ako muntanga dito at nababanas na ako.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon