Jake Grant Santillan
A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...
"Handa ka na ba?" Tanong sa akin ni Jared habang hawak hawak ang aking kamay at habang lulan kami ng eroplano pabalik ng Pilipinas. After namin kasi maayos ang lahat at magpaalam sa mga naging kaibigan namin doon sa nakalipas na mga taon ay napagdesisyunan namin na it's time to go back home.
"Oo naman Hun. Why wouldn't I be?"
"Alam mo na. We are coming back to work for his father at hindi imposible na ma encounter natin siya." Nakita ko ang takot at pag aalala sa mga mata nito habang binibigkas ang mga salitang un. Alam ko ang mga agam agam nito. Malaki pa din kasi ang insecurity niya kay Jared hanggang ngayon kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanya na parte na lamang ito ng mapait kong nakaraan. Kaya from time to time ay kelangan ko siyang iremind na wala siyang dapat ikabahala.
"You have nothing to worry about Hunny. I'm ready. You know that I love you right? Ikaw lang. You should know that by now." Sabay halik at yakap ko sa kanya for reassurance na siya namang nagpakalma sa kanya.
Jake's POV
It has been 5 years since she left me and I have heard nothing from her since then. Limang taon na rin nung kasama niyang nawala si Jared. 5 f*cking years. Masakit man isipin pero baka magkasama nga talaga silang dalawa. Hindi imposible knowing na may gusto sa kanya ang hayup na un. Ang galing lang din talaga niyang pumili ng tiyempo. Alam niyang broken si Ara kaya naman nagpaka-knight in shining armor siya dito. Ugh, up until know kahit ilang taon na ang nakakaraan ay kumukulo pa din ang dugo ko sa lalaking un. Ngayon kahit marinig ko lang ang pangalan niya ay tumataas ang altapresyon ko. Baka nga tuluyan na akong maging kriminal kapag nakita ko siya.
Ang hirap ng pinagdaan ko. Masasabi kong hindi talaga naging madali sa akin ang mga taong lumipas pero I can say din na sa limang taon na yun ay wala akong ibang ginawa kundi ang pagbutihin ang pag-aaral ko at ngayon nga ang trabaho ko. My Dad was relieved nang hindi na ako bumalik sa dating mga bisyo ko kahit tumingin sa ibang babae hindi ko ginawa. Well what can I say? I am a changed person now. Ara changed me so all I wanted to do after she left was to work hard para kung sakaling bumalik man siya ay karapat dapat na ako para sa pag-ibig niya.
I was busy with my thoughts when a call from my Dad interrupted me.
"Anak" wika nito.
"Yes, Dad?"
"I need a favor from you". Nagtaka ako kasi hindi naman ito talaga nahingi ng pabor sa akin. Must be really important.
"What is it about Dad?"
"Can you please pick up 2 persons at the airport today?" bungad nito sa akin.
"What for? I'm a busy person Dad and you know that. Marami namang taxi at saka may mga driver naman tayo hindi ba? Bakit ako pa?" Irritation is obvious in my tone. Laking sagabal sa ginagawa kong pagmumuni-muni.
"Anak, they will work for us and you will directly supervise them so I want you to build rapport with them as early as now." pagkukumbinsi pa nito sa akin.
"Psh. Pa-importante naman masyado ang mga iyan Dad. Balak pa akong gawing chauffeureh sabi mo nga ako ang magiging boss nila. Saan ka naman nakakita ng ganoon di ba? Ung amo pa mismo ang magsusundo sa mga tauhan niya." Medyo nabubwisit na talaga ako dahil isang malaking sagabal ang mga ito sa araw ko.
"Sige na Hijo, please? I am counting on you on this one and for sure matutuwa ka na pinagawa ko sa'yo ang bagay na ito."He said in his pleading voice na kahit kailan ay hinding hindi ko matitiis.
"Hay naku Dad, unless si Ara yan hinding hindi ako matutuwa. At saka ano ka ba, hindi mo na ako kelangan bolahin pa at malakas ka naman sa akin. Sige, I'll go ahead na." may pagsuko na sambit ko dito. Sino ba naman ako para tanggihan ang pakiusap ng tatay ko.
"Thanks, Son."
*** End of POV***
Ara's POV
"Jared, gising na. We are here. Mr. Santillan said someone's gonna pick us up." untag ko sa kanya. Ang sarap ng tulog eh. Napanatag na kasi after kong yakapin at halikan. Haha.
"Okay, but are we working already? Kakarating lang natin ah."Reklamo pa nito. May jetlag pa ata. Eh parehas lang naman kami merun. Minsan talaga may pagkareklamador din ang isang ito.
"No, Hun. Papakilala lang tayo then we can go home and start the following day. Sabi ko nga we can hire a cab na lang eh kaso he was very insistent so in the end, I agreed into it na lang para end of discussion na."
"Okay sige. Let's go and pick up our luggages then." ayon biglang sigla ulit ng malaman na bukas pa kami magsisimula. Natamad pa ata bukod sa pagod. Nga naman sino ba ang gugustuhing magtrabaho after several hours of flight.
-------------------------------
"Celine, I got my luggage already. How about you?"
"Got it too Hun. Now let's look for the person who will pick us up."
"Okay, ano daw ba itsura nun?" Jared asked me.
"May nakikita ka ba na naka suit na dark blue? Siya daw ang sundo natin eh. Syala hindi ba? Naka suit pa ang driver nila." I answered him back.
"Actually, parang meron na Hun. Ayun sa bandang unahan oh naka shades pati siya, pero wait a minute, he looks uncannily like....." sabi ni Jared na hindi masyado mamukhaan ung tinuturo niya kasi malabo ang mata nito kapag nasa malayo kaya naisipan ko na ako na lamang ang tumingin kaya nilipat ko ang mga mata ko sa direksyon na tinitingnan niya. At bigla akong natigilan at nahindik sa nakita ko.....
"OMG, Hun. It's HIM."Panic can be heard from my voice when I uttered those words.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.