Ara's POV
Nandito ako ngayon sa klase na naninibago kasi hindi man lang ako kinukulit ni Jake, ni hindi man lang nga ako kinakausap nito o di kaya'y tapunan man lang ng tingin ay hindi niya magawa. I feel bad pero sino ba naman kasi nagsabi sa kanya na maghintay siya ng ganoon katagal? Ang tanga tanga lang talaga. Psh, ako lang daw ung Peabrain sa amin sa lagay na 'to ha.
Dahil sa mas malalim pa sa balon ang iniisip ko ay hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na pala si Jared.
"Ara, are you okay?" May pag-aalala nitong tanong sa akin.
"Uhm, yes okay lang ako Jared. Thanks for asking."
Hindi niya na ako nakulit kasi dumating na ang aming guro. Wala pa din ako sa sarili kaya 'di ko namalayan na lunch na pala at ambilis lumipas ng oras nang hindi man lang ako na-iinform.
"Ara, wanna go out for lunch?" Jared asked me and right when I was about to answer nang biglang may humigit sa kamay ko at nagsabing....
"NO, she is not going anywhere with you. Not on my watch" sabay hila sa akin palayo doon.
"Ano ba Jake, nasasaktan ako." Protesta ko dito.
"Did you ever think kung ako ba nasasaktan mo na din ha?"
"Huh, what are you talking about?" May bahid ng pagkalito na tanong ko dito kasi parang ang aga aga na namang mabangag na isang 'to. Katol pa more talaga.
"Look, I did not talk to you the whole morning because I was hurt and I was hoping that you would apologize for taking me for granted, for making me wait for 4 freaking hours. Pero wala eh, in the end ako pa din talaga ang titiklop sa'yo. Don't you get it Babe? I was just waiting for you to approach me tapos makikita ko na lang na popormahan ka nung ungas na un? I can't stand seeing you with that guy, let alone see you go out with him!!!! Makakapatay ako Ara."
I can see anger and pain in his eyes at may kung anong kumirot din sa puso ko seeing him like that and knowing it was me who caused him all those emotions.
"Okay, I'm sorry. I did not know you were serious when you said that and I did not expect you would actually wait that long. Uhm, ganito na lang, let me make it up to you if you'd like?"
He was like in coma for several minutes. I guess he did not expect that to come from me. "Huy, yabang bakit parang naparalyze ka na diyan?"
"Really, you would make it up to me?" With a playful smile on his face.
"SANTILLAN! Ang MANYAK MANYAK MO!"
"What? I did not even say anything nasty. Ikaw nga diyan ang green minded eh. If I know matagal mo na akong pinagnanasahan." Bipolar ang lintik. Kanina lang ay galit na galit pero ngayon naman ay maloko na ulit. Tama nga ako na matutuyuan lang ako ng matres sa kanya. Masasayang lang ang bahay bata ko dito kapag kami ang nagkatuluyan.
"Argh. Nevermind! I got to go". Medyo nahiya kasi ako sa ginawa ko kaya dapat tumakas na ako at paniguradong buong araw na naman ako maiinis sa mga pang-aasar nito.
"Wait Babe, I was just kidding. Please don't leave me. Have lunch with me?" may kasama pang pagpapa-cute na wika nito.
"Okay, sige." As if naman kasi hindi matutuloy kahit na hindi ako pumayag. This guy clearly doesn't take NO for an answer.
The lunch went well na walang dumadanak na dugo. I must admit he was really sweet during the whole time and medyo naninibago ako kasi I did not expect that he has that other side in him.
Matapos ung klase ay napapayag niya ako na ihatid as if naman hindi lang magkatapat ang bahay namin. Ewan ko ba pero parang everytime kakausapin ako ni Jared ay hinaharang niya. Muntanga pero nakakaaliw ung mga pinaggagawa niya. Like when Jared asked me if may kasabay akong umuwi biglang umubo sabay sabing...
"Ako pare, got a problem with that?" Oh hindi ba? Ang warfreak lang talaga. Nakakahiya tuloy dun sa tao. Nagmamagandang loob lang naman sana.
Tahimik lang ako sa buong biyahe. Medyo naiilang na kasi ako dahil sa sweetness na ipinapakita niya. Laking ginhawa ko nang makarating na kami sa bahay. Kanina pa kasi ako kinakapos ng paghinga doon sa loob ng kotse niya.
Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at iginiya papasok ng bahay. Nasa tapat na kami ngayon at hinihintay niya na lang ako na pumasok.
"Sige Babe, pasok ka na."
"Okay, thank you sa paghatid. Pasok ka na din sa inyo."
When I was about to get inside, he pulled me close to him. My legs are literally shaking because he was so close to me now like isang tulak na lang ay mahahalikan ko na ang mapupula niyang labi.
"Oh tukso, layuan mu ako" sabi ng napakalandi kong utak. Mas lalo kasi itong gwapo kapag sa malapitan. Bigla tuloy akong napahawak sa panty ko para tignan kung nahulog ba ito or nakakabit pa.
"Yabang, ano gagawin mo ha? Subukan mo lang talaga at nang hindi kana sikatan ng araw bukas." Pero instead na matakot mas lalo pa itong lumapit at ngayon nga ay amoy na amoy ko na ang mabango niyang hininga. The next thing I heard made my heart skip a beat.
"You know what Babe, your violence is really turning me on."
I was scared for my mere existence. Haha pero kidding aside, naubos ata lahat ng dugo sa katawan ko. Putlang putla ako sa sinabi ng walang hiya kaya tinulak ko siya ng malakas at dali daling pumasok sa bahay.
I heard him chuckle outside. "You're really cute Babe, goodnight. I'll pick you up tomorrow, okay? I Love You."
Ano ba ang ginagawa sa akin ng mahangin na 'to? Para kasing may nagkakarera sa dibdib ko everytime humihirit siya ng ganoon. Peste talaga, tuwang tuwa pa na halos malagutan na ako ng hininga kanina. Cute pa daw ako. Hayup lang.
Ayokong isipin, natatakot ako baka kasi hindi niya ako saluhin kapag nahulog ako.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...