Chapter 38 The First Day

77 1 0
                                    

Ara's POV

Napamulat ako nang may mahinang tapik sa balikat akong naramdaman. "Hun, gising na. It's our first day, remember?" At akmang hahalikan niya sana ako sa labi pero agad ko din inilayo ang aking mukha sa kanya na labis niyang ipinagtaka.

"Anything wrong Hun?" kunot noong tanong pa nito sa akin.

"Wala naman." Sagot ko dito.

"Ganoon naman pala. Eh bakit ayaw mong magpahalik ha?" Nakataas kilay niya na wika sa akin.

"Hun naman eh, hindi pa ako naka toothbrush, ano ka ba? Later na ha." natatawa kong sambit sa kanya sabay tayo sa kama at direstso sa banyo.

------------------------------------------

Papasok na ang kotse ni Jared sa loob ng building. Pinapauna niya na ako sapagkat maghahanap pa daw siya ng mapaparkingan.

Patungo na ako sa may elevator nang may pamilyar na pabango ako na naamoy sa may likuran ko. Lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ako maaring magkamali kung sino kahit hindi ko pa man ito lingunin. Hindi pa din pala niya pinapalitan ang gamit niya. Sa pangamba ko na makasabay na naman siya ay binilisan ko na lang ang paglalakad at halos panawan pa ako ng ulirat sa kaba sapagkat pababa na ang elevator at hindi man lang dumarating pa si Jared o kahit sino na lang sana para hindi ko lang makasama ng nag-iisa ang lalaking ito. I just can't bear another awkward ride with him.

Naputol ang mga panalangin ko nang bigla itong tumikhim at nagsalita ng mariin, "Good Morning Miss Marasigan. You seemed busy with your thoughts at tila hindi mo yata ako napansin?" Saad nito. Kakaloka nakasunod na pala ito agad. 

"Uhm, Go-od, Good morning Sir

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uhm, Go-od, Good morning Sir." I answered stuttering. Sakto naman na biglang bukas na ang pinto. Ang saya. Umayon pa talaga ang tadhana.

**Note my sarcasm** 

Panigurado ito na naman ang pinakamatagal na sandali ng buhay ko. Siguro kung may pagkakataon lang na maisasadula ang buhay ko sa MMK, pwedeng ELEVATOR ang maging titulo nito.

"Aish, Miss Marasigan, are you coming up or not?" He impatiently uttered na siya naman nakapukaw sa medyo natutulog ko pa na diwa.

"Yes, Sir." sabay pasok ko sa napipintong kapahamakan. Minsan patawa lang din talaga ang mga kabaliwan ng isip ko.

"Are you sure you are okay to work today Miss Marasigan? You seemed spaced out? May jet lag ka pa ba? O hindi naman kaya, natetense ka na kasama ako? Don't tell me gusto mo na ako niyan?" Sabi nito na 'tila ba may kasama pang pangungutya ang tono ng pananalita niya.

"Oo gusto kita. Gustong gusto kita." Hindi niya ata inasahan ang sagot ko kaya parang siyang natuklaw ng ahas at hindi agad nakakibo. Buti nga. Inunahan niya ako ng kalokohan niya eh kaya I'm returning the favor.

Nang nahimasmasan ito ay puro kahanginan na naman ang pinagsasabi. Sarap kutusan. "I knew it. You can never resist my charm. Just like before." Confident pa na tugon nito sa akin. Jusko GGSS ang hinayupak.

"Bwisit na lalaking 'to. Hanggang ngayon mahangin pa din." Naaasar na bulong ko sa aking sarili.

"Were you saying something Miss Marasigan?" Tanong nito na bigla ko namang ikinatakot. Sana ay hindi niya narinig ang mga sinabi ko.

"As I was saying earlier, you are right. Gusto talaga kita.


























Gustong gusto kitang sakalin." kung kanina nag-atubili pa ako sa mga sinabi ko ngayon naman ay huli na para marealize ko na boss ko pala ang kaharap ko. Hayup eh kaya hindi na talaga ako nakapagtimpi.

"Magagalit na sana ako sa kapangahasan mo Miss Marasigan but then I remembered how cute you were when you said those words. Anyway, anything else bothering you?"

"Nothing Sir and yes, to answer your question earlier, I am completely fine." Pagkatapos nun ay nanahimik na ako. The nerve talaga. Parang utang na loob ko pa sa kanya ang pagpapalagpas niya sa pagsagot ko. Nababanas na naman ako sa isang ito. Paano kung ano ano na namang kabalbalan ang pinagsasabi. Sinagot ko lang naman with all honesty ah. Anyway, buti na lang kamo at after nun ay hindi na siya nagsalita pa siguro he can't find the right words to say na din. Which is to my advantage, ayoko din naman na makipag small talk sa kanya ano. There's just nothing to talk about.

After what I thought was eternity again, ay nakarating na kami sa aming palapag. Nauna nga siya pero nag-iwan naman ito ng mga katagang ikinagimbal ko. "Please proceed to my office." As if hindi pa enough ung torture kanina, dadagdagan pa niya talaga. Saka ang arte ha pwede naman niyang sabihin kanina ang nais niya tutal ay kinausap na din naman niya ako.

Bahala siya sa buhay niya. Hindi muna ako sumunod sapagkat hinihintay ko pa si Jared. Ayoko naman na kung ano ung isipin niya. I just have to let him know what that boss of ours wants me to do. Kundangan naman kasi na hindi nito sinasagot ang mga tawag ko. Busy pa din ako sa kakatawag nang makita ko na iniluwa ng pintuan niya si Jake na matalas na tingin na ang ipinupukol sa akin at para bang sinasabi nito na ayaw niyang pinaghihintay siya. Kaya naman nataranta ako bigla. Bahala na nga, itext ko na lang si Jared.

 "Hun, I'll be in Jake's room. He wants to talk to me daw. Don't worry, about work naman un for sure. See you later and good luck for today. I Love You!"

Kumatok muna ako bago pumasok. Nang nakapasok na ako ay hindi pa din maipinta ang mukha niya. Tinotopak na naman ata samantalang kanina ay okay pa siya ngayon naman ay banas na. Sala sa init, sala sa lamig talaga ang isang 'to.

"Take a seat." utos nito sa akin na bigla ko namang sinunod.

"I called you in because I want to discuss with you the nature of your job. I understand that you expect to be in Media and Advertising. But as of the moment, my secretary has a family emergency and I badly need one. Kaya naman in the meantime, you will be my personal secretary until she is back of course."

Bigla akong nagpanic deep inside. 

"You will be my Personal Secretary."

"You will be my Personal Secretary."

"You will be my Personal Secretary."

Paulit ulit 'yan na nag-play sa utak ko. Anong kahangalan na naman kaya ang pinagsasabi ng lalaking 'to? Nahihibang na ata talaga. Kaya hindi na naman ako nakapagtimpi. "Why me?" Tanong ko na sinagot naman niya nang nakakalokong "Why not?".

Hindi pa ata nauubos ung galit nito sa akin at balak pa talaga akong pahirapan. Naku ha, it's been 5 years, at ika nga ni Neyo "Move on Boy" (Move on Girl original title).

Great. Just Great. So much for my First Day.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon