Chapter 33 Most Awaited

98 1 0
                                    

Ara's POV

Nakita kong parang natigilan si Jake siguro katulad namin ay wala din siyang ka ide-ideya kung sino ang susunduin niya. Kainis naman itong tatay niya. Playing Cupid pa ang peg ngayon? Hindi naman lingid sa kaalaman niya na kami na ni Jared ah. So ano ang paandar niya at si Jake pa talaga ang inutusan niyang sumundo sa amin? Siguro umaasa pa itong magkakabalikan pa kami ng Anak niya. Pero he knows very well naman na imposible ng mangyari un. I can't blame him though, alam kong hangad niya lang din ang kaligayahan ng anak niya. Pero naman sa tinagal tagal na panahon, wala pa ba itong nahahanap na iba? Eh hindi ba nga nung bago ako umalis ay sila na ulit ng medusa na un? Ano kaya ang nangyari? Anyway, not like it's my business pa, hindi ko na dapat iniisip iyan. Hayyy, kung hindi lang talaga ito ang tumulong sa akin at wala akong malaking utang na loob dito ay malamang tinawagan ko na ito at pinagtatalakan. Nang nilingon ko naman itong katabi ko ay nakatulala din gaya nung isa. Parang mga timang.

"Uy, Hun, Okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka at nanlalamig? Ung totoo, kayo ba ni Jake ang may nakaraan ha? Ahaha." I said jokingly as I just want to make things light for the both of us. Makikita mo kasi sa mukha nito ang hindi matatawarang takot at pangamba. 

"Hun naman eh. Dinadaan mo na naman ang lahat sa biro. Alam mo naman na ito ung araw na pinaka ayaw kong dumating. Natatakot ako." Madamdaming tugon nito sa akin. At kahit hindi niya pa iyan sabihin sa akin, alam ko na. Sa tagal ba naman naming magkakilala ay malamang na kilalang kilala ko na ito. Hindi niya kayang itago ang emosyon niya and like I said, his face says it all.

"You're scared of what? Na bumalik ung nararamdam ko sa kanya? Na magkabalikan kami at iwan kita?" Oh dba, alam ko na agad? He is very transparent kaya basang basa ko ang laman ng puso't isipan niya ngayon.

"Masakit man isipin pero oo." I saw pain in his eyes and I feel bad kasi kahit wala akong ginagawang masama, my past will always haunt him and will always be his greatest insecurity.

"Jared, makinig ka nga sa akin. Do you trust me?" I asked him while cupping his face. My heart aches for him. He does not deserve to get hurt like this.

"Of course Hunny. With all my heart."

"Ganun naman pala. Then you have got to trust me when I say that I did not commit to a relationship with you para lang makalimutan si Jake. I said YES because I was ready to love again. I said YES dahil mahal kita. Hindi ka basta panakip butas lang at mas lalong hindi kita ginagamit lang. Natutunan kitang mahalin dahil ikaw ay ikaw at hindi dahil sa mga nagawa at magagawa mo pa para sa akin. Kaya wala kang dapat na ikabahala. How many times do I have to tell you that? Para lang maniwala ka lang. Halika na nga, kanina pa ata naghihintay ung isa dun. Tingnan mo nakabusangot na at mukhang onti na lang ay uusok na ang ilong nito."

Before we walked towards Jake, Jared held me in his arms, kissed my temple and gently whispered, "Thank You Hun. Always remember that I love you so much."

Jake's POV

Kanina pa ako nabuburyong dahil wala pa sila eh kanina pa nakalapag ang eroplanong sinasakyan nila. Asan na ba kasi ung mga taong un? Masyadong pa-VIP. Tsk. Waste of time talaga. Ako na nga na amo ang sumundo aba matindi, pinaghihintay pa ako.

Inip na inip na talaga ako kakahintay kaya naman nilibot ko ung mga mata ko sa Arrival area baka sakaling makita ko na sila. My patience is really running thin hanggang sa may namataan akong dalawang tao na patungo sa kinaroroonan ko ngayon. Noong una, hindi ko pa maaninag hanggang sa it all became clear to me. Her beautiful face is slowly getting closer to where I am. My heart is pounding so fast kaya nasisiguro kong siya iyon dahil kilalang kilala siya ng puso ko. Ang saya ko ay walang mapagsidlan but I did not expect that such happiness would be short-lived.

Paano kasi ang lalaking kinamumuhian ko lang naman ay nakabuntot na naman sa kanya. Hanggang ngayon ba naman ay ganoon pa din ang gawain niya. Pero teka, bakit sila magkasama? Sila ba ang susunduin ko?

F**ks**t naman kung paglarauan ako ng tadhana, matindi. Limang taon na nga akong nangulila 'tas ung moment na matagal ko nang pinakahihintay, un pa ang yayanig sa buong pagkatao ko. Ung ilang beses kong pinanaginipan na pagtatagpo ay naging bangungot at higit sa lahat, un pa ang sisira sa natitirang pag-asa ko.

Ang sakit. Buti sana kung bumalik sila as friends pa din gaya noon. Siguro mas matatanggap ko pa kung ganoon nga. Pero hindi eh. Hindi naman ako tanga at mas long hindi ako manhid para hindi makita na may relasyon sila. Hayup na lalaking 'to. Alam ko namang matagal na siyang may gusto kay Ara. Ang hindi ko lang talaga maatim is ung time na nagkalabuan kami nito ay nakakita naman ang ahas na 'to ng pagkakataon para lang maagaw sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Sinundan niya pa talaga ito sa kung saan mang lumalop para sulutin. How desperate and low he really is.

Pero hindi ako papayag. I did not wait this long para mauwi lang ang lahat ng paghihirap ko sa wala. Tama na ang limang mahabang taon na pagdurusa ko. Kailan man ay hinding hindi ko isusuko itong pag-ibig ko sa kanya. Ngayon pang handang handa na ako. Ngayon pang naayos ko na ang buhay at sarili ko. Kaya naman, tama lamang na kunin ko kung ano ung nararapat sa akin. So, humanda ka Jared Sarmiento,



"I am ready to claim what is rightfully mine."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon