Chapter 48 Our Happy Ending Pt. 1

115 1 0
                                    

Jake's POV

Excited pa naman sana akong gumising kasi my happiness is just overflowing because of what happened last night. She gave herself to me. That's really the greatest gift I have ever received. Walang kahit anong material na bagay ang makakatumbas nito. To top it all, she kept her promise a long time ago na when the time is right, she's gonna give herself to me. ONLY TO ME. Subalit ang saya ko ay napalitan ng kawalan nang akmang yayakapin ko siya, ay wala akong makapa na Ara sa tabi ko. Ganun ba niya pinagsisihan ang nangyari sa amin at hindi man lang ako nito hinintay na magising? Na-realize kaya niya na si Jared talaga ang mahal niya at nadala lang siya sa sitwasyon? Hayyy, mababaliw na ako.  

I searched the whole place pero wala talaga. When I tried to reach for my phone sa dresser, I saw a note.

"Psst yabang, didn't want to wake you up. Just letting you know, I am applying for a one week leave. May importante lang akong aasikasuhin."

Bigla kong nilukot ang papel sa inis ko. What could be more important than settling the real score between the two of us? Aish. Peabrain, where the hell did you go?

I then grabbed my phone so I can call her. Unattended. Damn it talaga. Asan siya? Naiinis pa din ako ng makatanggap ako ng mensahe.

"Sir, thought you should know. Ara called me to ask for Jared's address in Cebu kanina. I'm sorry po, ayaw ko sana gaya ng mahigpit niyo na ipinagbilin kaso mapilit po talaga siya. Sosorpresahin daw niya ito kaya napilitan na lang akong ibigay. Sorry po talaga."

Text sa akin ni Mr. De Leon na ikinainis ko ng sobra. 'Yan na nga lang pinapagawa ko, hindi pa magawa ng tama. Bakit andaming incompetent sa mundo? Kung hindi lang ito matagal na sa kumpanya ay malamang sinisante ko na ito.

I need to go to Cebu real quick kaya pinahanda ko ung personal chopper ko para makapunta agad. Kapag nag commercial flight pa kasi ako ay baka abutin ako ng siyam siyam.

----------------------------------------

Nakakapagod pero hindi ko ininda un. Ang importante sa akin ay ang makita at makausap ko siya.

Kakarating ko lang sa labas ng condo ni Jared nang makita ko silang papalabas ni Ara na magkahawak kamay. Kaya nagkubli muna ako sa likod ng pader para hindi nila ako makita. Nang makalagpas na sila sa kinaroroonan ko ay napagpasyahan kong sumunod. Sadista ata talaga ako, hindi pa nakuntento sa masakit na tanawin, susundan ko pa talaga.

Pumunta sila sa may I.T. Park at nakita ko kung paano umiyak si Ara ky Jared. Baka naguilty sa nangyari sa amin kaya humihingi siya ng despensa? Ang higpit pa ng yakap niya dito samantalang ito naman ay inaalo siya.

S*it lang.

Ang sweet nila.

What a sight to see.

Siguro nga mahal talaga nila ang isa't isa at ubod ako ng sama sa pagtatangkang pagsira at paghadlang sa pagmamahalan nila. Nagawa ko pa talagang kunin ang pagkababae niya. Baka hindi niya inilaan sa akin un at talagang iningatan niya ang kanyang sarili para kay Jared. I never knew that loving her so much can turn me into a monster. Kaya siguro ito na ang cue ko to give up. I am not totally giving up my love for her but I am giving her the happiness she deserves.

Ang sakit lang. Namatay na ata ang puso ko. Isama niyo na din ang buong pagkatao ko.

Laglag ang balikat na umalis ako doon. There's no reason to stay.  Nawalan na din ng saysay ang pagpunta ko dito. Nakuha ko na ang sagot na hinahanap ko. Gusto ko lang pala talagang masampal ng katotohanan bago ako matauhan ng tuluyan. Hindi muna ako didiretso ng Maynila. Doon muna ako magpapahatid sa resthouse namin sa Batangas. Gaya noong una niya akong sinaktan. Itong lugar na 'to ang nagsisilbing refuge ko tuwing kelangan kong mapag-isa at makapag-isip.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon