Jake's POV
Buong gabi akong hindi nakatulog. I am thinking if I would still go with my plan sa Impromptu namin ngayon kasi kaka sorry ko lang sa kanya kahapon. It would be very contradicting. Naka schedule na kasi ang mga plano ko eh. Hinda ba nga nag brainstorming pa ako ng nakaraan para lang dun. Pero bahala na nga, I'll see where it goes na lang mamaya.
Pagdating ko ng school, naasar na naman ako ng maalala ko kung nasaan kami ngayon.
What I don't understand really is why do we have to be here sa Auditorium para sa stupid na Impromptu na ito? Pwede naman na sa classroom lang. Gusto talaga ung tipong may pa event si mayor.
Oh well, siguro I will not go with my plan na lang kasi parang hindi ko naman na kaya. Ayoko ko nang maging bida sa Despicable me o hindi kaya sa Monsters Inc. sa paningin ni Ara kaya ititigil ko na ang mga kahibangan ko. Kasehodang masayang ang isang gabing pag uubos ko ng brain cells sa pagbebrainstorm.
Speaking of that Woman, nasaan na kaya iyon? Kanina ko pa hindi nasisilayan. So I decided to look around at nang inilibot ko na ang aking paningin sa paligid ay may nakita akong hindi kanais nais. Paksyet naman talaga oo, bakit magkasama na naman sila ng Jared na un at ngayon nga ay hawak hawak niya pa ang kamay ni Peabrain? And you know what's worst at ung nakaka g*go sa lahat? Nang dahil sa pagiging usisero ko ay dinig na dinig ko lang naman ang usapan ng mga ito.
"Jared, kinakabahan na talaga ako. I'm not used to this. Ako na ung next oh."
"Don't be scared Ara, andito naman ako for you. Plus tingnan mo lahat naman tayo magsasalita in front eh, hindi lang ikaw. Kaya mo yan. I will be cheering for you."
"Thanks ha, buti na lang talaga andiyan ka para pagaanin ang loob ko. Sige akyat na ako ha, tinawag na ako eh."
This is B**ls**t, really. May pahalik halik pa sa noo na nalalaman ang hinayupak na ito. Hindi pa talaga nakuntento sa paghawak lang sa kamay? Ung Peabrain naman na un ay tila nag-eenjoy pa. Kaya naman nakapag decide na ako, I'll just go as planned. You made me do this Woman. Kung hindi ka sana lumandi ay hindi ko na itutuloy ito. You have just pushed me to my limit.
Ara's POV
Nanginginig na talaga ako sa kaba habang nasa harapan ng maraming tao, nakabunot na din ako ng topic at eto nga un: "To Err is human. To forgive is divine. Discuss."
I was about to give my answer, when all of a sudden, something cold and reddish fell into my head. For a while, parang tumigil ang inog ng mundo ko at ang tanging naririnig ko na lamang ay ung nakakabinging tawanan ng mga classmates ko. When I looked up, I saw the culprit, and it was no other than the monster Jake.
Sobra na talaga siya, hindi ko alam na ganoon pala kalalim ang galit niya sa akin para ipahiya niya ako ng ganto. Dito pa talaga sa Auditorium gumawa ng eksena. Of all the days he could have chosen to embarrass me, ngayon pa. Naging sentro tuloy ako ng katatawanan.
My tears started to fall. This is not what I came here for and I did not sign up for this role. Ang maging kahiya hiya sa harapan ng maraming tao ay hindi ko kailanman pinangarap so before I further lose my dignity, I decided to walk away.
Pero hindi pa man din ako nakakalabas ng tuluyan ay may biglang nagsalita na ikinatigil ko.
Jake's POV
Dammit, I don't know what came up to me bakit ko nagawa sa kanya 'to. Siguro nga "Hell hath no fury like a man scorned" ang peg ko. And I know it's too much because now she is crying endlessly and is starting to walk away. I started to panic but before she could totally get out of the auditorium I decided to speak.
"Hey, Peabrain, sandali lang. I don't know if you could still forgive me this time since I acted like a real Jerk. You don't deserve to be treated this way. Believe me I know. Noong una, I admit I was really mad since no one dares to answer me back so natapakan mo ng sobra ang ego ko kaya I wanted to get even. Pero noong nagtagal na, I am starting to get amused by the way you look everytime na naaasar ka sa akin. At first, akala ko sadista lang ako, pero kalaunan na realize ko na kaya pala ako masaya dahil napapansin mo ako everytime na kinukulit kita. I was so in denial kasi nga ayaw ko lalong lalo na sa isang tulad mo lang ako magkakaganito."
Ang tarantado ko talaga kahit kelan kung ano ano na naman ang lumabas sa bibig ko. Ayan tuloy, mukhang hindi ito natuwa sa mga narinig niya kaya nagsimula na itong maglakad palabas ulit.
"Wait don't walk out on me yet. Ara Celine Marasigan, busog na busog na ako."
Then she shouted, "Pakialam ko kung busog ka. Ayon sa tapat ang banyo, ilabas mo. I've had it na talaga kaya kung wala ka nang sasabihing maganda ay aalis na ako. Bago pa ako tuluyang maging laughing stock dito."
"I said let me finish." With a little irritation on my voice. "Psh so impatient. As I was saying, busog na busog ako kasi kinain ko lahat ng sinabi ko noon. After what I saw earlier between you and Jared, I can finally admit no matter how hard this is.......
It took me a while pa bago tapusin ang sasabihin ko kaya naging impatient na naman ito. "Ano na, kaya today? O maghihintay pa ako ng eternity para masabi mo iyang gusto mong sabihin?"
"Damn, eto na nga eh. Ang atat mo naman. In front of every one here, I want you all to know that I have fallen for the Peabrain." Then I turned to her kahit hindi pa din ako nito hinaharap. "And as for you Woman, I have fallen deeply in love with you. I Love You Ara Celine Marasigan."
Dinig na dinig sa buong Audi ang hiyawan ng mga kaklase namin pagkatapos ung unexpected confession kong un. Well, what can I say? They did not call this activity Impromptu for nothing.
Ara's POV
Ano daw? Mahal niya ako? Sa dami ng sinabi niya, un lang ata naintindihan ko. Hayup na un. Kung dati naiinis ako sa tuwing pinapahiya niya ako, ngayon kahit mahirap man aminin kasi napahiya ako ng sobra kanina, natabunan na lahat ng un ng kilig. Pero siyempre dapat hindi ko ipahalata. Nakakarami na din siya sa akin kaya dapat mahirapan din siya no. I won't go easy on him. Ano siya sinuswerte? So I just said.
"Lakompake. Ewan ko sa'yo. Manigas ka diyan!!!" then I walked out.
Jake's POVPotek na un. She is really something. Un lang talaga ang sinabi niya after ng mahaba kong speech. Hindi pa man ako nanliligaw mukhang nabasted na ako ah.
Pero grabe ang cute niya lang talaga. Akala ata nun ay madadala ako sa pinakita niyang katarayan. Akala niya susuko na ako ng ganun ganun na lang. Pwes, nagkakamali siya. Ngayon pang nasiguro ko na ang feelings ko. Sisiguraduhin kong hinding hindi na siya makakawala pa sa akin.
Saka kahit gaano niya itago ay hindi ako tanga lalong lalo na hindi ako manhid para hindi maramdaman na kinilig siya sa mga sinabi ko. Kaya nga siya na speechless eh. Tsk.
Anyway, what do I expect? She is a Peabrain. My Peabrain. At sa ayaw at sa gusto niya ay magiging akin siya.
That thought brought a smile to my face.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...