Ara's POV
Ilang linggo na ang nakakaraan ng huli naming pag-uusap. Ewan ko ba kung matatawag ngang pag-uusap un dahil hindi naman kami nagkaintindihan. Hindi ko pa siya nakikitang muli dahil hindi na siya pumasok simula ng malaking pasabog na un na dinaig pa ata ang bombing sa Hiroshima.
Ganoon niya ako kinamumuhian dahil ni anino ko ay ayaw na ata nitong masilayan. Wala naman din akong ideya kung saan siya naroroon. Masyado na akong makapal kung tawagan at itext ko pa siya para magtanong ng whereabouts niya. Dahil apparently, I no longer have the right.
Ang sakit.
Ang sakit sakit pa din.
Mahal ko pa siya at hindi man lang 'to nabawasan sa nakalipas na mga araw. I have been like this for the weeks that have passed without seeing him. It's like I am alive but not actually living. And you know what's worst? Ung araw araw akong parang mababaliw kakaisip sa kanya.
Nakalipas na naman pala ang kalahating araw nang hindi ko namamalayan. Paano ba naman the whole time lang naman akong lutang sa klase at ngayong lunch na pala ay mabibigat ang paa kong tinungo ang cafeteria.
On the way there, I became so bothered nang may marinig akong mga bulong bulungan. All of which are not pleasing to my ears.
"Uy, narinig niyo ba? Papasok na daw ngayon si Jake." -Mosang 1
"Oo naman ano at eto pa girl ang matindi, kaya pala nawala ng ilang linggo kasi dumating ung Ex niya." -Mosang 2
Bigla akong nabuhayan ng loob nang marinig kong papasok na siya. Ilang linggo din ako parang tanga na naghihintay sa pagbabalik niya. Kahit alam kong wala ng patutunguhan ang nararamdaman ko para sa kanya ay umaasa pa din ako na sana ako pa din. Na sana mapatawad niya na ako. I have been longing for this day to come.
At ngayong dumating na ang panahong un, napagtanto ko na kahit hindi ko na siya maka-usap basta masilayan ko man lang sana siya ay sapat na para sa akin.
Pero on the other hand, I was confused. They were talking about the Ex na bumalik, eh hindi naman ako umalis ah?
But then again, sa bandang huli ay narealize ko na nag feeling ako doon. Isang ex lang naman niya ang kilala ko.
"Ah, ung Natalia ba?"-Mosang 1
"Yep at balita ko ubod ng ganda at sexy daw nito saka dito na din pala papasok un para tapusin ang 4th year niya." -Mosang 2
Jusko kung hindi lang kasalanan ang pumatay eh malamang kanina pa malamig na mga bangkay ang mga tsismosang 'to. Napaka dense lang. Alam naman nilang may nakaraan din kami ni Jake and to think nasa likuran lang nila ako para mag-usap sila ng ganyan. Talagang nakakapanginig ng laman.
Mga mahadera talaga. Nananadya masyado. Pasalamat sila I came to my senses pa kundi sana ay nagkamustahan sila ng sahig dahil ingungudngod ko lang naman sila sakaling hindi ako nakapagpigil dahil sa mga parinig nilang un.
Umalis na lang ako doon bago pa ako tuluyang maging si Ruby, ang bida kontrabida. Ngunit nang papunta na ako sa classroom ay isang napakasakit na tanawin naman ang aking nasaksihan....
Si Jake papasok at naglalakad kasabay ang nakalingkis na Kambal ni Zuma. Infairnes, maganda at sexy nga talaga siya pero mukhang payaso sa kapal ng make up at may pagka-impaktita ang awra. Hindi pa ako masyadong bitter niyan sa pagkaka-describe ko sa kanya ha. Nagiging totoo lamang ako sa mga obserbasyon ko sa kanya. Hayyy, sana naman ay walang eksena na maganap pero bakit parang kinakabahan ata ako sa mga susunod na kabanata? Paano ung hitsura ba naman nung Natalia ay mukhang suki sa riot at rambulan.
Aatras na sana ako dahil gusto kong umiwas na masaktan pa lalo pero mas mabilis silang kumilos. Kamag-anak ata ni The Flash kaya naabutan nila ako. Nang makadaan naman sila sa harapan ko, seems like wala lang nakita si Jake. Para akong pinahiram ng invisibility cloak ni Harry Potter at tila ba akong hangin na dinaan daanan niya lang. I must admit, labis akong nasasaktan. Mas masakit pa noong nalaman kong ikinasal si Nick Carter ky Lauren Kitt. Buhay nga naman parang life. Ang saklap mga bes.
But seriously? Bakit pa kasi nauso pa 'yang palabra de honor na iyan. Pinanindigan niya tuloy ang mga binitawan niyang salita at ito na ata ang sinabi niyang "It's like you never existed" noon. Sana nga ganoon na lang talaga dahil unti unti niya din naman akong pinapatay sa mga ikinikilos niya.
And before I further lose myself, I decided to walk away at bago pa ako tuluyang traydurin ng mga luha ko dapat makasibat na ako. Unfortunately, before I could even do that at bago pa man sila tuluyang makapasok sa classroom, using her swift movements ay hinarang ako ng Anaconda este ni Natalia pala sabay sabing...
"So, you must be Ara? I heard so much about you and I must say that they are not nice at all. At first, I refuse to believe but come to think of it, just by seeing you now, you sure do look like the desperate kind. Oh well, see you around."
Kamuntikan ko na siyang sungalngalin. Sa isip ko lang siyempre. Pero of course if given the chance, why not? Aarte pa ba ako? Pagkakataon ko na un para patahimikin ang isang ito. Ang talim ng tabas ng dila eh. Saka inaano ko ba siya? Ni hindi ko nga siya kilala eh. Ke bago bago pa lang dito ay nagawa na niya akong ipahiya agad. Sabi ko na nga ba at walang gagawing mabuti ang babaeng un. Porke't kasama niya ang anak ng may ari ng school, amfeeling agad. F*ck that.
And to make matters worst, wala lang pakialam si Jake. That Jerk didn't even move a muscle. Wala man lang itong ginawa habang nilalait na ako ng impakta. He just had this cold and expressionless look on his face.
Hayyyy, welcome to Hell na ata ako kasi the Anaconda Ex is back!
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...