Ara's POV
"Your desk will be outside. Myra will orient you with your tasks as she'll be leaving tomorrow. And oh by the way, if you're thinking na magreklamo kay Dad, then better think again. I'm already telling you now na walang mangyayari even if you do. He asked me to be in charge here so he trusts me with all of my decisions." Mahabang litanya nito. Kilalang kilala talaga ako ng mokong at alam niya ang maari kong gawin. Kaya kahit nagpupuyos ako sa galit, wala din talaga akong magagawa pa dahil siya ang boss. Kung wala lang talaga akong binitawang salita eh malamang ora mismo ay lalayas na ako dito at isasampal ko sa mukha niya ang resignation letter ko.
"Looks like I don't have any choice then, do I? If there's nothing else you want to discuss more, then excuse me at pupuntahan ko lang si Myra sa labas." Nagpipigil sa galit na saad ko dito saka walang lingod likod na akong nagtungo sa pinto kasehodang sumagot pa ito o hindi sa sinabi ko. Baka kasi bigla ko na lang siyang mabigwasan kapag manatili pa ako doon.
Jake's POV
Hindi ko alam pero yung tuwa ko walang mapagsidlan. Buti na lang at napigilan ko pa ang sarili ko na huwag ngumiti ng malapad habang kausap ko siya kanina. Sa wakas, ay naisakatuparan ko na din ang mga pinaplano ko. Wala naman talagang family emergency si Myra. Inilipat ko lang sa iba naming negosyo para mabakante ang posisyon niya. Masama na kung masama but this is the only way I know para mapalapit ulit sa kanya na walang asungot. Humanda ka Jared, ito na ang simula nang pagbawi ko sa Ara ko and there's nothing you can do about it.
***Insert evil smile***
Ara's POV
Naasar pa din ako nang makalabas. Correction, nagpupuyos sa galit. Walang makakapaglarawan sa asar na nararamdaman ko ngayon. Sarap suntukin ng unggoy na un. Bagong hobby niya ata ang pagpapahirap sa akin. Hindi na talaga nakakatuwa ang mga pinaggagawa niyang animal siya. Nasa ganun akong pag-iisip nang kausapin ako ni Jared.
"Hun, are you alright? Saka ano pala ang pinag-usapan niyo? Anyway, I already asked our supervisor na kung pupwede tabi na lang tayo ng desk. Mabait naman si Mr. De Leon kaya pumayag din agad siya." Excited pa na pagbabalita niya sa akin kaya hindi man lang ako nagkaroon ng chance na sagutin ang mga nauna niyang tanong. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi kami magkakasama muna sapagkat ang lagi kong makakahalubilo ay ang mayabang na lalaking tinatawag naming boss?
"Uhm, Hun. Ano eh. Sabi niya kasi ano..." Parang nalunok ko ang dila ko sa pagkakataong ito as I can't seem to find the right words to say. How can I break the news to him gently? I do not have the heart to take away the happiness that I see in his eyes.
"Hun, kalma lang. You seem nervous. Breathe at saka ka magkuwento." Natatawa pa nitong sabi.
"Ano kasi. He asked me to be his personal secretary. Ay, mali hindi pala asked, ordered." Puno ng kaba pa din na usal ko sabay dasal na sana maunawaan niya ang sitwasyon.
Pagkasabi ko nun ay tinakasan ng tuwa ang mga mata at labi ni Jared. Halo halong emosyon ang nakikita ko na ngayon sa mga mata niya.
Gulat
Pagtataka
Takot
Galit
At higit sa lahat, Lungkot.
Bigla akong naawa sa kanya. If only I can shield him from all these emotions he is feeling right now, I know I would. As he does not deserve to feel this way. And because of that, I can't help but silently kill that bastard in my thoughts. Sarap mag change career at maging kriminal na lang. Alam ko na at this point ay ang assurance ko lang ang makakapagpanatag sa loob ni Jared kaya naman mahigpit ko siyang niyakap at sabay sabing.
"Mahal Kita. Alam mo un hindi ba? I perfectly understand how you feel pero hindi lang ikaw ang naghihimagsik sa pangyayaring ito. Maging ako man. I almost strangled him when he told me earlier. If only I had the courage to actually do it, hindi tayo aabot sa ganto. Unfortunately at the moment, I'm left with no choice. You do trust me, don't you?" Kahit walang salita ang namutawi sa kanya ay ramdam ko ang sagot sa pamamagitan ng kanyang mahigpit na mga yakap kaya naman sinuklian ko un to appease him.
Sa hindi inaasahang pangyayari, un ang eksena na naabutan ni Jake na siya namang ikinagalit nito.
"Are you being paid to publicly display your affection or to work?" Sa nagagalit na tono.
"Sige Hun, I'll catch you later." Paalam ni Jared sa akin. Alam kong he is trying his best to contain his anger. After all Jake is still our boss. Pero bago pa man ito tuluyang umalis ay nakita kong nagkatitigan pa ng masama ang dalawang mokong. Tila nagsusukatan pa kung sino ang unang susuko.
After ng staring contest nila ay ako naman ang binalingan ng magaling naming amo. "Now Miss Marasigan, I'm telling you, if I see that kind of scene one more time, I would surely punish you. Anyway, did Myra finish orienting you with all it is that you need to know?" Tila naiinis na tanong nito sa akin.
Tinotopak na naman. PMS ata si Koya. Bulong ko sa sarili ko bago sumagot ng "Yes Sir."
"That's good. Then you'll officially start as my personal secretary tomorrow."
Medyo naasar pa din, scratch that, I am so damn pissed sa isiping un sapagkat hindi ko inasahan na lagi kaming magkikita. So much so ung maging sekretarya niya pa talaga ako. Hindi to isang chance encounter lang. F*ck that thought of mine. This is pure torture. What did I get myself into? Hindi ko alam kung ano pa ang iisipin ko. This is just too much for me to take in. It took a while before I was able to compose myself. I just needed to remind myself that I did not leave 5 years ago for nothing. Kung patuloy pa din akong papaapekto sa presensiya niya disinsana hindi na lang ako umalis. Kaya humanda itong mayabang na lalaking 'to. Siguraduhin niya lang na hindi niya pagsisisihan ang kalokohan niyang ito.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...