Ara's POV
Nagising ako hoping na mag-iiba sana ang nararamdaman ko. Pero bakit ganun? Why do I miss him so badly pa din? Kahit na anong sabi ng utak ko na kelangan ko siyang kamuhian, ang tanga at pasaway ko na puso ay hindi man lang nakikinig. Patuloy pa din itong tumitibok para sa kanya. Ano kaya ang mainam na gawin para tuluyan na akong makalimot? Hindi na lang sana ako lumayo layo pa kung patuloy ko naman pala siyang mamahalin.
Napukaw ang diwa ko nang may kumatok. Isa lang naman ang kakilala ko dito kaya no brainer na kung sino ang nasa labas. As usual ang aga aga na naman akong buwesitin. Hindi na tuloy ako nakakapag-isip ng matino dahil sa lagi ako nitong kinukulit. Not that I don't like it. I appreciate it sa totoo lang kasi it gets my mind off of things even just for a while. Pero alam mo ung minsan, it wouldn't hurt din if you will spend time alone with yourself and your thoughts.
"Yes?" Walang gana kong bungad sa kanya.
"Wow, good morning din Celine. Ke aga aga mainit na naman ang ulo natin ah. Ahaha." Nasanay na ata ito na lagi ko siyang sinusungitan.
"Oo talaga. Kasi lagi na lang ang aga mong distorbo eh." iritang sagot ko dito.
"Ganun ba? Sayang nagluto pa naman sana ako ng masarap na agahan."
Biglang bumilog ang mga mata ko. Sakto gutom na gutom na ako pero tinarayan ko na eh magmumuka akong PG kung biglang mag-iiba mood ko. Kelangan kong masalba ang pride ko sa mga oras na ito. So the best I could do is panindigan na lang talaga ang nasimulan ko ng pagtataray kanina.
"Okay, eh di enjoy your breakfast then. I am not hungry anyway." with matching flip hair pa na wika ko dito.
Sakto pagkakasabi ko nun, ang traydor ko na sikmura ay biglang tumunog na alam kong hindi nakatakas sa pandinig niya kasi nakita ko ang malapad na ngiti ng hudas.
"Ah hindi ka nga gutom. Sige, alis nako ha? Sayang may ham, egg, at sausage pa naman akong niluto doon sa bahay ko. Bye Celine." panunudyo pa ng hudyo sa akin.
Kainis naman. Mas lalo ata akong ginutom sa mga katakam takam na pagkain na binanggit niya. Humanda 'to sa akin kapag nabusog na ako. It seems that I don't have a choice as of the moment but to be good to him. Natamad akong magluto eh. Kesa naman mamuti ang mga mata ko sa gutom.
"Wait, Jared." Pagpipigil ko dito. Mahirap na ano, mamaya niyan mag-disappearing act ito at mapilitan akong magluto.
"Yes, Celine? May kelangan ka?" Sabi ng ungas in an almost laughing look.
"U-hm, pwede ba ako makisabay?" nauutal na sabi ko dito. Di ko kasi masyadong maatim pero sa ngalan ng pagkain at ikabubusog ko ay kelangan ko munang lunukin ang pride ko. Bwisit talaga.
"Oh, akala ko ba hindi ka gutom?" Patuloy na pang-iinis ng walanghiya sa akin.
Kaya naman asar na asar na talaga ako dito. Kung hindi lang ako kanina pa inaaway ng tiyan ko, deadmakels sa Japan sa akin ang isang 'to. Baka isang dekada ko pa siya hindi pansinin kapag nagkataon.
"Kung ayaw mo, eh di huwag. Damot!" Saka ko sinara ng pagkalakas lakas ang pinto. Keber sa mga magrereklamong kabitbahay. Sa naasar ako eh. Narinig ko pang tumawa ang hinayupak na mas ikinakulo ng dugo ko.
"C'mon Celine. I was just teasing you."
"Manigas ka!" I answered in the hopes of saving my dignity. Nag-PPMS pa ata ako at masyado na akong sensitive eh.
"Huwag ka nang magtampo diyan. Halika na. Niluto ko naman talaga un para makasalo ka." pag-aalo nito sa akin.
Dahil sa isa akong dakilang PG, at grasya na nga ang kusang lumapit, sino ba naman ako para tumanggi. Agaran ko ding binuksan ang pinto matapos kong magpakipot ONCE. "Pasalamat ka at gutom ako. Kapag nabusog ako, hindi na ulit tayo bati. Hmph."
"Hahaha okay sige. I'll take that. Tara na." saka niya ako hinatak papunta sa silid niya. Binitawan ko lang ang kamay niya kasi ang lalaki ng hakbang nito at I don't have enough energy to keep up.
Habang nauunang siyang maglakad papunta sa kanyang silid, naisip ko bakit hindi na lang kaya si Jared ang mahalin ko? Mabait naman ito and he's always there for me. Gwapo din naman at macho. Medyo nagiging mapang-asar lang siya nowadays but overall he is fine. Pero in the end ay sinaway din ako ng utak ko, "Ni hindi ka nga nililigawan eh. Masyado ka namang feelingera."
Kainis itong utak ko, kami na nga lang magkakampi, inaaway pati ako.
Nang makapasok na kami ay kulang na lang mapunit ang mga labi ko sa ngiti kasi andami ngang nakahain at puro paborito ko pa. Pero siyempre hindi ko na pinahalata na tuwang tuwa ako at excited na akong lantakan ang mga ito. Baka isipin niya na mukha akong pagkain haha.
"Shall we?" tanong nito. Muntik ko nang saguting ng "I thought you'd never ask" pero pinigilan ko lang. Masyado na akong napapahiya sa harapan ng isang ito.
"Okay, sige." pormal na sagot ko na lang dito. Kunyare hindi ako excited.
Tahimik lang ako habang kumakain kasi gusto kong panindigan ang mga sinabi ko kanina. Ito namang isa ay panay ngiti lang. At hindi lang basta ngiti ha. Ung ngiting mapang -asar, ngiting tagumpay kung sa iba. Sarap pektusan kaso nasa kwarto niya ako at pagkain niya ang kinakain ko ngayon.
"Thank you. Alis na ako." madali kong sabi ng tapos na akong kumain.
"Leaving too soon?" takhang tanong nito sa akin.
"Ang aga mo naman tumanda. Tsk. Remember I told you na kapag nabusog na ako ay hindi na ulit tayo bati?"
"Ahahaha, un ba? Hindi ko naman alam na seryoso ka doon." halos maluha luha pa na sambit nito na siya lalong ikinainis ko.
"Tse!" saka ako kumaripas ng takbo papuntang kwarto. Sa susunod hindi ko na talaga pagbubuksan ng pinto ang unggoy na un.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
Storie d'amoreJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...