Chapter 49 Our Happy Ending Pt. 2

192 1 0
                                    

Jake's POV

Ang tanga ko. Tinamaan ako sa mga sinabi niya nung nakaraang punta niya dito pero masisisi niyo ba ako kung labis akong nasaktan? It's been days since I last saw her and I have not been myself after nun. I badly miss her pero wala na. Huli na ata talaga ang lahat para sa amin. Masyado lang siguro akong umasa na pwede pa. Ngayon alam ko na. Hindi lahat ng tunay na pagmamahal ay nasusuklian ng wagas na pagmamahal. May mga puso na hindi lang talaga nagtatagpo sa gitna. May mga tao ding sadyang pagtatagpuin lamang pero hindi nakatadhana. At un kami ni Ara. Pinagtagpo lang pero hindi itinadhana.

Nasa ganun akong sentimyento ng may malakas na katok akong narinig.

Pagbukas ko ng pinto ang taong pinaka-ayaw kong makita ang bumungad sa akin and to add insult to injury, bigla akong inundayan ng sunod sunod na suntok ng walanghiya. Hindi ako nakapaghanda as I did not expect him to be here and I did not see this coming.

"P*tang*ina ka. Ano ba ang problema mo ha?" Sigaw ko dito nang makabawi ako.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko na hayop ka!!!" nakita ko na nagpupuyos ito sa galit pero I can't blame him. I came to my senses  at narealize din eventually na malaki pala ang kasalanan ko sa kanya kaya hindi na ako lumaban pa.

"Look Pare, I'm sorry. Alam kong madami akong pagkakamaling nagawa." I just replied in a very apologetic manner.

"You're damn right, but it is not the issue at hand here. Alam mo ba ang pinakamalaking pagkakamali na gagawin mo pa?"

"Huh? I don't get you." At this moment, I am uncertain where he's getting into.

"Psh. Bagay nga kayo. Parehong slow. The biggest mistake you'll ever make is to let go of the Woman you truly love and who truly loves you. Her flight is at 10pm mamaya. 8am pa lang naman so you still have time to get your s*it together."

Naguguluhan man ay nagmadali na din ako at baka hindi ko siya maabutan. I can't lose her again. Not now. Not ever.

"Seryoso pare? Thank you ha. As much as I wanted to chat, kelangan ko nang kumilos. I owe you one." Sagot ko dito.

"No, need. Bayad ka na." Simpleng tugon naman nito. Hindi ko man maunawaan ang tila makahulugang saad niya ay binalewala ko na lang. Marami pa namang oras para ma figure out ko yan. Ang priority ko ngayon ay maabutan si Ara.

Ara's POV

Parang kelan lang bumalik ako dito sa Pilipinas ngayon ay paalis na naman ako. Deja Vu lang talaga. Naasar pa nga sila Mama dahil hindi pa nga daw kami nagkikita simula nung pagbalik ko 'tas heto ngayon at ako'y lalayas na naman. Nawalan ako ng oras pumunta ng probinsya e dahil I was busy sulking and weeping for days. Hayyy. Kelangan ko 'to. Siguro I need a breather from all the heartaches and drama. Pwede naman ako bumalik anytime kapag naghilom na ang lahat ng sugat. Nasa ganung pag-iisip ako nang may biglang magtanong sa may gilid ko.

"Miss, is this seat taken?" nabwisit talaga ako dahil una distorbo sa pag momonologue ko 'tas pangalawa nakakabobo ung tanong pramis. Sinong tanga ang magtatanong nun sa eroplano eh bawat isa ay may nakatalagang upuan?

Paasar kong hinarap para sana sagutin ng pabalang pero mas lalo akong nabanas sa nakita ko. And since I was busy with my thoughts, hindi ko nabosesan kanina.

"What the hell are you doing here? Don't you even dare take that seat!!!!"

"Hep hep hep...First of all, you don't own this plane. Second, I paid for that seat so why wouldn't I?" sagot nito na may nakakalokong ngiti.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon