Chapter 1 No Ordinary Meeting

695 7 0
                                    

Copy Rights Reserved 2014

Ara's POV

"Waaaaa ano ba yan, kung kelan unang araw ng pasok saka naman ako malelate."

Lakad takbo ang ginawa ko since malapit na akong ma-late sa first subject ko. Medyo malapit na sana ako sa may gate nang biglang may dumaang humaharurot na kotse. Sakto na dun sa may lubak na may putik ito dumaan kaya tuloy nadumihan itong uniporme ko.

"Putik!!!! Literal na may putik na ang damit ko. Hayop, akala niya ata siya may ari ng daan ah."

Sobrang banas na banas ako kaya ang ginawa ko ay pumulot ako ng bato saka ko hinagis sa kotse niya. Basag na basag ang salamin kaya naman bigla akong nahintakutan.

"Mygawd, wala akong pambayad sa nasira kong salamin ng mayabang na un. Kelangan ko nang tumakbo." Kaya naman bago pa ako mahuli ay agad agad akong tumakbo ng mabilis papuntang school. At some point medyo naguilty ako kasi nga hindi naman ako ganun kasamang tao pero naisip ko din na tama lang siguro un sa kanya dahil nuknukan siya ng yabang. Akala niya ata ay siya ang hari ng kalsada.

Nang makita ko na sa direksyon din ng school patungo ang kotse niya ay kinabahan na naman akong muli. "Mukhang dito din siya nag-aaral ah. Naku po paano na ito? Hay, keber na nga lang. Mayaman naman siya siguro dahil dito siya sa St. Grace Academy nag-aaral. Ang kuripot naman niya kung hahabulin niya pa ako ng bayad ano. At sa laki ba naman ng school na ito ay tiyak na hindi na kami magkikita pa. Marahil ay hindi naman ata niya ako namukhaan dahil sa mala "Lydia De Vega" ko ba naman na pagtakbo." Parang tanga na pagpapakalma ko pa sa sarili ko.

Jake's POV

"I am so late for school. Kung bakit ba naman kasi hindi ako ginising ng katulong namin. Stupid maid." Buti na lang malapit lang ang bahay namin sa school. Kelangan ko lang bilisan ang pag drive. Nang malapit na ako sa may gate ay bigla akong napa break"Screech".  Tiningnan ko ung likuran ng kotse ko at mukhang may nabasa ata akong babae nang dumaan ako doon sa may lubak na puno ng putik. But what the hell I have no time for this sh*t. Akmang paaandarin kong muli ang sasakyan ng may marinig akong kumalabog ng malakas "Boogsh". 

"F**k Sh*t, someone broke my mirror. That Peabrain girl threw a stone sa salamin ng kotse ko. Ang mahal pa naman magpaayos neto. I was about to go out to confront her when she ran. Takte, ang bilis tumakbo. Parang ilang marathon na ang nasalihan. Pero teka, mukhang sa iisang school lang kami ah. Humanda sa akin ang babaeng ito. Akala niya ata ay hindi ko siya namukhaan. I will make sure there will be hell to pay."

Ara's POV

Pagkarating ko ng school ay nagtungo ako agad ng banyo para magbihis. Buti na lang talaga at lagi akong may baong extra shirt sa locker. Peste, ang lagkit lagkit ng pakiramdam ko. Animal na lalakeng un. Andungis ko na nga ay late pa ako. Pagkatapos kong mag-anyong disente ay agad akong nagpalinga linga sa paligid at nang mapagtanto kong ligtas na ako ay agad akong lumabas.

"Hayyyy, the coast is clear. No sign of the mayabang na nilalang. Juiceko, wala talaga akong pera para bayaran ang pinsalang ginawa ko kaya sana ay hindi na kami magkita pa. Kung hindi nga lang ako iskolar ay hindi ako makakapasok sa prestihiyosong paaralan na ito."

Siniguro ko pang muli ang paligid at nang wala talaga ay agad akong tumakbo papuntang silid aralan dahil baka masabon ako. Kung anong disente ko kani kanina lang ay siyang haggard kong muli pero wapakels dahil natuwa ako dahil wala pa si Sir. Ibig sabihin ay hindi pa ako late.

 Ibig sabihin ay hindi pa ako late

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon