Chapter 13 Theme Park

122 2 0
                                    

Ara's POV

"Hey Peabrain, gising na. Ano ba 'tong babae na 'to tulog mantika."

Hmmmm.........Sino kaya ang walang hiya na gumigising sa akin? Unti unti kong iminulat ang aking mga mata para sakalin ang distorbo ngunit laking gulat ko sa nabungaran ko.

"Waaaa, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? May binabalak kang masama sa akin ano? Ang manyak mo talaga kahit kelan!!!"

"Asa ka naman na pinagnanasaan kita Babe. Pero kung hindi ka na makapaghintay, game din naman ako. Pagbibigyan kita." Sabay lapit ng hinayupak sa akin.

"Subukan mo lang talaga. Kung mahal mo pa ang buhay mo, lumayo ka yabang." At ngumisi pa talaga ang unggoy nang napakalapad matapos kong sambitin ito.

"You are really seducing me Peabrain kasi you know that your violence is really turning me on." Sabay turo niya sa may nakaumbok niyang alaga.

"Waa, hayup totoo nga. Umalis ka dito sa kwarto ko kundi sisigaw ako." hindi pa naman nakauwi si Mama kaya nanganganib ako. Paano kaya niya nabuksan ang pintuan namin? Siguro akyat bahay siya on the side.

"Ahaha, ang epic ng reaksiyon mo Babe. Don't worry, I was just playing with you. I respect you ano. Kaya mag prepare ka na before I change my mind. I'll wait for you outside, okay? I Love You Baby." Then hinalikan niya ako sa noo.

I was left dumbfounded and touched. Mas lalo tuloy napamahal sa akin ang mahangin na un. Pero siyempre kahit na sinabi ko ng mahal ko din siya ay hindi ko masiyadong pinapakita. Ang gwapo niya. Maghirap muna siya gaya ng mga pagpapahirap niya sa akin noon.

Anyway, punta daw kami ng theme park ngayon kaya ang aga ako binulabog pero before pa kami nakarating ng EK hindi muna matatawarang bangayan ang nangyari.

"Ano pa ang tinatayo tayo mo diyan Peabrain? Sasakay ka ba or gusto mo na itulak pa kita papasok?" kita mo 'tong bwisit na ito. Parang hindi niya ako mahal kung makapagsalita. Hindi man lang buhat ha gaya sa mga nababasa at napapanuod ko kundi tulak talaga.

"Ayaw, gusto ko mag commute tayo."

"What? Are you out of your mind?"

"Grabe, kung maka react ha. Eh ang layo kasi nun kung iddrive mo kaya commute na lang tayo, please?" pagpupumilit ko pa.

"Ayaw ko nga sabi eh."

"Don't tell me first time mo mag-commute yabang?" Tahimik lng siya.

"Hmmm, ba't ayaw mo sumagot? Huy, namumula ka na oh. Hahaha."

"Stop it Peabrain or I'll kiss you." Natameme ako sa bantang un. Ang manyak talaga ng putragis.

"Bakit ba kasi ayaw mo na mag drive ako ha?" naiiritang tanong nito sa akin.

"Ayoko ngang sabihin mamaya lumaki pa ulo mo. Tse."

"Fine by me. I'll drive then, sakay na!" akmang itutulak nga ako papasok ng walang hiya.

"Ang gentleman mo talaga! Fine, eto na nga sasabihin ko na, ayaw ko kasi na mapagod ka kaya gusto ko mag-commute na lang tayo. Happy? Grrr." At ang lapad ng ngiti ng hayup pagkasabi ko nun. Bipolar talaga ang isang' to.

"Oh, tara commute na tayo. Ano pa hinihintay mo diyan, pasko?" Kita niyo na. Maloloka ako sa lalaking 'to talaga.

Pagkadating na pagkadating namin dun, aba gusto talaga unahin pa namin ung space shuttle.

"Waaaa, ayoko diyan. Nakakatakot kaya. Ikaw na lang yabang, hintayin na lang kita dito".

"Ang KJ mo talaga kahit kelan Peabrain. Sige na, hold my hand. Don't worry I will not let go of it."

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon