Ara's POV
Laking pasalamat ko nang sa wakas ay huminto na ang sasakyan sa labas ng opisina. Nalula pa ako ako slight kasi ang laki pala ng building at sa pagkakadinig ko ay pagmamay-ari nila ito. Ang yaman pala talaga nila. Sanaol para hindi na kelangan magkayod kabayo para sa pamilya ng karamihan.
Anyway, mabilis akong umibis sa sasakyan para makahinga ng maluwag. Feeling ko kasi buong biyahe akong na-deprive ng oxygen. That was the longest ride of my entire life. Akala ko pa nga ay sa mental na ako magpapadiretso dahil sa pakiwari ko malapit na akong mabaliw kanina sa loob ng sasakyan kasi hindi ko talaga malaman kung ano ang nararapat kong gawin para lang malabanan ang sobrang lakas na tensiyon na pumapalibot sa amin. Wala mang nagsasalita ay ramdam na ramdam ko pa din ang samo't saring emosyon na namamayani. And it was slowly killing me. Alam mo ung para kang tinotorture? That was exactly how I felt earlier. Sino ba naman ang matutuwa kong sabay sabay mong maramdaman ang:
Galit
Takot
Pangungulila
Lungkot
Lahat ata ng negative na feelings ay masasabi kong pasok sa banga. I don't even want to entertain the thought, but I feel like this is really not the right thing to do. Mas lalo ko lang pinabigat ang sitwasyon at pinaliit ang mundo para sa aming tatlo. Jared was right, hindi ko na dapat ito ginawa. Pwede naman ako makabawi sa ibang paraan. But what to do? I already gave my word a long time ago.
I was in deep reverie nang magsalita ulit si Jake na siya namang ikinabalik ko sa kasalukuyan.
"What are you waiting for? Let's go. Dad is already waiting in the conference room along with the other employees." Malamig na tugon nito.
Bago pa man ako makagalaw ng tuluyan ay naramdaman ko na biglang may humawak sa kamay ko na tila ba ako pinipigilan sa pagsunod dito. Pagtingin ko si Jared lang pala sabay sabing "If you want to back out, we still have time Hun. I can call a cab para makauwi na tayo."
"No, Hun. A promise is a promise. Saka andito na tayo oh, ngayon pa ba tayo aatras? Sana kanina pa sa airport. Baka lalo lang mag-beast mode ang isa dun. Di ba nga malaki daw tayong abala sa kanya. Don't worry, kaya ko 'to as long as you are here with me." And with that, he gave me a peck on the lips. I know it was his way to assure me that everything will be alright as long as we are together. Kaso sakto naman sa paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko ang paglingon ni Jake. I must say he did not really like what he saw. Paano ba naman, sa talim ng tingin na pinupukol niya sa amin lalong lalo na kay Jared ay kulang na lang bumulagta ito sa kinatatayuan niya ngayon.
Gaya ni Jared ay very transparent din iyang si Jake sa nararamdaman niya kahit noon pa. His face would show it all. At nakumpirma ko nga na galit siya nung magsalita ito. "Pwede ba? Enough with the Public Display of Affection? As professionals, you should know that this is not the right place for that. Kaya naman if you don't mind at hindi masyadong nakakaabala sa inyo, let's go. There are people waiting for us." Sabay padabog na tumungo sa elevator. Napailing na lang ako dahil mukhang tinotopak na naman ata ang isang ito. Hinayaan ko na lang. He's the Boss eh. Pero for a while, it got me thinking kung bakit ganun na lamang ang inaakto nito. Nagseselos kaya siya sa kanyang nakita?
Tahimik kong pinapangaralan ang sarili ko sa naisip kong un. "Aish, why would he be Ara? Mag-isip ka nga. You know very well that you mean nothing to him and ung disappearing act mo? You actually did him the biggest favor by doing so. So huwag masyadong height ang ambisyon. Hindi ka ganun kaganda." Alam niyo kung pwede lang pumatay ng utak o hindi kaya ng konsensiya ay matagal ko ng ginawa.
Nang makalayo ito ng bahagya sa amin ay nakita ko na kumuyom ang mga kamao ni Jared tanda nang pagpipigil nito sa galit. At bago pa man ito makagawa ng ano mang aksyon ay pinigilan ko na lang ito. Bukod sa alam kong may jetlag pa siya ay hindi ito sanay na napagsasabihan. Mayaman din kasi sila Jared at kung tutuusin ay hindi niya kelangan mag work dito kung hindi lang dahil sa akin. Makabakod din kasi wagas. They have their own company too sa totoo lang kaso sabi niya bukod sa pagnanais niyang samahan ako (term niya sa pagbabantay) ay gusto muna niyang may mapatunayan bago siya mag take over.
"Hun, chill. It's not worth it. Tara na, bago pa ito tuluyang magalit." Buti na lang at sumunod siya sa akin. Mahirap na, baka kasi biglang magka-eksena dito at mag viral pa kami. Lalo lamang masira ang unang araw namin sa Pinas.
Andito na kami ngayon sa elevator at kung sa tingin ko na ang biyahe papunta dito sa office ay matagal na, then I thought wrong. Ung pag akyat lang nito papunta sa 10th Floor seems like an eternity to me. And to make things worst, it was only us three so you could imagine how awkward it is for all of us.
Saka alam niyo ang pinakamalala sa lahat? Iyon ay nung papalapit na kami sa 10th floor, may bigla kaming naramdaman na pagyanig 'tas kasabay nito ang pagkamatay ng mga ilaw. Napakasigaw ako at napakapit ng mahigpit kay Jared sa sobrang gulat at takot.
"Great, ang galing talaga makisama ng elevator na 'to kung saan asa 9th floor na kami, doon naman niya naisipang tumigil."
Naiinis ngunit mahina na sabi ko sa aking sarili. I am so frustrated dahil sa tindi ng mga nararamdaman ko, escaping his wrath and questioning eyes is the wisest thing to do but then fate seems to have it's own little sneaky way to f*ck me up over and over again.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...