Chapter 6 A New Found Friend

156 2 0
                                    

Ara's POV

Grabe talaga ang mayabang na un, sana wala na siyang gawing kahayupan sa akin ngayon. Inaaraw araw niya ako eh. Kasiyahan na ata ng ungas ang pahirapan ako. Sunod sunod na bulong ko sa aking sarili sabay labas sa pintuan namin. Subalit hindi pa ako nakakaalis ay biglang naramdaman ko na lang na may nambato nang sunod sunod sa akin ng balloon na may lamang tubig.

"Paksyet naman talaga oh, sino ang walang magawa sa buhay na nambato sa akin ha?" Galit na galit na naman ako umagang umaga. Bigla naman akong may narinig na tawa at nang pagtingin ko sa harap ng bahay namin ay nakita ko ang bwisit na si Jake na iwinawagayway pa sa akin ang hawak nitong balloon. Abot hanggang langit ang tuwa nito sa sinapit ko ngayon. Paano ba naman kasi mukha na akong basang sisiw.

"What the hell is your problem ha?" paasik kong tanong sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"What the hell is your problem ha?" paasik kong tanong sa kanya.

"Wala naman, mukha kasing hindi ka naligo eh kaya I took the liberty na basain ka para naman makaligo ka kahit papano." Sabi ng animal sabay halakhak ng malakas.

"Argh, wala ka talagang magawa sa buhay." sambit ko sabay padabog na pumasok sa bahay namin para makapagpalit.

"Good morning to you too Miss Marasigan. Haha." Rinig na rinig ko pa mula sa labas ang pang-aasar nito.

Nagpupuyos pa din ako sa galit nang makarating sa school. Ramdam ko malapit na akong maging residente ng bilibid kung hindi pa ako titigilan ng walanghiyang un. At dahil na rin siguro sa sobrang banas ko ay hindi ko na napansin na nakasalubong ko na pala si Jared.

"Hi Ara, you look agitated. Is there something wrong?" May lahi atang manghuhula ang isang ito. Pero naisip kong obvious naman sa mukha ko dahil sa halos magkasalubong na ang dalawa kong kilay kaya tinigilan ko na ang walang kwentang isipin na un.

"Hay naku Jared, mahabang kwento."

"Hindi pa naman time, halika doon tayo sa may bench mag usap." Bukod pala sa pagiging descendant ni Madam Auring ng lalaking ito ay makulit din ang lahi niya. Pero dahil sa wala namang mawalala sa akin ay naisipan ko na din na pagbigyan ito.

At un nga ang nangyari, ikinuwento ko ang lahat kay Jared. Pagkatapos kong magsalita ay nahalata ko dito na nagpipigil ito na mapahagalpak ng tawa.

"Ilabas mo na yan, 'wag mo nang pigilan, mamya ako pa may kasalanan kapag sumakit iyang tiyan mo." at bago ko pa mabigwasan ang nakaka-asar mong pagmumukha. Pero siyempre pabulong ko lang na sinabi ito. Mamya niyan ay patulan pa niya ako. Sayang kaya ang karakas ko.

"Haha, you know what you're funny. I like you."

Bigla akong namula sa sinabi nito. Anebe koya. Huwag po. Ano ba? Malanding nilalang layuan mo ako.

"Pero kidding aside, that's so childish of him, 'wag mo na lang pansinin baka may pinagdadaanan lang. Kung sino mas nakakaintindi ay siya na lang umintindi. And in this case, ikaw un."

Gumaan ang pakiramdam ko sa tinurang un ni Jared. Bukod pala sa tahasang paglalandi nito sa akin ay may katuturan din pala ito."Salamat talaga Jared sa pakikinig ha. Okay na ako ngayon."

"Ano ka ba wala un, I can be a friend if you like." or more than that if you want to. Binulong pa talaga ang huling pangungusap eh narinig ko naman.

"Sige ba, friends." Tinanggap ko na ung una niyang sinabi dahil sa wala akong panahon i-entertain ang mga pahaging nito. May mission pa kasi ako at un ay ang paibigin ang mayabang na lalaking un na itago na lang natin sa pangalang Jake.

Jake's POV

I'm so happy. Seeing that Peabrain's reaction is priceless. It really made my day. Halos patayin na niya ako sa asar niya kanina pero keber lang dahil nagtagumpay naman ang plano ko.

Bitbit ang ngiting tagumpay ay papasok na ako ngayon ng school subalit nawala bigla ang saya ko nang makitang nag-uusap si Ara at Jared. Ano kaya ang pinag uusapan nila at mukhang masaya ang Peabrain na un?

"Ahem, ke aga aga may naglalandian ah. Puwede naman sa labas. Dito pa talaga sa school. Tsss."

Nakita ko na nagulat si Ara sa sinabi ko at aaminin ko kahit ako man ay hindi ko alam kung bakit un ung lumabas sa bibig ko. Ewan ko ba pero naasar talaga ako kapag may kinakausap siyang iba bukod sa akin.

"Don't mind him Ara, wala lang 'yan magawa sa buhay niya. Tara pasok na tayo?

"Okay sige, let's go."

--------------------------------

Naknamputcha naman talaga oh, wala akong maintindihan sa lintik na klaseng 'to simula nang nakita kong sabay pumasok ang Peabrain na un at ung hinayupak na si Jared. At magkatabi pa talaga sila sa upuan ha. Kulang na lang ay maglampungan sila dito. Invisible pa ata si Maam sa harap. Hindi nagpakabog eh. Argh, nakakainis!

"Tignan ko lang kung mag-eenjoy pa kayo sa gagawin kong ito." Tamang tama may dala akong juice.

"Syete naman Jake, ano ba talaga problema mo?" sigaw ni Ara matapos kong maibuhos sa kanila ang dala ko.

"Wala akong problema, nagpasintabi ako dahil baka nga tumapon ung juice ko but you were busy flirting kaya hindi mo narinig."

"I am not flirting. Bakit ka ba ganyan? Is it because you have fallen in love with me already? Don't tell me you were jealous?" Nasamid ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa sabay sabing...

"Kinaganda mo na yan? Height ang ambisyon. Huwag masyadong assuming Miss. I am not in love with you. Never will, kaya isaksak mo 'yan sa makitid mong kokote. Masyado kang feelingera ah." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang un ay napansin kong nagtawanan ang buong klase. Bigla naman akong naguilty sa nakikita kong sakit sa mga mata ni Ara ngayon.

"Mr. Santillan and Miss Marasigan, if you will treat my class as a joke, better get out now! Pagalit na sabi ni Miss Santiago, teacher namin sa Math. Buti napansin pa niya ang kumosiyon. Akala ko manhid eh.

Laglag ang balikat ay sabay kaming lumabas na dalawa. Pero hindi na niya ko tinapunan ulit ng tingin dahil dire-diretso na itong naglakad palayo.

"Where do you think you're going Mr. Sarmiento?" Rinig ko pa na tanong ng guro.

"Ara needs me Maam, so please excuse me."

Kantiyawan ung buong klase namin pagkasabi ni Jared nun. At un ay hindi nakatakas sa aking pandinig na ikinakuyom pati ng mga palad ko. I was about to chase Ara na sana to console her or maybe apologize na din nang naunahan ako ng epal na si Jared.

Kaya naman asar na asar akong umalis na lang sa eskwelahan lalo pa't may nakita akong masakit sa mata.....


















At un ay ang pagyakap ni Jared kay Ara.

At un ay ang pagyakap ni Jared kay Ara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon