Chapter 18 True Friend

88 1 0
                                    

Ara's POV

After nung encounter na un ay hindi na naman pumasok ulit si Jake at ung sawa na si Natalia. Ang isipin kung asan sila at kung ano ang ginagawa nila ay isa na yata sa pinakamasakit na yugto ng buhay ko. Araw araw na lang nadudurog ang puso ko at hindi ko alam kung mabubuo pa ba ito o tuluyan nang mawawarak. Buti na lang talaga at laging na andiyan si Jared para pasayahin ako. He became a shoulder to cry on at kapag minsan ay shock absorber na din.

"Celine, saan punta mo?" bungad sa akin nito.

Nagulat ako dahil ito ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko. Ano kaya trip nito? Don't tell me, nag-kakatol na din ito ngayon?

"Oh, Jared, ikaw pala. Sa may mini park lang maaga pa naman eh. Sama ka? Pero teka nga lang, ano'ng natira mo at Celine mo na ako kung tawagin ngayon ha? Dati rati ay Ara naman ah gaya ng iba.

"Grabe ka sa akin. Anyway, wala lang mas maganda pakinggan eh saka gusto ko maiba sa kanila. Lalong lalo na ayokong tinatawag kang Ara dahil 'yan ang tawag ni..."

Naputol ang dapat niyang sabihin dahil nakita niya ang lungkot sa aking mga mata. Buti na lang at hindi ito manhid. Hayyy, naalala ko na naman kasi ang mayabang na un. Ang hirap talaga niyang makalimutan. Mas gugustuhin ko pa ata magka-amnesia or Alzheimer's na lang para mawala na itong sakit na nararamdaman ko.

"Naku, napaka tactless ko talaga. Pasensiya ka na Celine ha. Hindi na mauulit pa." apologetic naman na wika nito sa akin. Mukang na-guilty masyado.

"Ano ka ba Jared, wala un. Tama ka naman eh. Sige from now on, go ako sa Celine parang ang cute nga pakinggan eh."

"Bagay lang sa isang cute na tulad mo."

Medyo pabulong niya na sinabi un pero hindi nakatakas sa pandinig ko. Noon pa 'yan may mga ganyang hirit pero siyempre lahat un ay pabulong lang. Hmmm teka lang. May naisip na naman ako kapilyahan...Mabiro nga...

"Thanks. Cute ka din naman."

Pansin ko na medyo namilog ang mga mata niya at namumula na ang mukha sa hiya kasi hindi niya ata inaasahan na narinig ko ang bulong niya. Haha. Ang cute niya lang tingnan. May ibubuga din pala 'tong si Jared ngayon ko lang napansin.

Jared's POV

Hayyy, muntik na akong mahimatay. Narinig pala niya ang bulong ko. Don't tell me, ung mga binubulong ko dati ay narinig niya din? May sonic ears pa ata ang babaeng 'to. Nakakahiya.

Pero naman, sh*t lang talaga. I can't stand it. Hindi ko ata kaya na nakikitang malungkot si Celine. Alam ko ang buong storya nila ni Jared. I respect how he feels pero ang Jerk niya lang talaga dahil hindi niya hinayaang magpaliwanag man lang si Celine sa kanya. Masyadong sarado ang puso't isipan.

Inaamin ko na matagal ko nang gusto si Celine. Kahit noong sila pa ni Jared pero dahil maginoo ako, nirespesto ko ang relasyon nila at lumugar ako kung saan lang ako nararapat. Pero sa nakikita ko ngayon sa kanya, parang gusto ko nang subukang ipasok ang sarili ko sa eksena. Kahit gawin niya akong panakip butas okay lang kung ang kapalit naman nun ay ang pagngiti niyang muli.

Pero kaya ko kayang mawala ang pagkakaibigan namin sakaling hindi niya kayang suklian ang nararamdaman ko? Si Celine kaya, kaya niya na bang magpapasok sa puso niya ng ibang tao bukod kay Jake?

Hayyyy, naguguluhan na ako. Pero bahala na lang nga. I'll just cross the bridge when I get there na lang siguro. Ang mahalaga andito lang ako palagi sa tabi niya.

Napukaw ang pagmomonologue ko ng tinig ni Celine.

"Huy, Jared para kang namaligno diyan kanina pa ako salita ng salita dito pero ikaw ay parang lutang sa kawalan. May problema ka ba?"

"Ah, haha kanina pa ba? Naku, pasensiya na at may iniisip lang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ah, haha kanina pa ba? Naku, pasensiya na at may iniisip lang ako. Wala akong problema, 'wag kang mag-alala." Pagdadahilan ko na lang dito. Kung alam lang nito na siya ang laging laman ng isip ko.

"Okay, pero ang lalim ha. Malalim pa yata sa balon. Ahaha. Pero kidding aside, hindi na kita tatanungin pero kapag kailangan mo ng kausap nandito lang ako ha?"

"Wala yun, ano ka ba? Hindi un ganun ka seryoso, pramis. Pero salamat na din sa pag-aalala ha at na-appreciate ko."

"No worries. Ikaw ka pa? Naku, Jared, malapit na palang mag-time, halika na sa room at baka ma-late tayo."

Akmang tatayo na si Celine pero pinigilan ko siya.

"Sige, pero Celine, sandali lang, may sasabihin sana ako."

"Oh, ano yun? Naku Jared ha kung kanina mo pa kaya sinabi 'yan. Male-late na tayo oh." medyo natatawa pa nitong wika sa akin.

"Eto naman. Pero seryoso, I know I promised not to bring this up but whenever you need a shoulder to cry on and a friend to lean on, andito lang ako. Kahit na rebound pa, maging masaya ka lang ulit. Ayos lang sa akin. I will be a willing victim. Haha." Dinaan ko na lang sa biro pero I am damn serious sa lahat ng mga sinabi ko. Ayaw ko lang siya mabigla, that's why I tried to just laugh it off.

Ara's POV

Bahagya akong natigilan sa mga sinabi niya dahil bagama't nakatawa ay nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong maramdaman kaya dinaan ko na lang din sa tawa.

"Hahaha. Ikaw talaga kung ano ano na lang 'yang pinag-iisip at pinagsasabi mo diyan. Pero sincerely, salamat Jared ha. For always being here for me. Isa ka talagang mabuti at totoong kaibigan."

"Ouch ang sakit nun ah, sapul!"

" Ano sabi mo?" nagtatakang tanong ko dito.

"Naku wala. Sabi ko halika na nga at baka makagalitan tayo ni Mr. Gonzales."

Sabay hatak sa akin ni Jared papuntang classroom. Ang lalaking 'to talaga iba din at mukhang tama nga ang sapantaha ko kanina. Buong araw na weird eh. Mukha ngang bumatak talaga siya ngayong araw. Kaloka ha.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon