Chapter 28 Lost

78 1 0
                                    

Jake's POV

Bigla na lang siyang nawala. Ni hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Ganun ata siya kagalit sa akin. At nakumbinsi niya pa talaga si Dad na 'wag sabihin ang whereabouts niya. That is how despicable I am na ang taong minsang minahal ako ay ayaw nang makita ni anino ko ngayon. Pero sino ba ang niloko ko? After ng lahat nang kagag*han ko ay umaasa pa talaga akong mapapatawad niya ko? Ugh! Para na akong mababaliw kakaisip kung saan siya naroroon at kung sino ang kasama niya. Hindi ko naman siya pipilitin kung talagang ayaw na niya. I won't even show my face if she loathes me that much. All I want is to see her and to know that she is in a better place.

Nagtatampo ako pero on the other hand, naisip ko din naman na hindi ko siya masisisi. I am the one to blame. I was a total jerk. Nagpadala na naman ako sa emosyon ko. But what does she expect from me? I was extremely hurt. At mas tumindi pa ang galit ko nang umepal pa itong si Jared habang nagkakalabuan kami. Kinakain kasi ako ng matinding selos sa tuwing nakikita kong nasa tabi niya ito. Sana man lang hinayaan niya na maayos namin ni Ara ang dapat na ayusin hindi ung para siyang asong ulol na buntot ng buntot. The guy is really getting into my nerves. I cannot stand seeing him, let alone be in the same place as him. I know the likes of him. Lalaki din ako and I know by the way he looks at my girl that he likes her. I think naghahanap lang ito ng tamang panahon para sulutin si Ara ko at nakita niya nung hindi nga kami okay ang tamang panahon para umeksena ito. Traydor talaga. Ito namang mahal ko ay dense din. Ni hindi man lang nahalata na binabakuran na siya nung hinayupak na un.

Speaking of that guy, bigla din siyang nawala. Ni hindi ko alam where the hell he is. I don't want to insinuate na magkasama sila ni Ara because that would tear me apart and break my heart into pieces. And on top of that, I  would for sure kill him kapag nagkataong tama nga ang mga hinala ko. Desperate move on his part if it's true. Para bang si Ara lang ang nagiisang babae sa mundo. Kung bakit naman kasi ang ganda at ang bait ng isang un, iyan tuloy may kaagaw pa ako.

Pero sa kabilang banda, ayoko din naman sanang manisi ng iba but apart from myself, totoo namang itong si Natalia ay dumagdag pa sa sama ng loob na naidulot ko na sa Peabrain ko. She basically added fuel to the fire.

Kung titignan ng iba, it may seem that she is really eager to rekindle our relationship by the way she acted but the truth is, we are really just friends. Nothing more than that as she is extremely head over heels with her boyfriend este fiance pala. She was just guilty na sinaktan niya ako ng labis noon kaya gusto sana niyang makabawi sa paraang alam niya. Hindi ko naman alam na ganoon pala ka harsh ang paraan niya saka hindi kasi siya ung ganoong tipo kaya nagulat din ako sa mga pinaggagawa niya. I did not see it coming so to speak.

I am not an ingrate naman not to appreciate what she has done for me. Pero naman, naman, pwede naman siyang bumawi sa ibang paraan hindi sa ganoong extent. Mas lalo lang kasing lumala ang sitwasyon nang nakisali ito sa eksena. Ginalingan ba naman masyado ang drama. Dinaig pa ang mga best actresses ng bansa.

And I think ung eksena sa cafeteria ang naging breaking point ni Ara. Kaya naman when she left, Natalia was well aware of what she's done and that even made her more guilty. Panay pa sorry sa akin pero as I told her, wala na din naman magagawa ung sorry niya kasi I just Lost her. 

Labis akong nasasaktan ngayon mas masakit pa ata ito kesa nung ipinagpalit ako sa iba ni Natalia. Everyone thinks, most especially my Dad, that I will go back to my old ways. I feel sorry for him because I can see how torn he is. Gusto niyang huwag na akong masaktan pero at the same time, he wants to man up for the promise he has made kaya naman hindi ko na lang siya kinulit pa. 

I assured him na lang na wala siyang dapat na ikabahala. I'm not that same person as I was before. I am more matured now and I know how to handle myself very well na. One thing I have learned from Ara is to see the good in the bad. Believing that there will always be a rainbow after the rain ika nga ng iba. Natutunan ko din sa kanya na even with a dark past, there will always be that someone who would be willing to love me unconditionally, and that someone was her. Dahil diyan ay mas lalo ko siyang minahal. She loved me at my worst and she sure did deserved me at my best. Sadyang g*go nga lang talaga ako. At kundangan lang talaga na ngayon ko lang na realize ang lahat ng  ito. Masyado akong nagpabulag sa sakit na nararamdaman ko. Kung sana ay noon pa, hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat.

Right now, all I can do is just hope and pray that when the right time comes, ay hindi pa sana huli ang lahat para sa aming dalawa. Na kaya pang ibalik kung ano man ang merun kami dati.

Nawala man siya ngayon sa akin, pinapangako ko na sa oras na siya ay bumalik, hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.

That thought is my only consolation. I am down and broken and I know that this pain is just gonna get worse however my heart is filled with love. Pag-ibig na umaapaw para sa kanya na hinding hindi mababawasan lumipas man ang ilang taon.

 Pag-ibig na umaapaw para sa kanya na hinding hindi mababawasan lumipas man ang ilang taon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon