Chapter 34 Feeling Awkward

93 2 3
                                    

Ara's POV

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Papalapit na kami ngayon ni Jared kay Jake. Mas lalo ata siyang gumwapo although makikita sa kanyang mga mata ang hindi matatawarang kalungkutan. Pero teka, kalungkutan? Nalungkot kaya siya nang nawala ako? Hinanap kaya niya ako? Pero siya naman ang may gusto na mawala ako sa buhay niya diba? Sabi pa nga niya, it's like I never existed. "Kaya tama na ang pag-iisip ng kung ano ano Ara. Kasama mo na at lahat ang nobyo mo, napansin mo pa talaga ang hitsura nito." Kastigo ko sa aking sarili.

"Hun, okay ka lang ba?" Pukaw sa akin ni Jared sabay balik ng utak ko sa katinuan. Naguilty ako bigla sa mga pinag-iisip ko. Erase erase erase. Hindi ko dapat pinaguukulan pa ng pansin ang mga bagay sa nakaraan.

"Ha? Oo naman. Halika na nga, bilisan natin at mukhang naiinip na ung isa kakaantay doon. Baka kainin tayo ng buo nun sa galit, haha." Me trying to make the situation light again. I know he is tensed as much as I am.

Jake's POV

Ayan na papalapit na sila. Parang sasabog ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko sila iaapproach. Masyado akong nabigla sa mga natuklasan ko.

Nang umabot naman sila sa kinaroroonan ko ay walang salita ang namutawi sa akin. Kaya minaigi ko na lang na igiya sila patungo sa kotse ko. At nang makarating naman kami ay bigla na lang nagsalita si Ara.

"Hi Jake. Ikaw pala ang susundo sa amin. Hindi man lang nabanggit ng Daddy mo. Pasensiya ka na at medyo natagalan kami ha. Mukhang inip na inip ka kakahintay."

Hindi ako makapaniwala na nasa tabi ko na siya ngayon. Limang taon akong nagtiis at masuyong naghintay sa pagkakataong ito. Pagkarinig ko sa boses niya, mas lalo kong napatunayan sa sarili ko na labis ko siyang na-miss and that I wanted her back in my life so bad.

Gustong gusto ko siyang yakapin sa totoo lang pero sa ngayon ay wala pa akong karapatan. At un ay dahil sa ahas na katabi niya kanina na panay ang lingkis pa sa kanya. Buti at hindi niya ko pinagmukhang driver because right at this very moment, all I really wanted was to punch that bastard straight to his face but I do not want to blow my chances with my Ara so I decided to remain indifferent and hold my piece. Subalit hindi pa ata nakontento ang walanghiya sa pang-aasar sa akin dahil mas lalo niya pang ginalingan ang pagiging sweet. Panay bulong ng sweet nothings sa mahal ko as if I don't exist. As if I'm not beside her. Imagining his advances earlier, (yes, I saw their sweetness and it pissed me off big time) remembering it vividly, and idagdag pa mga pang-aasar niya ngayon really makes my blood boil kaya wala sa sariling napabilis ko tuloy ang pagmamaneho.

 Imagining his advances earlier, (yes, I saw their sweetness and it pissed me off big time) remembering it vividly, and idagdag pa mga pang-aasar niya ngayon really makes my blood boil kaya wala sa sariling napabilis ko tuloy ang pagmamaneho

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Yes, ako nga and you're right, nainip talaga ako kakahintay. Hindi lang un, marami akong nakabinbin na trabaho dahil dito kaya dapat lang na makabalik na agad tayo sa opisina."

Matagal bago ko nasagot si Ara dahil sa banas ko and I am really trying my best to calm my senses para naman hindi ako magmukhang bitter sa harapan nila lalo na sa ungas na kasama niya.

Ara's POV

Matinding lakas ng loob ang inipon ko makausap lang siya na parang kaswal tapos un lang ang makukuha kong sagot mula sa kanya? By the way he responded, mukhang wala lang naman sa kanya ang mga nangyari and he seems agitated pa nga eh siguro sa paghintay niya sa amin kanina. Ang matindi pa, ay hindi ako sure if he simply cannot contain his irritation lang kasi medyo napabilis pa ang pagmamaneho niya. At dahil sa galit nito ay balak pa ata kaming patayin ng walanghiya. Siguro nga namalikmata lang talaga ako kanina at namali sa pagbasa ng emosyon niya. Tama nga ako, it never mattered to him kung nawala man ako kaya enough of these stupid thoughts. Mas mabuti na ang trabaho na lang ang pagtuunan ko ng pansin at maging civil na lang sa kanya.

Ngayon nga ay medyo nakalayo layo na din kami sa airport. Hindi ko lang sure kung malapit na kami dahil nalimutan ko kung saan ang opisina namin. At siya nga pala, para hindi naman siya magmukhang driver ay pumayag naman si Jared kanina na sa tabi niya ako maupo. Saka matapos niyang sagutin ang tanong ko kanina ay nakakabinging katahimikan na naman ang pumalit at bumalot sa loob ng sasakyan niya. Ni isa sa amin ay walang gustong magsalita. Siguro hindi rin alam kung paano basagin ang awkwardness. At dahil hindi ko na natiis, napagpasiyahan ko na ako na ang unang magsalitang muli.

"Uhm, Jake, how has it been? It's been a while nung huli tayong magkita ah."

KATAHIMIKAN. NAKAKABINGING KATAHIMIKAN.

Gaya ng kanina, matagal ulit bago ako nakatanggap ng sagot mula sa kanya. Talagang pinagmumukha muna niya akong tanga. Bwisit lang.

"Eto, okay naman. Ako na ang pinag manage ni Dad sa Advertising Agency namin. Kayo, mukhang masaya kayo sa nakalipas na mga taon ah?"

Hindi ko inaasahan ang tanong na yun mula sa kanya. May kahalong bitterness at sarcasm ang mga salita niya.

"Ah, hindi naman puro saya. Mahirap din na nasa ibang bansa na malayo sa mahal mo."

May binulong siya hindi gaanong malakas pero alam kong narinig kong sumagot siya ng "So, nahirapan ka pala na wala ako?"  Hindi ko alam ano intensiyon niya para sabihin un pero bigla akong kinabahan. Nilingon ko pa si Jared sa pag aalala na narinig niya ito pero sa kabutihang palad eh mukhang busy naman ito sa kanyang telepono. Minsan talaga may pagka oblivious din ang isang ito sa mga nangyayari sa paligid niya. Eto namang isa hanggang ngayon ay overconfident pa din. Assuming masyado na nahirapan ako nang mawalay sa kanya. Although there's truth to that, he'll never gonna know.

Pagkatapos nun ay kay Jake naman ako napatingin at sakto na nakatingin din pala siya sa akin. Nagkatinginan kami at nakita ko ang longing sa kanyang mga mata at bigla kong naramdaman na tila ba may pinong kumurot sa puso ko. Agad ko nalang binawi ang aking tingin at sabay dalangin na matapos na ang biyaheng ito at makarating na kami agad.

Hindi ko na kasi kinakaya ang tensyon na nararamdaman ko. Isama na ung mga hindi ko dapat maramdaman na para bang unti unting bumabalik sa sistema ko. Ayokong magkasala kaya naman I decided to not look his way again and just remain silent the entire time.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon