Chapter 42 LDR

79 1 0
                                    

Jake's POV

I woke up extremely happy today. Ang gaan ng pakiramdam ko. Excited na tuloy ako pumasok. Naisakatuparan ko na din kasi sa wakas ang balak ko. Inutusan ko si Mr. De Leon na si Jared ang i-assign niya sa Cebu Account namin. This is the only way I could keep him away from my Ara.

Kahapon nga ay tinext ako ni Mr. De Leon informing me na lumipad na daw si Jared papuntang Cebu. Finally, masosolo ko na ang utak gisantes na un. Haha.

Ara's POV

Hayyyy. Kahapon pa lang umalis si Jared at kakababa lang namin ng telepono ay nami-miss ko na siya agad. Ganun talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao at nasanay ka na ilang taon kayo laging magkasama. Mahirap makapag-adjust kapag nagkalayo kayo.

Ilang oras na lang ay papasok na ako, hindi ako masyado nakatulog dahil sa tsismisan namin ni Jared at sa isiping mag-isa na lang ako ngayon sa bahay pati sa pagpunta ng opisina. Ano na naman kaya ang pahirap na gagawin sa akin ng lalaking un ngayong araw? Huwag lang talaga siyang magkamali at baka hindi ko siya matantsa kapag sumobra siya.

____________________

Andito na ako ngayon sa desk ko kasalukuyang gumagawa ng report na inutos ni Jake kahapon ng dumating ito. Patiuna ko na itong binati bago pa reglahin. "Good Morning Sir."

"Good Morning too Miss Marasigan." Sagot nito bago pumasok sa opisina nang nakangiti. Himala ata at hindi mainit ang ulo nito ngayon. Napabuntonghininga na lang ako. Matindi pa sa buntis ang isang 'to ah pabago bago ang mood.

Kasalukuyan kong katext si Jared nang magulat ako dahil tumunog ang intercom. "Miss Marasigan, oras ng trabaho ay panay hawak mo sa telepono mo?" Saad nito na ikinakaba ko. "But I'll let it slide. Pasalamat ka at maganda ung mood ko ngayon. Get ready, we will leave in 10 minutes."

At bago pa ako nakapagtanong kung saan kami pupunta ay ibinaba na nito ang auditibo. "Bastos talaga kahit kelan. Kung hindi ko lang talaga amo 'to malamang ay nakutos ko na." Sambit ko na lang sa sarili ko.

Naging abala ako sa pagpatay sa kanya sa isipan ko ng biglang bumukas ang pinto niya. Buti na lang talaga at kanina ko pa naihanda ang mga gamit ko kundi bi-bingo na ako sa kanya ngayong araw.

Nasa loob na kami ng sasakyan nito nang magkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita. "Sir, mind if I ask po kung saan tayo pupunta? As per your schedule ay bakante ka naman po ngayong hapon."

Nakita ko siyang natigilan bago sumagot. "Yes, I am well aware of my schedule Miss Marasigan. Hindi pa ako nanananghalian eh at alam kong hindi ka pa din tapos kaya sasamahan mo ako."

Biglang nagpanting ang tenga ko. Hindi pa ako nangangalahati sa mga pinapagawa niya 'tas aabalahin niya  ako para lang pala samahan siya na kumain? Kung hindi talaga bwisit ang isang 'to.

"Uhm Sir, with all due respect po ano, kakain ka lang pala inakay mo pa ako? May tinatapos pa ako eh." sabi ko na pilit pinapakalma ang aking sarili.

Nakita ko naman siya na nagpipigil ng tawa.

Aba at talagang inaasar ako ng isang 'to.

"May nakakatawa po ba sa sinabi ko SIR?" tanong ko sa kanya na naiinis at may kasamang diin sa huling salita.

"Alam mo Ara, hindi ka pa din nagbabago. Ang cute mo pa din sa tuwing naasar ka." nakangiting sambit nito.

Hindi ko inaasahan ang sagot niyang un kaya pinili ko nalang manahimik. Inaamin ko may naramdaman akong hindi na pamilyar sa akin sa sinabi niyang un but I chose to simply shrug it off. I have no time for his bulls*it.

Natapos ang lunch namin na hindi ko siya inimik kahit minsan kasi hindi ko naman alam kung ano ang pwede naming pag-usapan. Sa ginawa kong un ay nakita ko na parang nasira ko ata ung kaninang masaya niyang mood. Ano ba kasi ang inaasahan niyang pag-usapan namin aber? Ang tanging nag-uugnay na lang naman sa amin bukod sa trabaho ay ang mapait naming nakaraan. Nakakaloka siya ha. Andami lang arte.

-----------------------------------

Nang makabalik na kami sa opisina ay nakumpirma kong uminit nga ang ulo niya kasi bago siya pumasok ng silid ay kinausap niya ako este sininghalan pala, "Sa susunod Miss Marasigan kung hindi mo lang din pala ako kakausapin ay tumanggi ka na lang sumama. Parang kumain lang din ako ng mag-isa eh." Tas pabalya niyang sinara ang seradura ng pinto niya.

" Tas pabalya niyang sinara ang seradura ng pinto niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bahagya akong natawa sa tinuran niyang un. Is he damn serious? Because if he is, para siyang tanga. Utak gisantes gaya ng madalas niyang itawag sa akin noon. Paano ako tatanggi eh hindi naman niya ako tinanong kung sasama ba ako o hindi? Inutusan niya kaya ako. At ako bilang mabait na empleyado, ay sumunod lamang sa ipinaguutos ng amo.

Natapos ang buong araw na hindi na siya lumabas sa kwarto niya. I do not know lang talaga ha. Masahol pa siya sa naglilihi. Pero whatever, masyado akong pagod ngayon at wala akong lakas para intindihin pa ang mga tantrums niya kaya umalis na lang ako para umuwi. Keber kung hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanya.

-----------------------------------

Nang nakarating naman ako ng bahay ay biglang tumunog ang telepono ko at sa pag-aakalang si Jared un ay hindi ko na tinignan kung sino at agad ko na itong sinagot. "Hi Hun, how's your day? I miss you so much." Bungad ko sa kabilang linya.

"So, kaya ka pala nagmamadaling umuwi at hindi man lang nagpaalam ha?" sabi ng unggoy. Bigla ko tuloy nabitawan ang telepono ko. Buti na lang at sa carpet ito bumagsak kundi mapipilitan pa akong bumili ng panibagong telepono.

"Ah, Sir? Akala ko po kasi si Jared eh. Pasensya na. Paano niyo pala nakuha ang numero ko?" wala sa isip na tanong ko.

"Psh. Kahit kelan Peabrain ka pa din. Natural, sa files mo saan pa ba?" Sa tila naiirita nitong boses.

Kakatapos lang namin mag-usap ng magaling kong boss. Hindi ko alam kelangan ko pa palang magpaalam sa animal na un tuwing aalis. Paano daw kung may mga kakailanganin pa siya sa akin? Blah.Blah.Blah. Ang daming kuda. Sinira niya talaga araw ko.

***Ring, Ring, Ring***

Sa pag-aakalang siya ulit, medyo tumaas na boses ko. "Hello, what now?!!!" Bahala na siyang magalit. Galit na din naman ako.

"Hun, anyare sa'yo?"

"Hunnyyyyyyyyyyyyyy... Buti na lang at tumawag ka. Bwisit na bwisit talaga ako buong araw." At un na nga, nikwento ko sa kanya lahat ang nangyari. Alam ko may pagka insensitive lang pero open kasi kami sa isa't isa kaya lahat nang nagyayari sa amin sa buong araw ay kinukwento namin sa isa't isa.

"I miss you talaga Hun. Kelan na ba kasi ang balik mo?" Tanong ko matapos ng mahabang rant ko sa kanya.

"Hun, noong isang araw lang ako nandito ah. Pero, I miss you din sobra. Konting tiis lang Hun. I'll be back before you know it." Medyo natatawa pa nitong sagot pero if I know sa kabila nun at deep inside ay labis itong kinikilig na. Hindi lang nito pinapahalata sa akin. Haha.

Pagkatapos ng mahaba naming pag-uusap ay napag pasyahan na namin na magpahinga at may kanya kanya pa kaming pasok kinabukasan. Sana lang talaga ay matapos na ang Long Distance Relationship namin na ito pati na din ang kalbaryo ko sa mahangin na lalaking un. Kasi feeling ko, konting konti na lang tatakasan na talaga ako ng bait.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon