Ara's POV
Nakarating na ako sa apartment na kinuha ni Mr. Santillan para sa akin. Malaki siya para sa isang tao lang tapos kumpleto na din sa mga gamit. Mas malaki pa nga ata ito sa buong bahay namin. Ang sososyal pa ng mga gamit. May malaking TV, WiFi, magandang sofa, malapad na kwarto, at high tech na mga gamit sa kusina. Mga pribileheyo na hindi naman readily available sa akin back home. Kaya naman as of the moment, everything just feels so surreal. Manghang mangha talaga ako because this is more than what I have ever hoped for kaya naman I am extremely grateful for this opportunity. At hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito para mapagbuti ang sarili at kinabukasan ko. Para naman pagbalik ko ay may maipagmalaki ako sa lahat na nangmata sa akin. Higit sa lahat I will be able to provide a better life para sa akin at sa family ko.
After malibot ng mata ko ang kabuuan ng apartment ay naisip kong itext sila Mama para ipaalam na nakarating ako ng safe. Nag send na din ako sa kanila ng mga larawan ng tinutuluyan ko para naman hindi sila masyado mag alala sa akin. Nagreply ito at natuwa dahil maayos naman ang kalagayan ko tapos sinabi niya sa akin na nasa probinsiya na din sila ni Papa. Hindi kasi maiwan iwan ni Papa ang bukirin at mga alagang hayup namin kaya hindi sila puwede magstay ni Mama sa bahay namin sa Maynila while I am away. Tinupad din naman ni Mr. Santillan ang pangako niya na in the meantime ay patitignan niya muna ang bahay namin doon.
People might think na marami naman pala kaming properties pero don't get me wrong, hindi kami mayaman at mas lalong hindi kami haciendero't haciendera. Ang bahay namin sa Maynila ay minana lang ni Mama sa mga magulang niya samantalang ang mga ari arian namin na nasa probinsiya ang sa mga magulang naman ni Papa.
I was busy thinking when it suddenly dawned me na andami ko pa palang dapat ayusin so I started unpacking my things. Naglinis na din ako and decorated the place according to my taste. It took me a while din bago ako natapos so nung nakaramdam ako ng pagod ay napagdesisyunan ko munang magpahinga. Hindi rin biro ang pinagdaanan ko makarating lang dito ano kaya naman inihiga ko muna sa malambot na kutson ang katawan kong pagod at luray luray na. Char!
Nasa kasarapan ako ng pagbu-beauty rest when suddenly, I heard a knock on my door.
Anak ka ng nanay mo naman, oo. Who could this be? Ang sarap pektusan sa bangs sa pang-iistorbo sa aking pamamahinga. Papapikit na sana ako eh.
Wala naman akong inaasahan na "bwisita". Kakarating ko lang at wala pa akong kakilala dito. So this is all new to me dahilan para bigla na lang ako makaramdam ng pagiging uneasy. Bigla akong nilamon ng kaba at takot.
Could it be, HIM?
Nah, hindi maari un dahil his father promised me.
He promised he wouldn't tell on me and I believed him.
Then if it's not Jake, who could this be? Sino naman kaya ang hinayupak na 'to? Oh my gosh!!! Baka magnanakaw, kidnapper, o hindi naman kaya killer? Ang bata bata ko pa para ma tegi ng wala sa oras.
Napailing ako sa mga naiisip ko. I must be really going crazy sa sobrang pagod dahil talagang nagawa ko pang takutin ang sarili ko in times like this. After a while, medyo natawa na din ako sa morbid thoughts ko na un. Dahil sino ba namang matinong magnanakaw, kidnapper or hindi kaya killer ang mag-aaksaya pa ng panahon na magdoor to door? Only me could think of those outrageous thoughts. Haha!
I can sense malapit na akong takasan ng katinuan kapag pinagpatuloy ko pa ang pag-iisip ko ng kung ano ano. Nakakabaliw pala ang mag isa sa banyagang lugar lalu pa at may sugatan at duguang puso.
Kaya kahit na labag man sa kalooban ko ay napilitan na lamang akong tumayo para pagbuksan kung sino man ang nasa kabilang pinto. Kung bakit naman kasi walang peep hole ang silid na ito. Hindi ko tuloy makita kung sino ang nasa kabilang side. Mabibigat ang paa na naglakad ako patungong pintuan. Nang makarating na ako ay hindi ko muna ito binuksan dahil baka naman magsawa siya kakakatok. Baka magpaltos ang kamay at biglang sumuko. Mahirap na ano, sa panahon ngayon marami ng masasamang loob. Kahit pa sabihin na nasa ibang bansa ako. Mas lalo pa nga dapat ako mabahala kasi apparently I have no one here.
Ang tibay ng isang ito. Un lang ang masasabi ko pero well kung desidido siya, ay desidido din akong paghintayin siya habambuhay kaya naman I waited for a few minutes more pero sa kasamaang palad ay nagpatuloy pa din ito kakakatok. The determination mga bes is amazing. Ganun ba ito ka desididong manloob? Ang tindi naman ng pangangailangan ha. Bakit kasi hindi man lang ito magsalita para malaman ko kung sino. Pipi ba siya? Naku ha may jetlag na nga ako, sobrang pagod at lahat tapos iniistress pa ako ng damuhong 'to. Makakaltukan ko talaga ito kapag nagkataon nang pagsisihan naman niya ang pang aabala sa akin.
Eventually, nang mapagtanto kong wala itong balak na tumigil ay ako na lang ang sumuko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto para silipin kung sino 'tong hindi ko namang inaasahan na "bwisita".
Kundangan naman kasi sa pagkasosyal sosyal nang apartment na ito at gaya nga ng sabi ko kanina ay wala man lang peep hole. Ni double lock ay wala kaya tuloy nagmumukha na akong tanga kakasilip ng paunti unti.
At un na nga, nang tuluyan ko nang mabuksan ang siwang ng pinto, ganun na lamang ang panlalaki ang mga mata ko at ang pagkawindang na nadarama ko nang mapagsino ang nasa harapan ko na ngayon na siyang bwisit, damuho, at malaking istorbo.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...