Ara's POV
Nagising ako nang makarinig ng mahihinang katok sa pinto. Ang aga aga, ano na naman kaya ang kelangan ng lalaking 'to. Nawiwili na kakabwisit sa akin ha. Humanda talaga siya sa akin kapag hindi ito importante. Distorbo sa masarap kong tulog. Nagiging hobby na ata nito ang abalahin ako lalo na sa tuwing nagpapahinga ako.
"Ano ba Jared? Ang aga aga ha." Sabi ko habang kusot kusot ang aking mga mata. Oh di ba? Ang bait at ang galang ko talagang kaibigan.
Tapos sa sobrang asar at pagmamadali ko na buksan ang pinto ay nakalimutan ko pa palang magrobe at hinayupak lang wala akong bra. Nakita kong natuon ang mata niya sa bakat kong hinaharap at nang tignan ko siya ay napalunok ito bigla at sobrang namumula na ang mukha nito kaya siguro dinaan na lang niya sa biro ang awkwardness between us.
"Ano ba yan Celine, may muta ka pa. Gulong gulo ang buhok at may natuyo pang laway sa may gilid ng labi mo. Mahiya ka naman sa akin uy. Haha."
Sa mga sinabi niyang un ay biglang nagising ang diwa ko kaya naman bigla na lang akong kumaripas ng takbo papuntang banyo. Pagtingin ko sa salamin, wala naman. Naisahan ako ng walang hiya. Lagot talaga siya sa akin. Naghilamos at toothbrush na lang din ako bago lumabas saka nagsuot ng roba.
"Walanghiya ka talaga Jared. Wala naman eh." I glared at him.
"Binibiro lang kita. Ke aga aga kasi ang init init ng ulo mo eh."
"Ano ba kasi kelangan mo? Kapag iyan walang kakwenta kwenta, patay ka talaga sa akin. Ang sarap sarap ng tulog ko 'tas bigla ka na lang susulpot dito na parang isang kabute." May pagkainis pa din na wika ko dito.
"Psh, you talk too much. Maligo ka na nga lang doon saka magbihis dahil may pupuntahan tayo."
Biglang lumiwanag mga mata ko. "Talaga? Saan naman?"
"Ayan basta lakaran, nag-iiba ang timpla. Basta huwag na madaming tanong Celine. Pero natitiyak ko na magugustuhan mo doon."
"Yay!!! Okay, sige." At dahil hindi ako gaanong excited, eh tumakbo lang naman ako ng matulin papuntang banyo para gumayak. Haha.
-----------------------------------------
Andito kami ngayon sa train papunta sa kung saan man. Matibay ang isang 'to dahil buong biyahe ko na siyang pinipilit at kinukulit na sabihin kung saan kami pupunta eh hindi man lang matinag-tinag.
Tapos ng malapit na kami, naglabas pa ito ng panyo sabay sabing pipiringan niya daw ako.
"Eeeeee, ayoko nga. Para naman akong tanga niyan." Pagmamaktol ko dito.
"Ano ka ba, wala naman silang pakialam dito. Bukod pa doon ay hindi naman nila tayo kilala. At higit sa lahat ay kasama mo naman ako, eh di dalawa na tayong muntanga. Haha."
"Hindi nakakatawa. Mas lalong ayoko."
"Sige na Celine. Please don't spoil my surprise." Nagsusumamong lahad nito. Mukhang ayaw mabalewala ang effort sa kung ano mang pakulo niya ngayon.
"Hayyy, pa konsensiya effect ka pa diyan. Pasalamat ka, hindi kita matiis. Hmp, sige na nga." sabay lahad ko ng mga mata ko para malagay na niya ang panyo.
"Yehey. That's my girl!!!!" Saglit siyang natigilan sa nasabi niya pero binalewala ko na lang para hindi awkward kaya tinuloy niya na ang pagpiring sa akin.
"Jared ha. Mamaya niyan may balak ka pa lang itulak ako sa bangin. Mumultuhin talaga kita."
"You know I can't do that to you. Just trust me on this one Celine. I'm 100% sure that you will love it."
"Hmm, sige na nga." may pagsukong sagot ko dito.
After kong pumayag maging tanga, ay inalalayan niya na ako papunta sa kung saang lupalop man ito.
"Malayo pa ba Jared? Pagod na ako sobra. Sa dulo ng walang hanggan mo ata talaga ako balak dalhin eh o hindi naman kaya ay may lihim ka na galit sa akin dahil pinag-dedeath march mo ako." Pagrereklamo ko pa kasi kanina pa kami naglalakad. Malapit ng mapaltos ang mga paa ko.
"Tsss. So Impatient. Malapit na po kamahalan kaya relax ka lang diyan."
Matapos ang ilang saglit pa ay bigla kaming huminto sa paglalakad. Hudyat siguro na andito na kami.
"Okay! We are here. I will remove your blindfold na ha."
Naramdaman ko na lang na wala nang telang tumatakip sa mga mata ko kaya unti unti kong idinilat ang mga ito.
When I finally opened my eyes, he spun me around and I saw the most astonishing view ever. Bigla akong napaluha. Kung dati it's just my life long dream to see the Eiffel Tower, ngayon, it has become my reality. All thanks to Jared.
Medyo malungkot din kasi hindi ko kasama sila Mama at Papa para masilayan ang kagandahang ito. Mamaya mag selfie na lang ako para naman mapakita ko sa kanila. 'Tas suddenly, an unwanted thought had crossed my mind. They say that Paris is the City of Love, romantic kaya ang feel kung siya ang kasama ko ngayon?
"Ano ba yan Ara. Ang ingrata mo naman. Mas nauna mo pang maisip ang mayabang na un kesa ang magpasalamat sa taong nagdala sa'yo dito." Pangaral ko sa sarili ko.
"Wow, Jared. I'm speechless. Ang ganda."
"Oo, parang ikaw." Mahinang tugon nito nang nakatingin sa akin.
"Ha? Ano sabi mo?"
"Ah. Wala sabi ko, yes, what a spectacular view indeed."
"Thank you so much. You don't know how much you have made me happy." Sabay halik ko ng mabilis sa pisngi niya.
"Wala un. Dapat pala lagi kitang napapasaya para lagi ding may premyong halik. Haha."
"Loko ka talaga. Seryoso, pangarap ko kasi 'to."
"Pangarap din naman kita ah." Pabulong niya na namang sabi.
"Huy Jared ha, kanina pa ako nakakahalata. Panay bulong mo sa sarili mo."
Nakita kong kinabahan siya sa mga sinabi ko. Ewan ko sa lalaking 'to. Minsan ang weird lang. Teka nga, matanong.
"Jared, magtapat ka nga sa akin."
Nakita ko ang paglunok nito ng malalim ng sabihin ko un. Pinagpapawisan na din siya ng malapot. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na matawa sa reaksiyon nito kasi parang matatae na ewan.
"Nababaliw ka na ba?"
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...