Chapter 31 Fast forward

83 1 0
                                    

Ara's POV

Ambilis lumipas ng panahon. 5 taon na pala ang nakakaraan. Nakatapos kami parehas ni Jared ng Advertising. Hindi naging madali para sa akin ang mga taong lumipas. Miss na miss ko sila Mama pero gaya ng pangako ni Mr. Santillan, nakabisita sila Mama sa akin ng walang gastos kaya kahit papano ay naibsan ang kalungkutan ko doon. 

Ang hirap din pala mag-aral sa ibang bansa. Bukod sa maraming mga gawain, kelangan din namin mag adjust sa kultura nila at makisama sa iba't ibang nasyonalidad dahil International ang programa na pinasukan namin ni Jared kaya naman hindi lang mga Pranses ang mga naging kaklase namin. Ang hindi ko lamang natutunan ay ang salita doon. Kahit noon pa man, learning a new language has been very difficult for me. Marunong din naman sila mag-ingles doon although hindi naman lahat kaya I didn't feel the need to learn.

Sa ngayon, masasabi ko na hindi naman ako nagsisi sa desisyon na ginawa ko dahil marami akong natutunan. I learned to be independent, I learned to adapt to a different culture, I learned to move on at higit sa lahat, I learned to love again. 

Yes, Oo, tama ang narinig niyo. Natuto akong magmahal muli. Tinuruan niya akong makalimot at maging matatag. Sa lahat ng pinagdaanan ko kasehodang masakit man iyon o masaya, lagi siyang naandon para sa akin. Through it all Jared has always been there for me at hindi siya mahirap mahalin dahil napakabait niyang tao. Naalala ko pa nung nagpahayag siya nang nararamdaman niya para sa akin. Hindi un kasing weird at magarbo tulad noon kay yabang pero ramdam ko na it was very heartfelt at very sincere.

***Flashback***

"Jared, tara kain muna tayo sa labas bago umuwi. Sawa na ako sa luto mo eh. Hahaha."

"Talaga ba?" sabi nito ng may lungkot sa mga mata.

Hindi ko alam kung ano merun sa kanya at buong araw siyang ganyan. Napakatamlay at tila ba may lungkot sa kanyang mga mata na hindi ko mawari kung bakit.

"Ano ka ba? Masyado ka namang sensitive. Siyempre gusto ko ang mga luto mo bukod sa masarap na, ay libre pa. Hehe."

"Ikaw talaga. Siya anong gusto mong kainin?"

"Yay, gusto ko burger. Mag East Side tayo please?" Sabi ko sa kanya in my very excited voice.

"Mag train pa tayo papunta dun, hanap nalang tayo ng malapit dito." Sagot niya naman sa akin. Medyo sumama ang loob ko kasi doon ko talaga gusto kumain.

"Huwag na nga lang. Ayaw mo naman eh. Tara uwi na lang tayo." Medyo nagtatampo kong saad sabay nauna akong maglakad.

"Celine, wait lang. Ikaw lang naman iniisip ko baka pagod ka na kasi."

"Naku, huwag ka na magdahilan Jared. Ako nga nag aya diba ibig sabihin, hindi pa ako pagod. Hmp."

"Halika ka na nga, bago pa tuluyang humaba ang nguso mo diyan at magbago isip ko." At hinatak na ako palayo ng walangjo.

Nang makarating na kami doon ay walang mapagsidlan ang tuwa ko. Ilang araw na kasi akong umaasam na makakain dito.

"Wow, ang sarap talaga ng burger nila dito." Alam kong nagmumuka na akong PG kasi ramdam kong kumislap pa ang mga mata ko habang binibigkas ko un. Pero anong magagawa ko ang sarap naman talaga kasi. 

 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon