Chapter 45 Summer Outing

75 1 0
                                    

Ara's POV

Matuling lumipas ang mga araw na tila ba bumalik kami sa dating samahan ni Jake. Madalas pa din kaming nagbabangayan pero hindi na niya na ako pinapahirapan gaya nung mga nauna kong araw bilang sekretarya niya. Madalang na nga lang ako utusan ng isang un. Madalas siya pa nagdadala ng pagkain sa akin. Saan ka nakakita na ang amo pa ang nagsisilbi sa empleyado. Alam kong dapat na tumanggi ako pero isang beses kasi ng ginawa ko un ay buong araw na tinopak ang walanghiya. Lahat ng mga kasamahan ko dito ay nasigawan niya nung araw na un kaya naman sinabihan nila ako na tanggapin na lang kung ano man ang ibigay niya. Hindi sa wala akong sariling bait at sumusunod na lang sa sinasabi ng iba, ayoko lang din kasing may madamay sa toyo ng amo namin.

Dahil sa mga pinapakita niya sa akin, masakit mang aminin pero parang hindi lang ang samahan ang unti unting bumabalik sa dati pati na din ata ang nararamdaman ko before para sa kanya.

I know, this is not right and I feel like I am the most evil person in the world for doing this to Jared. Hindi ko sinasadya, God knows hindi ko ginusto na parang unti unting mahulog ulit sa mokong na ito. I resisted so hard na there are times na very casual at professional na nga ang pakikitungo ko sa kanya gaya dati which he hates so much by the way. Ewan ko ba dito, dati may pa "Are you being paid to public display your affection or to work?" pa siyang nalalaman. Un pala, iyon din ang gusto niya.

Alam ko sa sarili ko na masama pero hindi naman siguro natuturuan ang puso kung kanino ito titibok. Dagdagan mo pa na parang padalang ng padalang ang pag-uusap namin ni Jared ngayon. Hindi ko alam kung naging abala lang ba siya dun masyado na tila nakalimutan na niya ako o talagang kinalimutan niya na nga ako. Never naman akong nakalimot sa kanya pero madalas siyang walang panahon at para bang unti unting lumalayo na ang loob niya sa akin. Nasasaktan ako kasi hindi ko alam kung ano pa ba ako sa kanya. Kung may lugar pa ba ako sa puso at buhay niya o parte na lang ng nakaraan.

Pero hindi, anong karapatan kong masaktan kung mismo ang damdamin ko ang unang nangtraydor. Kailangan ko nang itigil itong kahibangan ko. Hindi deserve ni Jared ang ganito. He has done nothing wrong and never niya akong sinaktan. All he ever did was to love me and be with me through thick and thin. Siguro ay naging abala lang talaga siya sa trabaho at kailangan kong intindihin un at hindi ibaling sa iba ung nararamdaman ko.

G*ga mo talaga Ara. Get your self together at iwasan mo na ang Jake na 'yan. He spells D-A-N-G-E-R.

-------------------------------------

Matapos kong makapag-comtemplate ay buong araw kong iniwasan si Jake.

As if naman maiiwasan ko siya ano? Haha, what I meant was, binalik ko lang ang dating pakikitungo ko sa kanya ng dumating ako dito, which is very casual at professional. Kasehodang magalit pa siya.

At hindi nga ako nagkamili kasi hindi niya ito nagustuhan dahil kitang kita ko na nagdilim ang aura niya ng lumabas ng silid.

"Miss Marasigan, do we have a problem?" tanong nito sa akin.

"Ha? Naku, wala po SIR." Na diniinan ko pa talaga ang pagkakasabi ng huling salita. "Paano po ninyo nasabi 'yan?" Pilit kong pinakaswal ang boses ko na mas lalo ata nitong ikinagalit kaya walang ano ano'y bigla na lang akong tinalikuran nito.

"Psh, bastos talaga." bulong ko na lang sa sarili ko.

Aaminin ko medyo nasasaktan din ako sa ginagawa ko but this is the only way I know to supress my unwanted feelings. Hindi maaring tuluyan akong mahulog ulit sa kanya. Matagal ko nang binaon sa limot ang kung ano man ang merun kami noon. He's just a thing of the past now and it should remain that way. Jared is my present and my future.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon