Jared's POV
Nalintikan na. Muntikan pa akong mabuking.
"Hindi ah. Baka ikaw. Kung ano ano naririnig mo eh. Haha." Palusot na sabi ko kay Celine.
"Huwag mo nga ipasa sa akin. Ah basta. Ikaw ung baliw, hindi ako noh. Hmph!" Sagot naman nito.
"Naku, bago pa lumagpas ang labi mo diyan sa mukha mo, halika na nga sa loob at mag lunch. Kanina pa ako gutom eh."
"Seryoso ka Jared? Mukhang mahal diyan."
"Wala 'yan. Mas mahal naman kita." Bulong ko na hindi na naman ata nakalagpas sa pandinig niya. Bakit ba kasi hindi ko mapigilan ang madaldal kong bibig na 'wag bumulong ng kung ano ano.
"Ayan, bumubulong ka na maman eh. Kawawa ka naman, baka sobrang gutom mo na nga."
"Kaya nga halika na sa loob bago pa ako tuluyang mabaliw. Sa'yo" siyempre mahina lang ang dulong salita saka ko ito hinila papasok sa loob para lang ma divert ang attention niya. Sana lang hindi niya na ungkatin pa mamaya kung ano man ang mga narinig niya.
"Huwag na diyan Jared. Sa iba na lang. Okay na ako. May selfie na ako eh haha."
"Hindi ko na kaya maghanap ng iba Celine. Ikaw lang sapat na." Ugh, kabanas sobra. Me and my stupid mouth konti na lang ay mabubuking na ako nito talaga.
"Naku, gutom ka lang ba talaga o sadyang nababaliw na? Hindi kasi matapos tapos 'yang bulong mo sa sarili mo eh."
"Gutom na talaga ako, pramis. Kaya please lang halika na." pagkukumbinsi ko na lang dito para matapos na ang usapan.
"Hayyyy, sige na nga bago ka pa tuluyang mabaliw sa gutom."
Ara's POV
Hinatak na ako ni Jared sa loob. Sa Le Jules Verne Restaurant niya ako dinala. Pagpasok pa lang ay nalula na ako sa ambiance. Ang ganda at mukhang sosyal. At first step, you would know na halos lahat ng pumupunta dito ay prominente at may sinasabi sa buhay. Buti na lang at disente naman kami tingnan sa mga suot namin kaya hindi kami nagmukhang alangan. Dahil sa wala naman na akong magagawa ay nagpatianod na lang ako sa kagustuhan niya kahit sure akong ang mamahal ng mga pagkain dito.
"Pssst Jared, sigurado ka bang dito tayo kakain? Mukhang ang mahal dito. Wala akong pera pambayad."
"Sino ba naman kasi nagsabi na magbabayad ka Celine?
"Talaga?" relieved na tanong ko dito kasi kahit pamasahe pauwi wala akong dala eh. Ikaw ba naman maagang bulabugin.
"Oo naman. Hindi ka magbabayad ano kasi maghuhugas ka pagtapos mong kumain. Haha."
"Puro ka naman biro eh. Alis na nga lang ako. Ikaw na lang kumain diyan." Naaasar kong sabi sa kanya. Akma na akong tatayo pero pinigilan niya ako. Siyempre drama ko lang un ano, hindi naman talaga ako mag-wwalk out. Takot ko lang. Bukod sa wala akong pamasahe ay hindi ko kaya alam ang daan pabalik.
"Oy, eto naman. Kidding aside, I'm not making you pay Celine. Hindi naman ako ung ganong tipo na iimbitahin ka 'tas in the end pagbabayarin. Kaya sige umorder na tayo."
Pagkabigay ng waiter ng menu ay napagtanto kong tama nga ako na ang mamahal ng pagkain kaya dahil sa sobrang nahiya na ako, sabi ko, siya na lang ang umorder para sa amin. Ang kapal ko naman na wala na nga akong ambag eh oorder pa ako ng mahal. Sumang ayon naman siya pero naman talaga andaming inorder ng mokong. Bahala siya tutal siya naman ang taya. Haha.
Ang dami namin napagkuwentuhan. Masaya din pala kasama 'tong si Jared. Dati kasi sa Pilipinas kahit na magkaibigan na kami doon pa lang eh parang pormal ang pakikitungo niya sa akin. Ngayon ko lang din nadiscover na maypagka kalog at pala kwento din pala siya na side.
Masaya din ako na unti unti ko siyang nakikilala. Dati kasi kay yabang lang umiikot ang mundo ko. Ngayon, malaya na akong makakilala ng ibang tao. Possessive at seloso kasi ang unggoy na un, lalo na pagdating kay Jared. Marinig lang niya ang pangalan nito ay naghuhuramentado na.
"Hay, busog na busog ako. Ang sasarap ng mga pagkain nila. Thank you talaga Jared."
"Ano ka ba, wala un. Ako nga dapat magpasalamat dahil pinaunlakan mo ako sa lunch date na ito."
"Lunch date?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Bakit, can't two friends go on a date?"
"Hindi naman sa ganun. Nagulat lang talaga ako." na-guilty naman ako kasi biglang lumungkot ang mukha nito.
"Ang sabihin mo Celine, ay masyado kang malisyosa. Haha." Him again trying to hide what he really feels. Ewan ko ba nalilito ako sa mga inaakto nito recently.
"Tse. Mapang asar ka na ngayon ha. Watch out, paghahandaan kita."
"Okay, I'll be waiting. Haha."
Naglibot pa kami onte bago umuwi. Ang ganda talaga dito. Ni sa hinagap hindi ko na-imagine na makakatuntong ako sa lugar na ito, let alone stay for 5 years. Andami kong pictures at pinagmukha ko pa tuloy photographer si Jared dahil panay pakuha ko sa kanya. Kasi naman balak ko na ipadala ang mga ito kila Mama mamaya pag-uwi para naman kahit wala sila dito, parang andito na din. Excited na ako na makapunta sila dito gaya ng pangako ni Mr. Santillan para naman mashare ko sa kanila ang experience.
Medyo gabi na kami nakauwi ni Jared. Ang pagod ko hindi mabilang. Sobra, abot hanggang Pinas. Pero all worth it naman kasi for a while, nakalimutan ko why I was here kaya laking pasalamat ko sa kanya. Saka baka kapag nag-umpisa na kami ng pag-aaral ay mawalan na kami ng oras maglibot kaya dapat lubusin na ang free time.
Masaya ang araw na 'to.
Masaya din kaya si Jared?
Eh si Jake kaya, kamusta na?
Masaya kaya siya sa piling ni Medusa?
With that thought, tumulo ang mga luha ko. Saka ko napagtanto na hindi pa nga ako nakaka move on. Pero naisip ko din na ang talino ko talaga, pangalawang araw ko pa lang dito 'tas ineexpect ko na maka move on na agad?
Hayyyy, makatulog na nga lang. Baka bukas eh nasa wastong pag iisip na ako.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)
RomanceJake Grant Santillan A campus heartthrob who is cold-hearted, egotistical but with a dark past. Almost a pessimist to everything especially when it comes to love. What if one day, a nerdy and bubbly girl will come into his life to break all his inhi...