Chapter 5 The Plan

144 2 0
                                    

Jake's POV

I am so pissed right now. Bakit ba kasi pinatawag pa ni Dad ang babaeng un? Hindi ko na tuloy naisagawa ang plano ko kanina. Balak ko sanang ipahiya na naman ito pero dahil sa may isang malaking balakid sa katauhan ng tatay ko ay walang naganap na eksena. Well, buti na lang talaga at pinanganak akong matalino. May nabuo na namang panibagong plano sa utak ko. Kaya habang wala pa siya ay lalagyan ko na muna ng mighty bond itong upuan niya. Ano kaya magiging reaksiyon niya? Nakaka-excite naman. Surely, it will be a sight to see.

Actually, I don't really give a damn doon sa bintana ng kotse ko. Mayaman kami, kayang kaya ko un palitan anytime. Ang hindi ko lang matanggap is ung may nagkaroon ng guts na kalabanin ako. Ang isang Jake Grant Santillan. Bukod na sa isa lamang itong nobody, ay isa pa itong babae. Hindi ako sexist pero ayoko lang kasi ng ganun. Nakaka g*go kasi alam ko sa aking sarili na ang ego ko ay mas matayog pa sa buwan. Saka ewan ko ba kung bakit pero sa tuwing nakikita kong naasar siya at nahihirapan, tila ba aliw na aliw ako. Sadista nga ata talaga ako. But who cares?

Ayan na siya, mukhang lutang. Ano kaya pinag-usapan nila ng tatay ko? Anyway, I'll figure it out soon din naman but as of now, I have to pretend na wala akong ginawa. I'm so excited to see what her reaction would be.

*Insert Evil Laugh*

Ara's POV

Tuliro pa din ako sa pagpasok sa silid aralan namin. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap na para akong nabudol ng tatay ng ungas na un na gawin ang isang bagay na alam kong hindi malayong pagsisihan ko sa huli. Para ko na din hinukay ang sarili kong libingan.

Paano kaya kung umatras na lang ako? Pero I don't think I have the heart na bawiin pa ang mga salitang nabitawan na lalo pa at nakita ko kung gaano ito napasaya nang pagpayag ko. Siguro nga ay kelangan ko na lang talaga panindigan ang lahat ng 'to. Pero tangna naman kasi. Naiisip ko pa lang na maging mabait lalo na ang maging sweet sa lalaking un ay para na akong masusuka na kulang na lang iluwa ko ang aking large at small intestines. I really can't stand him. Sana lang talaga ay biyayaan ako ng sandamakmak na pasensiya at tatag ng sikmura para mapakisamahan ko ito ng maayos. Let alone make that Jerk fall for me.

I was so drowned with my thoughts kaya naman wala sa sarili na sumalampak ako sa upuan na sa huli ko na nalaman na nilagyan pala ng pandikit ni Jake. See? Who would want to love an a*shole like that?

Matuling lumipas ang klase na wala pa din ako sa aking sarili. Hindi pa ata humupa ang pang hihipnotismo ni Mr. Santillan sa akin. May PhD ata sa pambubudol ang isang un.

Masyado akong tuliro na hindi ko namalayan na awasan na pala.

"Sh*t, bakit hindi ako makatayo sa upuan ko?" baling ko kay Jake. I already know what the prick has done. I was just hoping na tubuan ito ng konsensiya at magsabi ng totoo pero what do I expect from a jerk right? Nagkibit lamang ito ng balikat samantalang makikita mo itong tila pigil na pigil sa pagtawa. Hindi naman siya masyadong napaghahalataan niyan.

Bwisit. Hirap na hirap na ako kaya labis ang pagngitngit ko sa galit ngayon kasi malapit nang mapunit ang palda ko sa pagpupumilit kong tumayo. Ang swerte ko talaga kung kelan wala pa naman akong baon na extrang damit ngayon ay saka naman akong naisip pagtripan ng hinayupak.

I am starting to lose hope hanggang sa.....













"Here, let me help you." offer ng gwapo naming kaklaseng nagngangalang Jared. Na-paralyze ako ng very light kase nemen kenekeleg ake. Patawa lang kasi nagawa ko pa talagang lumandi. Wala pala sa bokabularyo ha.

Medyo nag-struggle pa kami ng konti ni Jared bago ako tuluyang nakawala. Ano kayang mighty bond ang nilagay ng lalaking un? Extra Strong? Hayup talaga. May konting punit na tuloy ang palda ko pero bago pa man ako makitaan ay pinulupot na ni Jared sa aking bewang ang dala niyang jacket.
#SanaAllGentleman

"Uhm, thanks Jared ha buti ka pa mabait at tinulungan mo ako hindi gaya ng iba diyan na natutuwa pa ata na napapahiya ako!" saka ko matalim na tinitigan ang walangjo na sa kasamaang palad ay matalim din ang titig pala sa amin ni Jared

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Uhm, thanks Jared ha buti ka pa mabait at tinulungan mo ako hindi gaya ng iba diyan na natutuwa pa ata na napapahiya ako!" saka ko matalim na tinitigan ang walangjo na sa kasamaang palad ay matalim din ang titig pala sa amin ni Jared. Problema nito? Bakit parang kasalanan ko pa? Parang ako pa ang may ginawang katarantaduhan sa kanya ah. May regla siguro kaya tinotopak.

"Wala un Ara, anything for you." sagot naman nitong si Jared.

Matapos niyang sambitin iyon ay matamis na ngiti na lamang ang isinukli ko. Nemen kase. Ang ganda ng boses niya. Natameme tuloy ako.

Silence lasted for a while at natigil ang kalandian ko dala ng pagkakagulat nang bigla bigla na lang lumabas ung ungas at pabagsak pa na isinara ang pintuan. Anyare kaya dun? Ngayon sigurado na talaga ako. Perfect ang grade nito sa GMRC. Ang galang eh.

Jake's POV

"Anything for you my a*s!" Pabibo naman ang hinayupak na un. Who does he think he is anyway? Successful na sana ang plano ko eh tapos nag ala knight in shining armor pa kanina ang walanghiya. Take note, mukhang didiskarte pa ata sa Peabrain na un. Ano ba ang nakita niya dun? E wala namang tinatagong ganda. At eto pa ha, ang babaeng un naman ay sa wari ko'y enjoy na enjoy pa sa atensiyon na ibinibigay sa kanya. Mukhang kinilig pa ang loka. Feeling siguro nito ang ganda ganda niya na para siyang isang damsel in distress. Nakakainis!

Anyway, may bukas pa naman. Watch out for another surprise waiting for you Miss Ara Celine Marasigan. Tingnan ko na lang kung hindi ka sumuko sa mga gagawin ko pa sa'yo. I will stop at nothing para parusahan ka at sisiguraduhin kong magsisisi ka na akong ang binangga mo. Huwag lang talaga umepal na naman ang lalaking un at siguradong mabubuo na naman ang araw ko.











With that thought in mind, ay masaya akong umalis ng school dahil kailangan ko pa paghandaan ang mga pasabog ko bukas.

I Fell In Love with a Peabrain (Completed!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon