Shantelle Kristina
Pagkagaling namin ni Ram sa Hospital para sa monthly check up ko ay dumiretso kami sa mall. May kikitain daw itong isang importanteng kliyente, pagkapasok namin sa mall ay dumiretso kami sa isang restaurant.
May isang lalaki ang kumaway kay Ram kaya natuon ang atensyon naming dalawa roon. Bale tarlo silang kalalakihan na mga nakapormal ang kasuotan, marahil ay sila ang kikitain ni Ram. Inilagay ni Ram ang kamay nito sa likuran ko para alalayan ako sa paglalakad papunta doon sa mga kalalakihan.
"Ah Ram..." tawag ko dito saka ako bahagyang huminto sa paglalakad.
"Why?" Kunot noong tanong nito.
"Hihintayin na lang kita dito." lumakad ako ng kaunti at lumapit sa bakantang mesa na katapat namin. Hindi naman ako kasali sa kung ano mang pag uusapan nila kaya hindi na kailangang nandoon ako.
"No, you should—"
"Okey lang ako dito Ram, hindi ako aalis, hihintayin kita dito."
"Mr. Buenavidez." Sabay kaming napalingon ni Ram ng tawagin ito ng isa sa mga lalaking nakapormal ang kasuotan.
"Tinatawag ka na." Sabi ko rito. Narinig ko lang ang pagbuntong hininga nito bago nilubayan ang likod kong hawak hawak nito.
"I'll keep my eyes on you, so don't go anywhere. Kapag may kailangan ka, huwag kang mahiyang lapitan ako doon." tumango ako rito bilang sagot saka pumuwesto na ng upo.
"Just stay here okay?" Muling sabi nito kaya tumango ulit ako. Pununta na rin si Ram sa mga kliyente nito.
Dalawang mesa ang pagitan ng mesang inookupa nina Ram sa kinaroroonan ko. Nakaharap ako sa kanila at ganun din naman ang pwesto ni Ram kaya nakikita namin ang isa't isa. Kahit nakikipag usap ito sa mga kliyente nito ay manaka naka itong sumusulyap sa akin.
Ilang sandali lang ay may lumapit sa aking waiter para tanungin ang order ko. Kumain na kami ni Ram bago nagpatingin sa OB ko kaya busog pa ako.
"Tubig na lang po." sabi ko sa waiter. Ilang sandali lang ay nilapagan na ako ng waiter ng isang basong tubig.
Sumandal ako sa upuan at pinagsalikop ang mga braso ko. Medyo naiinip na rin ako dahil mahigit kalahating oras na silang nag uusap usap. Nakakatatlong baso na rin ako ng tubig kaya medyo nakakaramdam na ako ng panunubig.
"Ahm... excuse po Sir." baling ko sa waiter na dumaan sa gilid ko.
"Yes Ma'am." sagot nito.
"May restroom po ba kayo dito?" tanong ko.
"I'm sorry Ma'am pero wala po eh."
Ang tagal naman kasi nina Ram mag usap, naiihi na talaga ako.
"Ganun po ba, saan po ba may malapit na restroom dito?" tanong ko ulit.
"Ahm, baba po kayo ng escalator Ma'am, ang alam ko po may restroom doon." sagot ng waiter.
"Ah, thank you po ah." sabi ko dito bago ito umalis. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam kay Ram na mag ccr muna ako. Abala pa rin ito sa pakikipag usap, hindi na ito tumitingin sa akin kaya hindi ko maibulong dito na magbabanyo ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/38029467-288-k776874.jpg)